Shin POV
Nakita kong lumabas si Misaki, maganda siya pero ewan ko ba dito kay jirou kung bakit titig na titig siya dun hindi naman niya kinakausap sabagay hindi naman yan kumakausap ng iba maliban samin.. nakita kong lumabas si Misaki ewan ko pero maya maya nakita ko na lang yung sarili kong lalabas din para sundan siya..
"Oh? Shin san ka pupunta? Malapit na magstart yung next class natin" – shouta
"A-ah mag CR lang shou"..bayan nakakapagsinungaling na ako ngayon.. lumabas ako at hinanap siya..nakita kong nakahiga siya dun sa garden..kung titignan mo ang payapa niyang tignan pero mararamdaman mo yung lungkot niya..lumapit ako at umupo malapit sa tabi niya..alam ko naramdaman niyang may lumapit sakanya..
"Alam mo maganda ka sana pero bakit ang cold mo at para kang walang buhay" sabi ko sakanya pero pagtingin ko tumayo na siya at umalis.. wow! Maganda sana kaso isnabera huh.. hay tinamad na ako pumasok kaya dito na lang ako..hindi na lang muna ako papasok..
Misaki POV
Kilala ko tong mapangahas na tumabi sakin, kung hindi ako nagkakamali siya yung isa sa mga kaibigan ni Jirou..hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at tumayo ako para umalis.. akala ko naman tahimik dun sa garden pero may asungot naman na dumating tsk!..makapunta na nga lang sa canteen..tsk! first day ng klase absent ako agad sa second subject ko..
Naglalakad na ako papuntang canteen wala pa naman masyadong estudyante kasi oras pa ng klase ngayon..pagpasok ko ng canteen bumili na ako agad ng favorite ko..chuckie at chocolate cake..yummy! (*__*) pag ka bili ko umupo na ako agad hindi pa nagtatagal may pumasok na dalawang lalaki at kung minamalas ka nga naman mga kaibigan na naman ni Jirou tong mga to.. wala bang oras na hindi ko makikita tong mga to.. ay tanga ka naman misaki dito nag –aaral yang mga yan kaya malamang makikita mo sila pag andito ka sa FU.
Maya may umupo sila pero ang hindi ko inaasahan na tatabi sila sakin.. nakakainis na huh.. parang nanadya ang tadhana.. ang iingay pa nitong dalawa tong..
"Oh hi.. ikaw yung katabi ni Rou di ba" –Guy 1
"Oo nga ikaw nga yun, yung parang patay haha" – Guy 2
Nakakawalang ganang kumain kung ganito lang din naman yung mga kasama mo teka anong sabi niya rou? Ah ewan ba dahil sa kakaisip ko sakanya kaya namamali na ako ng dinig.. mabilis kong inubos ang chocolate cake ko at tumayo na ako bitbit ang chuckie ko..aba naman hindi pa naman nababawasan ng madami to sayang naman..nakita kong nagtaka naman yung dalawa sa ginawa ko pero wala akong pakialam palabas na ako ng marinig ko pa ang sinabi nung isa..
"Tsk! Isnabera..marunong naman yun magsalita di ba kasi kanina nagpakilala yun eh" – guy 2
Hindi ko na lang pinansin at hindi ko na din narinig yung sinagot nung kasama niya..bahala sila sa buhay nila.. san naman kaya ako pupunta yung alam kong wala ng iistorbo pa.. tsk!..
Ryu POV
Walang prof kaya napagpasyahan namin na lumabas na ng classroom dahil na din sa napaka ingay ng mga babae dun at naiirita na tong si Jirou hahaha baka mambugbog pa yan ng di oras eh si shin naman hindi na bumalik tsk! Baka na flash na yun sa CR.. teka maaya nga sila kumain..
"Guys kain na lang tayo" nakakagutom kasi eh hahaha saka tahimik sa canteen walang nakain may klase pa eh kami lang wala hahaha..

BINABASA MO ANG
White Blood Prince's and Ms. Lonely
Romance(currently editing each chapters) 5 years old ng iniwan ako ng first love ko.. 10 years old ng bawiin ng dyos ang magulang ko.. Ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong mahahalaga sakin ay iniiwan ako.. hanggang sa onti onti ko ng dinidistansya...