Kabanata 27
"BABY, gising na," I groaned at sinubukang gumalaw pero hindi ako pinakawalan ni Iñigo. I felt his hand caressing my back at naramdaman ko ang buhok niya sa may tiyan ko.
"Iñigo," tawag ko at iminulat ko ang mata ko. Kaagad kong ibinaba ang paningin ko at mahina akong natawa nang makita ang ulo ni Iñigo sa loob ng maluwag kong shirt at nakasubsob ang mukha niya sa tiyan ko.
"Hmm?" he hummed at humalik sa tiyan ko.
"What are you doing there?"
"Greeting my baby," he answered me huskily at sumubsob pa sa tiyan ko. Niyakap niya pa ang tiyan ko kaya mahina akong natawa at iniangat ang damit ko para silipin siya.
"Uy, umakyat ka nga rito," natatawang sabi ko sa kanya. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko at mabilis naman siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"Kiss mo ko..." ungot niya. I laughed and nodded at mabilis naman siyang umangat mula sa pagkakayapos sa tiyan ko at pumantay sa mukha ko.
"Give me..." I moved closer and gave him a peck on the lips. He smiled and give me back a small peck before enveloping me in a tight embrace.
"Gigising na tayo?" tanong niya sa akin bago sumiksik sa itaas ng dibdib ko.
"Hmm, oo. Ayaw mo ba?" pinaglaruan ko ang buhok niya at huminga lang siya nang malalim at mabilis kong pinalo ang kamay niya ng pumasok ito sa shirt ko.
"Iñigo!"
"'Di pa rin ako makapaniwalang may nabuo dito," he said huskily at pagkatapos ay humalik sa may dibdib ko kaya napaigik ako at halos itulak siya.
"Ang harot nito!" sita ko pero hinila niya lang ako pabalik sa kanya at sinalubong ako ng labi niya. He kissed me softly and bit my lip teasingly. Hindi pa man ako nakakaganti ay lumayo na siya sa akin at pinagtuunan na naman ng pansin ang tiyan ko.
"Saang scene kaya siya nabuo? Six weeks mahigit na siya 'di ba?" Tumango ako.
"'Di kaya no'ng bago ako nag-abroad? 'Di ba nag-make love tayo no'n? Sa shower atsaka sa—"
"Ano ba 'yan, Iñigo!" tinakpan ko ang bibig niya na nagdadaldal na naman.
"What?" bigla niyang kinuha ang kamay ko sa bibig niya at natatawang sinulyapan ako. "Inaalala ko lang 'yong mga panahong 'yon. Malay mo do'n siya nabuo," he wiggled his brows.
"Paano pala kapag hindi no'n? Malay mo sa ibang time pa?"
"Saan do'n? Teka, saan pa ba tayo—"
"Iñigo naman! Kailangan alalahanin lahat?" sumimangot ako at humagalpak siya ng tawa. I saw how happiness danced on his eyes at pinatakan niya ng halik ang pisngi ko.
"Kidding, baby! Ito naman! Siyempre nagjo-joke lang ako para ngumiti ka," he smiled cutely.
"Feeling mo cute ka na niyan?" nakangising tanong ko. Inilagay naman niya ang kamay niya sa ilalim ng baba bago ngumiti ulit.
"Bakit hindi ba?" he winked kaya natawa lang ako at nilamutak ang mukha niya.
"Let me fix that," binitiwan ko ang donut na kinakain ko at naghugas ng kamay bago lumapit kay Iñigo na nasa tapat ng salamin at nag-aayos ng necktie niya. Natatawa ako dahil kanina pa ito at nakadalawang donut na ako hindi pa rin tapos. He keeps on ruining his tie everytime he tries.
Bahagya siyang tumungo para maabot ko ang leeg niya at maayos ang necktie niya. "You should really learn how to fix this, para 'di mo na ako aantayin."
"I don't need to learn, you're here so I won't mind. You can fix my tie always, right?" malambing niyang sabi at inabot pa ang baywang ko.
BINABASA MO ANG
Tempting The Heiress
RomanceSandejas Siblings First Installment (2023 EDITION) I Ñ I G O "The best way to not get burned is to never play with fire..." Thallia Josephine Raymundo has only one mission, which is to find the evidence of the crime her father has committed, she has...