Point 1.4: REMORSE

46 2 1
                                    

Akala ko sa mga kwento lang to mangyayari.

Akala ko hindi pwedeng basta na lang mawawala sayo ang isang tao sa isang iglap.

Na marami pa sanang oras para bawiin ang nawala…kaya lang hindi na pahihintulutan ng tadhana.

Ng langit…

Loving someone is not as easy as what others suppose.

We don’t know how long it’ll last.

Sometimes, when we know the grounds why we have to hold on, it slips away from us.

When love is bound to end, we can’t do anything but shed tears.

May nakapagsabi sa akin dati na pag mahal mo ang isang tao, dapat hindi mo siya hayaang mawala sayo kasi sa mundong ginagalawan natin, hindi na uso ang if you love someone, set him free…

Sa mundong to pag ginawa mo yun, dalawa lang ang pwedeng mangyari…

It’s either, 

Mawala siya sayo o kunin siya sayo ng iba permanently man o hindi.

The sure thing is,nasa lose-lose situation ka.

Yung akala nating ayos lang, babalik naman yun eh.

Walang assurance…

Kasi ang buhay natin…

Pinahiram lang at anytime…baka bawiin sa atin.

----------------------------------------------

 “Cher, hindi pa rin ba kayo okay ni Maye Rion?”

Tanong sa akin nila Shilla.

“Nakikipagbalikan”,simple kong sagot.

“Yun naman pala eh, bakit di mo bigyan ng chance, kung si Sziro nga na walang kabuto-buto eh pinagbigyan mo diba?”

 “Nagpapalamig pa ako”

“Naku Cher ah! Tama na yang pag-eemote mo!”

Sabi naman ni Bliss.

“Oo nga naman, hindi lang naman si Maye Rion ang nahihirapan sa kalagayan niyo…pati ikaw, wag ka ng mag-deny pa diyan at baka iumpog ko ang ulo mo sa pader”

At nagtawanan kami.

“Hayaan ko muna, enjoy ko muna tong pagiging single ko”

“Sus! Mamaya niyan ma-enjoy ni Maye Rion ang pagiging single niya at makahanap ng iba loka ka!”

“Hindi yun, mahal ako nun eh”

“Okay!”

And I just smiled.

Sa totoo lang, nung nakipagbalikan siya sa akin, gustong gusto kong sabihin na oo kami na ulit, kaso ewan ko…gusto ko muna yung ganitong set-up, yung wala munang commitment, just a plain statement na mahal namin ang isa’t isa but we still have to stay like this for a while.

Makapaghihintay naman siya eh.

At I assure him, na siya pa rin naman.

August 13…birthday ni Tita (Mommy ni Maye Rion) nang mangyari ang lahat…

“Grabe! May make-up class tayo!”

Reklamo ni Bliss.

“Haha! Tama lang yun para maintindihan natin yung lesson ng mabuti”,sabi naman ni Shilla.

Nagkatinginan kami ni Bliss sabay sabing…

“GC!”

At nagtawanan kami.

ABCD OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon