Chapter 1 : First Day of School

84 0 0
                                    

Misaki POV

                *Kriiinnnggg *Krrriiiinnnggg *Krrriiinnnggg

(Sorry po tunog yang ng alarm clock)

*tik* (tunog po yan ng pagpatay ng alarm haha)

\(-__O)\ inat, bukas isang mata

\(O_O)/ inat, bukas dalawang mata

                5:30 na at unang araw ng pagpasok ngayon.. hay! Makapagready na nga lang kahit na nakakatamad pa pumasok kasi magpapakilala lang naman eh ganon naman palagi pag first day ng klase.. oo nga pala ako nga pala si Misaki Ferrer well napakilala naman na ako ni author kanina pero sige magbibigay pa ako ng ibang details.. Hindi ako mayaman pero may sapat akong pera para mabuhay at makapag aral pero kailangan ko pa din mag tipid dahil alam ko naman after ko makagraduate hindi ako agad makakahanap ng trabaho..oo may iniwan silang pera sakin pero sa tingin ko hindi yun aabot hanggang sa pagtanda ko..

                Hindi ko din naman kailangang umupa ng bahay dahil may bahay na kami bago pa mawala sila mom and dad.. tama kayo ng basa wala na parents ko namatay sila noong 10yrs pa lang ako, namatay sila sa isang car accident..nag iisa ko lang dito dahil pinaalis ko na yung dati naming katulong nung namatay sila mom and dad ayaw ko madagdagan ang mga gagastusin ko..

Business Management ang course na kinukuha ko ngayon at na sa second year college na ako..wala akong kahit isang kaibigan at cold akong tao dahil natatakot akong maiwan na naman, ayokong may napapalapit saking tao..hay tama na nga muna ang drama next time na lang ako magkwekwento sainyo  teka anong oras na ba? Hala!! 5:45am na pala kailangan ko na muna maghanda jan muna kayo baka malate ako sa first day ng school tsk!

                Ginawa ko na yung morning rituals ko alam nyo naman na yung ginagawa dun di ba readers..after 123456 years natapos din..tingin sa salamin kung ok na lahat at ok naman na at bumaba na ako para maghanda ng breakfast.. hay.. hindi medaling mamuhay mag-isa.. mom, dad miss ko nap o kayo pero gaya ng pangako ko sainyo magpapakatatag ako..

                Pagkatapos kong kumain agad na akong lumabas ng bahay at naglakad papuntang school.. 15 minutes lang naman andun na ako medjo malapit din kasi ang Fernz University sa bahay ko..

Fast forward..

@Fernz University

                Pagtapat ko pa lang sa gate ng FU (Ferns University) hindi ko pa din mapigilan mamangha sa ganda nitong school na to ang sosyal naman kasi ang laki pa..pag-pasok ko pa lang pinagtitinginan na ako ng mga estudyante dito, hindi ko naman sila pinansin dahil wala naman akong pakialam sakanila dahil ayaw ko nga napapalapit sa tao kung alam ko din naman iiwan nila ako sa huli, iniwan na ako dati ng isang lalaking akala ko makakasama ko sa lahat.. hindi man lang siya nag sabi na aalis na pala siya..

                Habang nag-lalakad ako para mahanap ko ang building kung saan ang unang class ko naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao dito.. ewan ko ba kung bulungan nga talaga yun kasi rinig ko eh ang linaw ng pagkakarinig ko sa mga sinasabi nila..

                "Hay naku!ayan na naman siya.. Nakakatakot talaga itsura nya"           

"para talaga siyang robot, tignan mo ang cold niyang tumingin"

                "hay naku ang pangit naman nya mas maganda pa din naman ako noh! Right girls?"

                "Yeah right!"

                Hindi ko na lang sila pinansin kasi dati na naman silang ganyan pag naglalakad ako at nakikita nila.. eh ano naman kung ganito ako..i don't effin care!.. tsk!

White Blood Prince's and Ms. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon