Di mo alam

3 1 0
                                    

Noon, walang halong malisya
Ang pagyakap mo sa akin
Noon, hindi ko pansin
Ang bilis ng tibok ng puso tuwing kasama ka

Pero biglang may nagbago
Sa nararamdaman ko
At ito'y inililihim sa iyo
Kung maaari lang ay sasabihin sa iyo..

Di mo lang alam,
turing sa iyo'y higit pa sa kaibigan
Di mo lang alam
Lihim akong nasasaktan
Sa tuwing may nililigawan ka
Kunwari'y suportado kita
Pero ang totoo'y ang sakit sakit na
Ang hirap sabihing gusto kita

Kahit hindi ako ang iyong gusto
Basta ako'y nasa tabi mo
Ako'y makukuntento,
Kahit lang bilang kaibigan mo

- lilaurcas ❤

Poems of LilaurcasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon