Dedicated to FlorianGutierrez. Thank you for your message! And yes, I read it. Di lang ako nagrereply pero nababasa ko po lahat. Pasensiya na sa sobrang tagal na paghihintay. Marami lang talagang inaasikaso.
Happy anniversary KMH! Yahoooo!
Hope you like this chapter!
Enjoy!
===================================
CHAPTER 37
Kasalukuyang nagpapahinga si Mikay sa kwarto niya. Kagagaling lang niya sa opisina upang pormal na ibigay ang resignation letter kay Vicky. She decided to quit her job para makapag-focus sa pag-aaral at administrative training sa kumpanya nila. Part of her was sad to leave, pero alam niyang sooner or later ay kailangan na rin niyang gawin iyon.
Nang makauwi siya ay mabigat ang pakiramdam niya kaya agad siyang nagtungo sa silid at nahiga. Hindi naman siya umidlip. Sa halip ay nakatunganga lang sa kisame habang hinihintay ang tawag ni Gino. Hindi pa kasi ito nagpaparamdam sa kanya simula kaninang umaga at nag-aalala na siya. He would often call to check on her. Pero ngayon kahit text ay wala.
Napabalikwas siya ng bangon nang mag-ring ang cellphone niya. She instantly grabbed it and answered without checking to see who the caller was.
“Gino?”
“Sis, are you watching the news?” bungad ng boses ni Bianca mula sa kabilang linya.
“Biancs,” disappointed na sabi niya. “Hindi. Bakit, ano’ng meron?”
“Turn to channel two right now. There’s something you have to see,”
sabi nito at tinapos na ang tawag.
Nagtaka naman si Mikay sa inakto ng kaibigan. Nagpasiya na lamang siyang sundin ito. She turned the TV on at nilipat ang channel. She gasped when she saw the news.
Behati was arrested for embezzlement and industrial espionage. Siya pala ang nagnanakaw mula sa dela Rosa Corporation. Hinuli ito dahil sa mga ebidensiyang nagtuturo rito bilang mastermind sa pagnanakaw mula sa kumpanya at pagdo-doktor ng financial records para mapagtakpan ang ginagawa nito. There are also witnesses testifying to her giving out confidential information sa mga kakumpitensiya ng dela Rosa in exchange for money.
Agad niyang naisip si Gino. Kaya siguro hindi nito nagawang tawagan siya. Malala na pala ang nangyayari. Now she understood why he wanted to keep her out of it. Alam niyang noon pa man ay may suspect na si Gino sa kung sino ang nagnanakaw mula sa kumpanya ng pamilya nito. She just didn’t think it would be someone very close to them.
Hindi rin niya maintindihan kung bakit iyon nagawa ni Behati. As far as she knows, maayos naman ang pakikitungo ng lolo ni Gino rito. Kahit nga si Maddie na anak nito sa unang asawa ay naging malugod ang pagtanggap nito. Nakikita rin naman niyang maayos ang relasyon nito at ni Priam.
Labis siyang nag-aalala para sa kasintahan. She couldn’t imagine what he must be going through right now. It was hard enough that someone was stealing form them. Paano pa kaya kung ang taong iyon pala ay isa sa mga miyembro ng pamilya ninyo?
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
Hayran KurguPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...