Dedicated sa kanya (bebay) kasi siya unang nagcomment sa first ever story na pinost ko... hehe
dedicated din ito kay kulot (GianCarlaDynaLarupay) kasi sbi ko isasabit ko siya sa dedication ko at syempre kay taba (thenewME143)^^
____
Today is the day... I wish this would turn out good. Everything is well planned at napakaganda ng idea ko sana di masayang... Yeah, I'm doing this kahit na
Wag na nga lang! Andrama eh...
Birthday niya ngayon. Kaya naman, nandito ang buong barkada sa bahay nila. After ng kantahan, kainan, at konting inuman, tuloy na ang plano namin para sa kanya.
"Ahm! Ahm! Guys, tutal naman special day niya ngayon, why don't we play a game na para talaga sa kanya..?" panimula ko.
Yun na ang cue para sa iba naming kabarkada. Accomplice din sila... Hehe.
"Sige bah! Anu naman yun?" -Jake
"Simon says^_____^" I tried my best to smile the way I used to, kakaibang kaba kasi ang nararamdaman ko...
Kabang natatakot dahil alam kong pagkatapos ng gabing ito, tiyak magbabago nang tuluyan ang lahat...
At least para sa akin...
"Dahil birthday niya ngayon, siya ang magiging boss natin... Uutusan niya ang bawat isa sa atin, ang hindi makagawa nung inutos niya, may consequence..." dagdag ko pa.
"Yun lang pala... Game!!" -Marga
"Teka, w-what if "kakaiba" yung utos niya?" tanong ni Jean na tila pinipigilan ang sarili na magblush.
"Ayyeee!!" Kantyaw namin kay Jean.
Aist! Wag sana siyang makahalata... Kung merong mang "kakaibang" utos mamaya, malamang para sa kanya talaga yun... Teka, utos nga ba yun??
"Ano namang KAKAIBA ang iuutos sa'yo ni Simon, huh?" Jansen asked with a teasing smile.
"Haha, don't worry Jean, kung sakaling may KAKAIBANG utos itong si Simon, ipapaubaya na lang namin sa'yo.. Haha" natatawa namang sabi ni Gina.
"Gina!" Simon glared at her, pero echos lang naman yun... Tinatago rin ng mokong yung kilig niya, "Sabi niyo yan ah, I'm the boss now..." nangingiti niyang sabi. Halatang kianakabahan at the same time excited siya.
(spilled ink: hindi po si Simon yung naglalahad ng kwento... Baka may malito)
Tinignan ko siya, sinulyapan niya muna ako at ngumiti bago nagsimula. Alam kong he wants to say "thank you" sa ngiti niyang iyon... "Let the game begin!" sabi pa niya.
And so, nagsimula na siyang mag-utos ng mga kalokohan... Pangwarm-up daw at pampawala ng kaba...
Tawa lang kami ng tawa, kahit kasi corny yung dare, nagiging nakakatawa pa rin dahil sa mga gumagawa. I looked at everyone... I guess tama ang naging decision ko. Kasi kung nagpakaselfish ako't lumaban kahit na alam kong talo na ako, baka magkawatak watak pa kami... And I know hindi lang si Simon ang mawawala sa akin kundi maaaring lahat sila...
Gasgas na talaga ang kwento ko, noh? Simon's my childhood friend, umalis sila patingong U.S. when we were just ten. After nine years, bumalik siya. Ako ang nagpakilala sa kanya sa barkada, and to cut the story short, he fell in love with my bestfriend Jean, and ganun din naman si Jean. Last week, magkasunod silang umamin sa akin... Pansin ko naman yun kahit pa di nila sabihin, alam ko matagal na pero hindi ko matanggap.
I felt so down... At first, I thought of doing something para siraan sila sa isa't isa... Para makuha ang attention ni Simon. But then, I realized that it wasn't the right thing to do. Alam ko namang kahit ano'ng gawin ko, I will never win his heart sa ganung paraan. So I decided na magparaya.
BINABASA MO ANG
Simon Says (oneshot/short story)
Short StoryA story about how my friend Simon confessed his feelings for his special someone...