chptr .17

7.9K 166 27
                                    

Dedicated to JoralynAmad Hi besh! Salamat sa votes. Mwaps! ヽ(´▽`)/

Mae Aguado at the media...

Continuation~

Natigil ang pag lakad ko dahil sa nakita. Si Mr. GBS? Bakit? Nanatili kaming magkatitigan, hindi ko mawari kung maniniwala ba ako kay Hera o hindi. Pero may isang parte sa utak ko na nag sasabi na maniwala ako. At hindi ko lang matangap na si Timothy ang lalaking tinutukoy nya. Sana si Calix na lang.

Naputol lang ang tinginan namin dahil sa pag hila sakin ni Mahye.

"Mcdo na lang tayo bes." aniya at walang habas na hinila ulit ako. Nag patianod na lamang ako dahil ayoko ng tingnan ulit si Timothy.

Nang matapos ang pag kain namin ay nag aya naman ang bespren kong baliw sa book store. Bibili daw sya ng He's Into Her na book. Parehas kaming addict sa wattpad kaya kahit nabasa na namin sa phone ay bumibili pa din kami ng book. Okay balik sa pamimili ng book. Nasa magkabilang shelf kami at nag hahanap ng iba pang magandang story.

"Bes."

Inangat ko ang ulo ko mula sa pag babasa ng The Payment Of Her Deft dahil sa pag tawag nya. Napa iling ako ng makita kong naka nguso ito. Malamang hindi nya nakita ang bibilhin nya.

"Mag tanong ka sa may counter." sabi ko lang at ibinalik na ang libro. Hindi ko feel basahin ito ngayon.

"Sige jan ka lang ha." walang lingong sabi nya at dali daling nag punta sa isang staff ng book store

"Are you stalking me?" bulong ng kung sino sa likod ko. Nag tayuan ang lahat ng balahibo ko dahil don. Agad akong napalingon sakanya. At talagang nahigit ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit nya. Naduling pa ko sa pag tingin sa mata nya.

"Pfft. Tell me. Are you my stalker?" Muling tanong nya. Pero hindi ko pa din mahanap ang dila ko dahil sa lapit nya. Nakatingin lang ako sa mata nya, sa chestnut color na mata nya.

"Wow." napa pikit ako sa nasabi ko. Halos ihampas ko na ang mga kamay kong may hawak na libro sa ulo ko dahil sa sinabi ko.

*chuckles*

Napamulat ako dahil sa pag hagikhik nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"H-hoy! L-lumayo ka n-nga!" sabi ko at bahagyang dumistansya. Sa pagka mangha ko sa mata nya nakalimutan kong may space pa na pwede kong atrasan. Kaasar ka Chalk! Nag chi'cheat ka na kay Calix. Susmee!

Nakatingin pa din sya sa akin at naka ngisi. "Your stalking me." hindi na iyon tanong. Parang sigurado na syang stalker nya ko. Bwisit to.

"FYI Mr GBS. I.Am.Not!" madiing sabi ko dito.

Nangunot ang noo nya. "Mr what? GBS?"

Ako naman ang ngumisi. "Ground Beef Stealer!" bulyaw ko sa kanya sabay talikod at lakad paalis. Kaloka! Kinabahan ako sa tagpong iyon. Kasalanan ito ni Hera e. Di sana hindi ako na aawkward kay Timothy, sana tinataray tarayan ko lang sya at sana hindi ako naiilang sa mga mata nya. Beb Calix sorry! Tinutukso kase ako ng mata nya eh. Huhuhu!

"Huhuhu!"
"Ay kalabaw!"

Sinamaan ko ng tingin si Mahye. Sya yung nag 'huhuhu' Talagang isinabay nya pa sa 'huhuhu' ko, nagulat tuloy ako.

"Problema mo nanaman jan Maebs?" Maebs ang tawag ko sa kanya kapag inaasar ko sya. (A/N: Kahit sa totoong buhay Maebs talaga tawag ko at bihira lang ang Mahye. Hahaha!)

Naka simangot ito at may hikbi effects. "Kase naman, out of stock na ang H-I-H." at nag punas sya ng imaginary luha. Napabuga na lang ako ng hangin, alangan namang apoy. Anet ako? dragon?

"Here." sabay kaming napalingon ni Mahye sa nag salita. At talagang nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon.

Agad nag ningning ang mata ng baliw at mabilis na lumapit sa naka abang na H-I-H na book bundle.

"OMG! Hulog ka ng langit!" Oa na sabi nito kay Timothy. Napa irap naman ako.

Akmang kukuhanin na ni Mahye ang libro nang iiwas iyon ni Timothy.

"In one condition." sabi nito kay Mahye at ang baliw mabilis na tumango! I smell trouble. Shoooooot!

"Your friend will accompany me" at tulad kanina walang habas na hinila ako ni Mahye at ini'abot ang kamay ko kay Timothy! Letse, awkward na nga kanina tapos ngayun may ganitong epek sya!

"Hayan, hayan, sayo na!" excited na sabi pa ng baliw. Juskofo!

"Teka naman!" awat ko sa tangkang pag hawak ni Timothy sa kamay ko. "Baliw ka talagang dugyot ka!" bulyaw ko naman kay Mahye.

Hingang malalim Chalk.

"A.YO.KO!" Madiing sabi ko sa kanilang dalawa. Kitang kita ko kung paanong bumagsak ang balikat ni Mahye. Juskofo! Argh!

"But she want this book. Hmm, its okay i will buy this for my sister. Im sure she'll love it." may himig ng pangu ngunsensya na sabi ni Timothy. At lalong bumagsak ang kanina pang naka bagsak na balikat ng bes ko. Fuuuu!

"Beeeees." Pabulong sa tawag skin ni Mahye. Patience Chalk.

Binalingan ko ang walangyang stealer. "Ugali mo na talaga ang mang steal ng dapat ay sa iba. Tsk! Fine. Sasama na ko basta ba ikaw ang mag babayad ng book na yan at ibbigay mo sa bespren ko." sabi ko na lang sabay irap.

Ngiting tagumpay naman ang gago. "Sure." Kasabay ng sure nya ang tili ni Mahye.

"Kyaaaaaaah! aaaaaaah!"

I just rolled my eyes! Huhuhu Im sorry beb Calix, kaylangan ko munang sumama at makipag date---

Mind: Oy oy wag kang assuming gaga, sasamahan mo lang. Walang date na magaganap. Charotera!

Ay ano ba naman tong left side ng utak ko. Kumokontra e. Pero sabagay, wala naman syang sinabe.

"Here." Naka ngiting abot nito ng book kay Bes. Ang tipid mag salita. Hmft.

"Thankyouu!" Magiliw na sagot ni Mahye sa kaya. "Pero bat kaylangan ka pang samahan ng bespren ko?" kunot noo na tanong nya.

Tama bes, mag tanong ka! sigaw ng utak ko.

Sumulyap sakin ni Timothy bago ngumiti ng matamis kay Mahye. "Im into her. I guess." at napanganga ako sa sinagot nito. Fuuuuuu talaga!

"Ow May Gad!" niyugyog ako ng baliw kong kaibigan. "Bat lapitin ka ng gwapo bes? Huhuhu Mag bigay ka naman!"

Natigil ang ka Oa-han nya ng hawakan ako ni Timothy.

"Let's go on a date." sambit nya.

Mind: Ay! Di pala charotera ang kamag anak ng blackboard! Lagot nga lang kay Fafa Calix. Muwahaha!

At dun para kong binuhusan ng kumukulong mantika. Nilingon ko ang bespren kong baliw at hayun, kumakaway lang naman samin. Bat nagawa mo kong ipaubaya sa kanya bes. Huhuhu Nang dahil sa libro. Hays! Pero okay lang pa birthday ko na sa kanya iyon. Ngayun kaylangan kong harapin ang lalaking ito.

"Ang lalaking iyon ay tinitingnan ka mula sa malayo. Gusto ka niya at gagawin niya ang lahat para sa iyo."

Jusko Hera! Babalikan talaga kita. Ugh!





•~•~•~•~•

My Boss My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon