"Ang Parola"
"Armando!" Muling sabi ni Lola Justa.
Dumaloy ang mga luha sa mga mata ng matanda.Nangilabot bigla si Clayden.
"Kilala ho ninyo si Armando lola?" tanong ng binata.
Nanginginig ang katawan ng matanda at hindi iniaalis ang tingin kay Clayden.
"Patawarin mo ako Armando. Matagal na akong nagsisi sa mga kasalanan ko sa inyo ni Señorita Eleonor. Hi hu hu! Patawad Armando! Hu hu hu!"
"Lola hindi ho siya si Armando. Bisita ho natin siya!" sabi ng babae.
Lumapit siya kay Lola Justa. Itinayo niya ang matanda at inakay papasok sa kwarto. Habang naglalakad ang matanda ay nakalingon pa rin siya kay Clayden na parang nagmamaka-awa.
Hindi makapagsalita si Clayden dahil sa pagkabigla. Lalong lumalim ang misteryo nina Armando at Eleonor dahil sa sinabi at ikinilos ni Lola Justa.
Lumabas sa kwarto ang apo ng matanda.
"Pasensiya na kayo kay lola. Sinumpong na naman. Kasi nitong mga nakaraang mga gabi lagi na lang siyang nagsasalitang mag-isa at humihingi siya ng tawad doon sa mga sinabi niyang pangalan kanina."
"Kilala ho ba ninyo yung mga sinasabi niyang pangalan?" tanong ni Erwin.
"Hindi eh. Buti pa bumalik na lang kayo sa ibang araw."
"O sige ho. Tutuloy na kami." sabi ni Erwin.
Habang naglalakad pauwi sina Clayden ay hindi mawala-wala sa isipan niya si Lola Justa.
"Bakit humihingi ng tawad kay Armando ang matanda?" Naiisip niya at siya ay nahihiwagaan talaga.
Muli niyang naalala ang bulong sa kanya sa dalampasigan.
"Pumunta ka sa Parola"
"Erwin, punta tayo sa Parola."
"Ok bossing. Dito ang daan. May alam akong shortcut dito." sagot ni Erwin.
------------
Sa maliit na pantalan ng isla ay isang pribadong malaking yate ang dumaong. Nagsipagbabaan ang mga sakay nito. Buong pamilya ni Don Vicente Alcantara lll ang dumating kasama ang mga kaibigan ng mga anak niya. Lima ang mga anak ni Don Vicente, tatlong babae at dalawang lalaki. May mga asawa na ang nakatatandang babae at ang panganay na anak na lalaki. Ang dalawang bunso sa lalaki at dalawang babae ang wala pa.
" Noreen! Ang ganda naman ng islang ito. Malinaw ang tubig at malinis, white sand pa. Daig pa ang Boracay." sabi ng isa sa kaibigan ni Noreen.
"Oo nga Liz. Ngayon lang kami dinala rito ni Papa. "
"Ay! Walang signal ang cp ko. Kayo ba mayroon? Whaaa!" sigaw naman ng isang barkada ni Noreen.
Lahat ay tumingin sa kanilang mga cellphones. Walang may signal kahit isa man sa kanila.
Humanga sila sa ganda ng dalampasigan. Tumuloy ang grupo sa malaking bahay sa ibabaw ng burol. Pinatuloy sila ng mag-asawang Domeng at Patria.
" Magandang umaga po Don Vicente."
"Magandang umaga din Domeng. Kumusta na kayo rito?"
" Maayos naman po. Pina-andar ko na ho ang generator at maayos na ho ang mga silid. " sagot ng matandang katiwala.
" Salamat po Mang Domeng. Magtatagal kami muna rito ng ilang linggo hanggang sa pagkatapos ng anibersaryo ng kamatayan ni Lolo Vicente. Pakilista na lang po ang kailangan nating bilhin. Ang iba ay nasa lantsa na. Kumuha muna kayo ng mga katulong sa barangay."
BINABASA MO ANG
Reincarnation (Completed)
ParanormalMinsan na nga ba tayong nabuhay? Na sa pagsilang nating muli ay tila panaginip na nagpapa-alaala sa atin ang nauna nating buhay? Walang makapagsasabi at makapagpapatotoo pero minsan ay naitatanong natin sa ating mga sarili at nasasabing "Nakita ko n...