Archer Ville Mae Reyes, nagmamay ari ng isang maliit lang na Fashion House.
Kennedy Rose Santos
Rafael Miguel De Montes
John Michael Roman
Norine Johanna Mondino"Kyaaaaaahhhhhhh! Nagtext siya! Nagtext siya! Niyayaya niya akong maging date sa prom! Anong sasabihin ko? O-oo na ba?! Pakipot ng konti o tatanggihan ko? Ano? Ano?! Sabihin mo, dali!" Sabi ko sa pinsan kong halos lumuwa na yung mata sa sobrang gulat sa pagsigaw ko ng bongga..
"Teka nga, sino ba kasi yan? Ang dami kasing lalaki eh. Halos buong campus na crush mo. Bawal mag stick to one teh?"Sagot ng pinsan kong may pagkaewan din ang utak minsan..
"Ano ka ba alam mo namang nagiisa lang si Rafael sa puso ko no. Tsaka 1yr. Ko na siyang kilala at 2years na akong stalker at dalawang taon ko na din siyang crush.... Or more than crush." Ani ko.
"Archer Ville Mae Reyes, ano ka ba naman. Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng iba? Yung taong mamahalin ka. Yung hindi mo na kailangan pang mag inarte at magpanggap ng kung ano ano dyan para lang mapansin ka. Tsaka halos lahat na ng clubs at mga activities sa school nasalihan mo na. Ewan ko din sayo. Uwi na ko." Sagot naman niya.
Nabigla naman ako dun. Nagmadaling umalis. Well, basta ako. Masaya na, kumpleto na ulit. Pero minsan napapaisip din ako sa sinabi ng pinsan ko eh. Ilang beses na niyang sinabi sakin yan. Memoryado ko na nga eh. Haha. Pero ano nga bang sasabihin ko kay Rafael? Oo na ba agad? Bahala na talaga. Kinakabahan talaga ako sa taong to.
To: Raffy my love
Hi! Can I ask something? Bakit nga pala ako ang gusto mong idate? You have your girls out there. Why me?SENT!
Sana nga maganda yung isasagot niya kasi minsan may mga ganyang padate date na din siya sakin nun. Kaso parang third wheel lang ako kasi laging nasa iba ung atensyon niya. Halos di nga niya ako nakakausap eh sa sobrang busy niya sa iba.
From: Raffy my love
Ayaw mo ba? And I think this is the perfect time na din naman para bumawi ako sayo eh. So, ano?Perfect time? Nakailang perfect time na kaya siya. Bahala na talaga si superman, batman, at spiderman.
To: Raffy my love
Sure. See you around.SENT!
Pano to? Wala pa akong isusuot, wala pa akong gown na isusuot, siguradong pabonggahan din lang naman dun. Kailangan kong magpaganda ng bongga para sa kanya, para naman di niya ako ikahiya.
BINABASA MO ANG
Mess With Me
ActionIt is a tragic-romance. Follow your heart... But how when it breaks in two? Paano mo susundin ang puso mo kung ang taong karibal mo ay sobrang napakahalaga sayo. Bakit kailangang mayroong siya? Bakit hindi na lang ikaw at ako? Bakit kailangan saktan...