#Ito na po yung chapter 3, sana magustuhan nyo.
#Don't Judge, nakakamatay_________________________
Scarlet's POV
Tapos... Tapos...
Tumawa sya!
"Kasi hindi ako tumatanggap ng SORRY !" Talagang diniinan nya yung word na sorry hah ! Nagpaparinig ba sya?"Talaga lang hah!" Tapos kiniliti ko sya.
"Hoy ano ba? Nagda-drive ako" tama sya. Baka ma disgrasya kami kapag tinuloy ko yung pangingiliti sakanya. Kaya nag behave ako.
Sumunod lang ako sa kanya papunta sa Condo. Pagdating don umupo na ako.
"Pinapunta kita dito para linawin sayo ang gagawin mo." Tugon nya.
"Ano ba ipapagawa mo sakin?" Suplada kong tanong.
"Simple lang! Magiging tutor kita, hanggang sa Matapos ang School Year Kapalit non Scholarship mo. Kung ayaw mo EDI bye bye." Pang-aasar nya.
"Pwede bang Bigyan mo naman ako ng Kahit konting oras ?" Tanong ko.
"Give me an answer, pagkatapos kong magbihis." Sagot nya.
Hindi na ako naka imik kasi pumasok na agad sya. Pagtingin ko sa orasan nya 7:00 P.M na kaya sumunod na rin ako sa kwarto ni Badboy.
Pagsilip ko nakita ko yung likod nya na may pasa. Tapos bigla kong naalala yung ginawa ko kanina.
"Scarlet? Kanina ka pa ?" Nagulat ako ng nagsalita sya.
"Ahh -hindi! Magpapa-alam lang sana ako. Pero mukhang Kailangan mo ng tulong ehh" Halata sa reaksyon nya na nagtataka sya.
"Tulong?" Tanong nya. Tapos tinuro ko yung likod nya.
"No need!" Tanggi nya.
"Nasaan yung telepono mo?" Tanong ko."Bakit?" Muling tanong nya.
"Basta? Sagot lang ang Kailangan ko." Sa tono kong yun. Medyo Naging Maldita ang delivery."Nasa Sala !" Agad naman akong pumunta sa Sala para tawagan si Mama.
Tring..... Dialing
[Hello! Sino to?]
"Mama! It's me Scarlet"
[Nako! Kanina pa ako nag-aalala sayo, nasaan ka ba?]
"Sorry Ma. Pero matatagalan siguro akong naka uwi. But I'm safe. Pag-uwi ko nalang, tsaka ako mag e -explain. Love you Ma! I'll just go home later."
[Dalian mo hah! Gabi na !]
"Bye Ma!"
[Bye!]
Tapos binaba na nya yung telepono. Dumiretso na rin ako Kay Badboy.
"May medicine kit ka?" Tanong ko.
"I said, no need!" Pagtanggi nya ."Alam mo ang kulit mo rin ehh no?" Maldita kong tugon.
Kaya hinanap ko nalang at nakita ko yun sa kwarto nya.
"Upo!" Utos ko sa kanya. Umupo naman sya.
"Hubarin mo yung T-shirt mo!" Dagdag ko pa. Agad naman nyang sinunod .
Pagkatapos non, ginamot ko na, ng bigla syang magsalita.
"Hindi mo na naman Kailangan!" Seryoso nyang sabi.
"Kasalanan ko to!" Pagrarason ko.
"I can do it myself :'( " tapos hinawakan nya yung kamay ko para tigilan ako. Pero nagpumiglas ako.
"Hindi mo ba naisip, na kung ikaw lang ang gagawa nito; Edi nagmuka kang aso na pilit inaabot yung likod nya. Madilaan lang " Ginalingan ko yun hah! Ako lang gumawa non.
"Anong connection ng aso?" Tanong nya . Oo nga no! Anong connection?
"Connection?" Tapos tinitigan nya ako,na parang naghihintay sa sagot ko.
Utak gumana ka, akala ko ba Matalino ka.. Ipakita mo.
"Wire!" Agad kong sagot. Pero parang nagtataka sya.
"Wire?" Sa tono nya halatang may pagtataka.
"Oo! Wire! Diba ang wire gamit sa connection? Kaya ayon WIRE! Final answer." Ang weird , saan ba nanggaling yon?
"So?" Muling tanong nya. O.M.G ! Hindi nya gets. Kailangan nga nya ng tutor.
"So! Umuwi na ako. Nag-aalala na si Mama ehh!" Kaya kinuha ko na yung mga gamit ko. Pero bago pa ako makaalis, hinawakan nya yung kamay ko.
"Scarlet!" Sabay tingin sa akin at parang nahihiya nya.
"Salamat!" Tapos Binitiwan na nya ako.
Hindi ako nagsabi ng kung ano. Basta nagsmile lang ako.
"Bukas nalang tayo. Magsimula,kung okay lang?" Pagpapa alam ko.
"Umalis kana baka Anong isipin ng ibang tao. Pagkatapos nilang makita na nandito ka sa Condo" sa tonong yun, bumalik na si Badboy.
"Alis na ako.!" Pinakita ko na yung pagkamaldita ko. Aba! Sya lang ba ang may karapatang maging suplada?
Umalis na rin ako. Bipolar yung lalaking yun ehh. Pa iba-iba ng ugali.
Maya maya palang nakauwi na ako sa bahay namin."Ma!" Pagtatawag ko sa kanya.
"Anak! Bakit pa ang tagal mo?" Pag aalalang tanong ni Mama.
"May gusto lang po sana akong sabihin." Mahinhin kong sabi.
"Ano naman yon?" Tanong nya.Teka paano nga ba sasabihin to?
"Mama! Araw-araw siguro ako matatagalan umuwi."
"Bakit naman?" Muling tanong nya.
"Mama magtu-tutor kasi ako.Para ma maintain yung scholarship ko." Pagrarason ko.
"Ano bang nangyari sa Scholarship mo.?" Alam kong nag-aalala na sya. Malalaman ko, sa tono palang ng pananalita nya.
"Wala naman Mama! Inutos lang ng School Dean, kasi yung ibang Estudyante sa Francisco University (FU) low I.Q ." Alam ko! Nagsiningaling ako. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na kasama ko yung may-ari ng school.
"Ganon ba? Sya oh sige, matulog kana maaga ka pa bukas." Tapos nagsmile sya.
"Thanks Ma!" Then I hugged her.
Dumiretso narin ako sa kwarto, para matulog. Pagtingin ko sa kalendaryo, naalala ko pala na club organization day na bukas. Balak Kong pumasok sa singing club. Kasama rin kasi sa talent ko ang singing. Actually si Mama at Papa ang nagturo sa aking kumanta.
Para makatulog ako, nakinig nalang ako ng music, hanggang sa dahan dahan kong maipikit ang mga mata ko.
Wag nyong kalilimutang e-VOTE !
Maraming salamat po.
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Roman pour AdolescentsSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...