세입뜰기
——
“KAMUSTA naman ang pagaaral mo?” Tanong sa akin ni Irene babes habang kumakain kami.
Natigilan ako sa pagnguya at ngumiti, “Maganda pa din ako.”
”Hindi iyan ang tinatanong ‘ko, Seulgi.” She said then raised her eyebrow. “And, For your information, I already knew that you’re pretty cute.”
Namula naman ako kaya napakamot nalang ako sa ulo ‘ko. Kainis naman, Kinikilig ako. Hihi.
“Eh, Irene babes, Ayos naman ang pagaaral ko. Meron na tayong pampatay sa gustong manakit sa akin. May palakol ako. Hehe.” I said. Kumamot ako sa ulo ko nang tignan nya ako.
“May line of 7 ka?” Natatawang sabi nya. “Puro kasi cellphone ang inaatupag mo! Paano pag magrepeater ka?” Tinaasan nya ako ng kilay.
Napangiti naman ako. “Hindi lang naman cellphone ang inaatupag ko, Ikaw din naman. So sisihin mo din yang sarili mo.”
“Aba’t—”
“Wait, May nararamdaman akong kakaiba.”
Sabi ko naman at kumunot ang noo ‘ko. Feeling ko may gumagapang sa likod ‘ko. Hala, Baka si Kayako?!Putangna, Wag naman, oh. Walang gaguhan. Huhuhu.
“Huh? Bakit? Natatae ka ba? Bear, Alam mo naman kung nasaan ang CR—”
“Hindi! Hindi ako natatae. Pero may nararamdaman akong kakaiba.” Tahimik ako at pinapakiramdaman ang likod ko. Para talagang may gumagapang eh!
“Huh? Wag mong sabihing lumalala ang hormones mo? Puta, Ddeulgi. Wag ngayon. May mens ako!” Inirapan nya ako.
Napatawa naman ako. ”Hindi iyon, Babe! Alam kong meron ka ngayon!” Natatawang sabi ko. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Para kasing may gumagapang sa likod ko!”
Kumunot naman ang noo nya, “Wala naman akong nakikitang white lady sa likod mo kaya wala naman dapat katakutan.”
”Irene babes! Tignan mo nga!” Yumuko ako para tignan nya ang likod ko kung ano ang masamang elemento na gumagapang doon.
Nagulat ako ng makitang nanlaki ang mga mata nya at napalayo sya sa akin. “May gagamba! Eww!”
Agad akong napatayo at wala sa oras na napasayaw ng growl. Nang malaman kong may gagamba sa likod ko, Gusto kong magwala. I hate spiders! Huhuhu.
Nang maalis na ang gagamba, Pumunta iyon sa may balikat ko kaya naman napatalon ako.
“Irene loves! Tulungan mo ako!” Naiiyak na sabi ko sa kanya.
“Wag ka ngang maingay! Hinahabol din ako nung isang gagamba! Dalawa pala sila, Jusko!” Sabi naman ng girlfriend ko na kasalukuyang nakikipagpatayan sa gagamba na nasa kanya.
Kung ano ano na ang ginawa ko para mapaalis ang gagamba sa balikat ko ng hindi ko hinahawakan. Nandidiri na ako na natatakot! Mammeh, Help us!
Nang makita kong wala ng gagamba si Irene unnie, Agad akong humingi ng tulong sa kanya.
“Babes! Babes! Tulungan mo na ako dito.” Sabi ko sa kanya.
”Diba matapang ka? At hello, Ikaw ang lalaki sa relasyon na to! Kaya mo na yan!” Sabi nya sa akin. Nagtatatalon naman ako at halos magwala na ako para lang matanggal ang gagamba sa balikat ko. Pero ang hayuf na gagamba, Ang dikit dikit! Buti pa tong gagamba, Marunong kumapit! Hindi katulad ng mga ex nyo, Binitawan na kayo!
“Babes naman! Bilis na!” Naiiyak na sabi ko kaya naman natatawa sya sa akin.
Lumapit sya sa akin at nagulat ako ng ipulupot nya ang braso nya sa leeg ko at halikan ako.
Irene babes naman, Sabi ko, Iligtas mo ako. Hindi akitin!
Biglang nawala sa loob ko na may gagamba sa balikat ko nang gantihan ko sya sa halik nya.
Bigla syang humiwalay kaya naman napapout ako. Hmp, Bitin!
“Ayan. Wala na.” Nakangiting sabi nya sa akin kaya naman napatingin ako sa balikat ko at wala na ngang gagamba.
Napangiti nalang ako at hinawakan ang bewang nya. “Salamat, Babe.” Sabi ko at ngumiti, ”Pero ituloy natin yung kiss. Nabitin ako eh!”
Napatawa sya at hinila ang ulo ko para halikan ako.
—
Such a cuties. Hihi. A very very short shot. Dahil April fools kahapon, Dalawang oneshot ang pinost ’ko. Isang mahaba at isang maiksi. Ito yung maiksi at yung mahaba naman ay pinamagatang Rival. Hihihi. Salamat!
040217