Chapter One

4 1 0
                                    

Babala: Perstaymer ang Author.

Chapter One:
Meet Xena Rite

"Shad, what about Edward? Ayaw mo sa kanya?? Gawd, ang poooogi kaya niya! Ano na? Ba't mo siya dinedma?"maarteng singhal ni Cassia Itzel Tan(Cat for short) habang niyuyugyog ang braso ko.

Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko inalis yung kamay niya sa braso ko.

"Ano ba dapat ang sasabihin ko? Na 'Sorry, sa iba nalang,pleaase??"

"Dapat sinagot mo nalang siya!"di makapaniwalang sagot niya.

"Ano?! Sasagutin ko siya,e di ko naman siya gusto." nakangusong sabi ko.

Napanga-nga naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba na napahiya siya kanina?? Napahiya siya na pagkatapos niyang maghanda ng bonggang-bongga ay alis lang ang sinagot mo sa kanya!"hestirikal na sabi niya na tinutukoy yung pag-alis ko sa pagpro-propose ni Edwin?Eddie?-wait.. sino nga ba 'yon??

"E ano ngayon kung napahiya siya? Mas OKAY na nga yung alis lang kesa sagutin ko siya mismo dun ng HINDI PWEDE."

Napangiwi naman siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang Parking Lot dito sa school.

At pinagtitinginan din kami ng mga estudyanteng naroroon,most of them are...boys

Lumapit agad ako sa lugar kung saan ko pinark yung Vios ko.

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng Driver seat nang narinig kong nagsalita si Cat.

"Hayys.. pang-176 na si Edward sa mga naggwa-gwapohang lalaking tinanggihan mo ngayong buwan,Shad."pagod na paalala ni Cat sakin..

176 suitors this month of June??

Not bad.. ;)

Tuluyan ko ng binuksan ang pintuan at pumasok na. Binuksan naman niya ang front seat at umupo na din.

"Kung nasasayangan ka kay Edward...edi sa iyo na yon. Halatang-halata ka,e."

Binuhay ko na ang makina ng kotse at nagmaneho. I'm only 17 pero pinapayagan na ako ng parents ko na mag-drive. Responsable kasi ako.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Himala at hindi traffic ngayon ang ka-maynilaan.

"Kung pwede lang, e hindi naman ako gusto nun. Oo,maganda ako pero hindi kasingganda mo,Shad."nakangusong sagot niya.

"Lilipat nalang ako ng school?"pabiro kong sabi.

Iniliko ko na sa Village ni Cat ang sasakyan. Nakisakay eh. Pagbigyan..

"Haynako! Okay lang na magkakagusto sayo lahat ng type kong lalaki basta wag mo lang akong iwan"nakangisi niyang sabi.

"O.A neto.. "

Hininto ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay ni Cat.Yes,may sariling bahay na siya. Pareho kasi kaming responsable at maaasahan sa lahat ng bagay.

"Di ka na papasok?"siya habang tinatanggal ang seatbelt nya.

"Hindi na.. sa susunod nalang siguro. Baka naghihintay sina Dad."

Pagkatapos niyang kalasin ang seatbelt ay binuksan na niya ang pinto ng kotse at lumabas.

"Ang bait talaga. Salamat sa free ride."sambit niya bago siya tuluyang pumasok sa bahay nya.

Nagmaneho na ako papuntang
bahay nina Mommy.

My Not-so-Ideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon