Chapter 07: Real Happen
Uyy
(A/N: Sorry kung madalang mag-update)Koreen's POV
"Salamat... salamat kuya Drew" sabi ko.(A/N: Naaalala niyo pa ba si Drew? Kung hindi, magback read kayo sa Book1)
Oh yes! Siya yung kuya ko. Kung paano? Edi magfa-flashback ako.
Tapos yung nagtawag sa akin ng Babe? Si Eight yun. Kaibigan ni Kuya. Manliligaw ko.
I think mga 6 months 8 Days 1 hour and 2 minutes siyang nanligaw sa akin.
(A/N: Try to listen the song "6812")
Heto na yung iniintay niyong flashbacks. Heto yung time na nangyari ang insidente na iyon.
Flashbacks...
Nung makita kong dumudugo yung hita ko ay agad akong nagpunta kay Drew."Drew" sigaw ko. Bigla siyang napatingin sa akin.
"Kyrille?" Sabi niya."Tulungan mo ako. Yung baby ko" sabi ko.
"Buntis ka? Ilalayo kita dito" sabi niya at binuhat ako at dinala sa kotse niya. Then all became black.Nagising na lang alo ng nasa isang kwarto ako. Nasan ako? Pilit kong inalala yung mga nangyari hanggang sa marealize ko na sumabog pala yung kotse na sinakyan ko.
Yung baby ko? Kamusta naman kaya siya.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto at pumasok si Drew.
"Mabuti naman at gising ka na. Kamusta naman ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? O nagugutom ka ba?" Sunod sunod na tanong niya.
"Makaasta parang boyfriend kita" sabi ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin."Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra? Huh? Akala ko wala ka na. Akala ko kasama ka dun sa sumabog. Akala ko iiwan mo din ako gaya nina mom at dad. Akala ko. *hik*"
Luh? Umiiyak ba to? At ano tong sinasabi niya?
"Anong drama yan?" Tanong ko. Humiwalay siya sa akin.
"Di mo kasi ako naiintindihan. Kapatid kita at kuya mo ako" sabi niya
Ako naman yung naguluhan sa sinabi niya.
"Kilala kita. Alam kong ikaw si Koreen" sabi niya. Biglang nanlaki ang mata ko.
"Ano? Paano? Kailan? Saan?"
"Nung makita ko yung skills mo sa pakikipaglaban. Naisip ko na baka ikaw si Koreen. Pina-imbestigahan ko ang tungkol dito. At dun ko nalaman na ampon ka pala at ikaw si Koreen. Ikaw yung kapatid ko" sabi niya."Teka nga, paano naman kita magiging kuya? Eh, mag-isang anak lang ako" sabi ko.
"Yun ang akala ng lahat. Akala niyo mag-isang anak ka lang. Pero bago ka pa isilang, nauna na ako. Kaso nga lang panandalian ko lang silang nakasama. Dahil yun kay Miranda. Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Siya ang dahilan ng lahat. Siya ang dahilan kaya hindi tayo magkakasama. Nung ipinanganak ako ni mommy, sinabi ni Tita Miranda sa doctor ma patayin ako kapalit ng malaking halaga ng pera. Sinabi nilang nakunan si mommy pero alam nilang lumabas ako nun. Hindi ako pinatay nung doctor. Kinupkop niya lang ako at itinago. Nung lumaki na ako bago pa siya mamatay, sinabi niya ang lahat sa akin. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa Miranda na yan kahit kadugo ko pa man siya"
Hindi ko alam kung ano yung irereact ko.
"Kaya ba lagi kang nandiyan kapag nasa panganib ako? Kaya ba lagi mo na lang akong tinutulungan? Kaya ba lagi ka na lang nakabantay sa akin dahil kapatid mo ako?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018
RomanceHighest Rank #19 in Action/June-06-17 This is the Book 2 of The Gangster Heiress/ Love The Way You Lie. On-Hold po muna itong story due to some reasons and privacy concerns. tsaka focus muna ako sa study ko. Salamat sa lahat ng sumuporta.