Chapter 4

1.8K 141 60
                                    




Oath of Love
Written by Yuan

Kabatana 4


Nagmamadali akong naglalakad pauwi. Mayroon kasi akong tanggap ng labada ngayon doon sa kabilang kanto. Kailangan ko pa kasing umuwi dahil dala ko ang gamot sa ubo ni Inay.

Narinig ko na naman kasing inuubo na naman siya. Mukhang natuyuan na naman ng pawis dahil sa mga gawaing bahay.

Eto talagang si Inay hindi inaalagaan ang sarili niya. Paano kaya kung wala ako sa tabi niya? Paano kung wala ako para alagaan siya? Nag-aalala ako dahil ayokong nakikita siyang nahihirapan dahil sa ubo niya kaya hangga't maaari gumagawa ako ng paraan para maibili ko agad siya ng gamot nang sa ganoon ay hindi na lumala pa ng sobra.

"Angela!"

"Angela!"

Biglang umalingawngaw ang boses ng echoserang usisera na si Emedora. Paulit-ulit niyang isinisigaw ang pangalan ko. Ano na naman kayang chika ng babaeng 'to?

"Girl, wait lang! Bagalan mo lang ang lakad mong palaka ka! May raket akong alam! 'Wag kang magmaganda, ako lang ang maganda!"

Hingal na hingal niyang sambit dahil sa mabilis niyang pagtakbo papalapit sa akin.

"Ano? Bakit ka naman hingal na hingal, Emedora? Hinahabol ka ba ng mga kalabaw?" Saad ko habang nakatawa.

"Gaga! Ang bilis mo kasing tumakbo! May raket ako. Game ka ba?" Pagtatanong niya habang naghahabol pa ng hininga.

"Ano namang raket 'yan?" Tanong ko.

"Magbebenta tayo ng laman, mabilis ang pera doon." Seryosong sagot niya.

Tinignan ko lamang siya ng masama sabay talikod at akmang aalis na.

"Puro ka talaga kalokohan, Emedora." Saad ko ng pabalang.

"Charot lang. Haha! Napakapatola mo naman! 'Yung patola nandun sa palengke, mukhang dinala mo yata, bruha ka!"

Tawang-tawa niyang tugon sa akin.

"Buwisit ka talaga, Dora!" Saad ko sabay hampas sa braso niya.

"Aray ha! Dadating daw 'yung anak ni Mayor galing sa America. Magkakaroon daw ng malaking handaan bilang pagwelcome daw sa kanya dito sa probinsya," aniya "Naghahanap sila ng mga tao na tutulong sa handaan." Dagdag pa niya.

"Kailan naman 'yun, Dora?" Tanong ko.

"Sa susunod na linggo raw. Ano gusto mo ba? Raket din 'yon. Maganda rin yata ang bayad doon. Ano go ka ba? tanong niya "Para mapalista ko na ang pangalan mo sa kakilala kong naghahanap ng mga tao para sa event na 'yun." Saad pa niya.

"Okay sige, Dora. Payag ako."

"Okay, Angela ha? So, paano magkita nalang tayo nun at sabay na tayong magpunta doon ha?"

"Sige sige, Dora."

"Okay sige! O siya mauna na 'ko 'te. Ingat!" Tugon niya sabay lakad palayo sa akin.

Babalik na palang muli ang anak ni Mayor dito sa probinsya. Sa pagkakaalam ko ay kasing-edaran lang namin siya ni Miguel. Nakikita namin siya dati noong naglalaro sila ng mga kaibigan niyang anak mayaman din doon malapit sa lupa kung saan pangarap ni Miguel na mabili.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon