Pagkamulat ng aking mga mata ay puti kaagad ang aking nakita. Nagpalinga-linga ako at puro puti ito. Sa taas ay may maliwanag na ilaw at may nakasabit na krus sa aking gilid na dingding. Napatingin ako sa aking kinauupuan at ito ay puting kama. Napansin ko rin na may nakatusok sa aking kanang kamay na dinadaluyan ng isang likidong nakasabit.
Tumayo ako at lumapit sa bintanang malapit sa aking kama. Nakita ko ang mga tao sa labas na nagmamadaling lumalakad, mga kotseng bumubusina, at mga batang nagsisiyahan. Pagkabalik ko sa kama ay may nakita akong babae na nakahiga sa sofa. Pinagmasdan ko ito at bigla na lamang siyang nagising. Laking gulat niya nang makita ako.
"You're awake. Oh my God gising ka na!"
Nagtaka ako sa sinabi niya at nagulat ako nang yumakap siya sa akin. Ang higpit ng pagkakayakap niya at parang hindi na ako makahinga. Naramdaman niya ito kaya napabitaw siya. Nakita ko sa kanyang mata na naluluha siya.
"Na-miss kita. Bakit ngayon ka lang gumising? Ang tagal mong tulog dyan. Akala ko nga forever ka nang nakahiga eh."
Niyakap niya ulit ako. May kinuha siyang bagay sa kanyang bag. Cellphone. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako.
"Sino ka?" pagtataka ko.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. Tinawanan niya ako kaya pinagtaka ko ito nang labis.
"Hoy wag ka nga! Parang ewan 'to. Tatawag ako sa bahay para malaman nilang gising ka na."
"Hindi naman ako nagbibiro. Sino ka ba talaga? Sino ako?"
Pagkarinig niya ng huli kong sinabi ay napatulala siya. Lumapit siya sa akin at niyugyog niya ang balikat ko.
"Baliw ka ba? Ginu-good time mo naman ako eh."
Tiningnan ko siya nang pagtataka kaya naman bumitaw siya at umiyak. Hindi ko alam pero nasasaktan ako nang makita kong maraming luha ang tumutulo sa kanyang mata.
"B-bakit ka umiiyak?" tanong ko
"Seryoso ka nga talaga, ate." huminga siya ng malalim at matamlay na ngumiti sa akin. "Dyan ka lang muna. Tatawag lang ako ng doktor."
Umalis na siya at humiga na lamang muli ako sa kama. Tumitig ako sa kisame at nag-isip-isip. Ngunit blangko ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pero wala akong maramdaman. Wala akong maalala. Ni walang pumapasok sa isip ko maliban na lang doon sa babae kanina.
Dumating ulit ang mga babae at may kasama na siya. Mga taong nakaputi, mga doctor. Nakita ko na masayang-masaya sila at lumapit sa akin.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"A-ayos lang ako. Teka, bakit ba ako nandito sa ospital?"
Nagkatinginan na lamang ang mga doktor pati ang babaeng kumausap sa akin kanina. Ang kanina nilang masayang mukha ay napalitan ng kalungkutan. Bakit ba sila malungkot? Dahil ba sa akin? Ewan. Naguguluhan na ako. Ni wala akong ideya kung anong nangyari sa akin. Ni wala akong ideya kung sino ako.
"Doc, kailan po makakuwi si ate?"
Ate. Ibig sabihin kapatid ko siya. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon niya kanina.
"Magsasagawa pa kami ng ibang tests. Maybe she can go home the next day."
Pagkatapos iyong sabihin ng doktor ay umalis na sila. Tumabi naman sa akin ang babae pero napansin kong dumistansya siya.
"Hindi mo ba talaga ako maalala?"
"Hindi"
Ngumiti siya ng mapait saka yumakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Faded Memories
Teen FictionChildhood Memories. First Crush. First Heartbreak. Lahat ng iyan ay parte ng ating alaala. Bawat isa ay nakatatak na sa ating isipan, masalimuot man ito o maganda. Ang mga ito ang nagpapatatag sa ating sarili at nagsilbing lakas upang magpatuloy sa...