Chapter 06: Amnesia? Or just Pretending?

2.8K 118 11
                                    

Chapter 06: Amnesia? Or just Pretending?

(A/N: Sorry kung hindi nag-update kahapon. Wala kasing isinend sa akin si Dan)

Jian's POV
"Siguro nga, nagka-amnesia talaga siya. Pero may parte pa rin sa akin na ayaw maniwala" sabi ko.

"Jian, hanggang kailan ba natin itatago kina Tita at Tito ito? Pag sila na mismo ang nakaalam?" Sabi ni Skyler.

"Hindi ko alam. Naalala mo ba dati? Hindi nila binuksan ang topic na ito. Gusto ko ng sabihin sa kanila pero agad nilang iniiwas kapag tungkol dun ang pag-uusapan" sabi ko.

Napabuntong hininga na lang sila.

"Kailangan nating mag-isip ng paraan para mailayo agad yang impostora na yan para hindi na siya makagulo kina Tito Richard" sabi ni Khionne.

"Impostora? Sinong impostora? At sinong ilalayo niyo kay Dad?" Biglang tanong ni Korely
Nasabi naman na siguro sa inyo ni Skyler na dito na siya tumira dahil lagi silang nag-aaway nung impostorang yun.

"Ah..eh.. wala" sabi namin.

"Kaibigan niyo ako diba? Sabihin niyo sa akin kung ano yun, baka makatulong ako" sabi niya.

Makatulong? Tama.

Pwede namin siyang gamitin para makausap ng maayos si Tito Richard para sabihin hindi yang babaeng impostora na yan yung anak nila.

"I will tell you everything. In just one condition" sabi ko.

"May kondisyon pa? Eh, ano naman yun?" Tanong niya.

"Gagawin mo yung utos ko" sabi ko.

Napataas naman siya ng kilay.
"At bakit ko naman gagawin yun?" Tanong niya.

"Kapalit ng kaalaman na iyon. Napaka importante ng bagay na ito. At alam kong gusto mo din malaman ito" sabi ko.

"Sige na nga. Dahil sa curious ako, payag na ako" sabi niya.

"Jian, are you sure about this?" Tanong ni Claine.

"Yes! She's a Big help to us. Sana noon ko pa ito ginawa" sabi ko.

"Ano ba kasi yun?" Naiiritang sabi niya

"Just promise me, that you will not tell this to your father. Specially kay Xander" sabi ko.

Mukhang naguguluhan pa siya pero tumango na lang siya.

"Si Koreen... yung babaeng nandun sa bahay niyo ngayon... hindi siya yung tunay na anak ng daddy mo" sabi ko.

"Hwaat?" Sigaw niya.

"Aray! Kabasag eardrums ka" sabi ko. Ilapit niya ba naman yung bibig niya sa tenga ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

Okay, ikinuwento ko lahat sa kaniya at ngayon hindi siya makapaniwala.

"Si Kyrille... siya yung kapatid ko? Siya yung tunay na Koreen? Atsaka si Tita Miranda? Paano niya nagawa as amin to?"

"May mga bagay talaga na inakala nating imposibleng mangyari, yung tipong akala natin na hindi nag-eexist pero paggising natin sa katotohanan, posible palang mangyari" sabi ni Dharren

"Parang sa love, yung inakala mong kayo ng hanggang huli, pero hindi pa pala. Ganyan ang buhay, kung ano pa yung hindi mo inakala, ayun pa yung makakasakit sayo" sabi naman ni Jake.

"Parang kami lang din ni Carla, hind-- " hindi ko na siya pinatapos.

"Oo, tama na. Topic natin si Koreen, bat napunta sa love?" Tanong ko.

Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon