Part 3

1 0 0
                                    

Kennedy's POV

"Guys, you may now dance the person important to you. Enjoy your night!" -MC

I am busy eating my food. Medyo gutom na din kasi ako after that dance. Makita kita ko na lang na may nakalahad na kamay. Di ko pinansin. Aba malay ko ba kung sinong niyayaya niya, kung ako ba o yung katabi kong lumalantak din. Nang biglang lumuhod siya. Napatingin ako, pano ba naman iniistorbo niya ako. Tsaka nasasaktan pa rin ako noh. Si Archer ang niyaya ni Raffy na date. Eh pano naman daw ako? Pero siyempre di naman pwedeng kami dalawa. Putek talaga! Ang sakit niya sa ulo. Nawawalan talaga ako ng gana sa prom na to. Wala akong date and yet andito ako sa prom, ang useless diba.

"Kennedy, can we have this dance?" -Raffy

Fvck! Am I dreaming? Is this real? My one and only is here in front of me. Asking if I can have a dance with him. Sabihin mo nga totoo?

"Why me? You asked my cousin to be your date and yet you were asking me to dance with you? Tsaka nasan siya?"

"Oh about that, I dont know where she is. So, can we have a dance? Please..."

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Eto na nga ba ang hindi ko maamin amin sa pinsan ko. Mahal ko tong taong tao pero mas mahal ko ang pinsan ko. Para na kaming magkapatid nun, ni minsan ayaw niyang nasasaktan ako. Tapos eto lang ang gagawin ko? Ang magkakagusto sa taong mahal ng pinsan ko. Tapos ano? Masisira kami. No, ayoko. I need to be her sister forever. Dahil yan ang ipinangako ko sa tatay niya bago sila naghiwalay ni tita.

"No. Kaya umalis ka na sa harap ko and let me finish my food."

"Please naman Kennedy. Just this dance."

"I said No. Dapat yung pinsan ko ang kasama mo. Hindi ka dapat nandito sa tabi ko."

"Excuse me."

Nararamdaman ko na rin kasing papatak na yung luha ko. Ayoko namang may makakita sakin sa pagiging mahina ko. Nasasaktan na kasi ako eh. But for now, I have to sacrifice para sa pinsan ko. Kahit na mawala pa sakin yung nag iisang lalaking minahal ko. It's okay. It's for my cousin at ang dami na din niyang sakripisyong ginawa. And this is the right time to return the favor.

Takbo lang ng takbo habang umiiyak. Sa sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha, hindi ko nakitang may malaki palang bato at nadapa ako. Hindi ko na maramdaman yung sakit kasi mas nangingibabaw pa rin yung sakit na ibibigay ko na sa iba yung taong minahal ko ng mahabang panahon. Umupo na lang ako at niyakap ang aking mga tuhod, yumuko na lang. Andito na nga pala ako sa opening ng garden, dito ako nagpupunta pag malungkot ako. Naramdaman kong may lalapit sakin. Kaya nag angat ako ng tingin.

"Kennedy! Anong nangyari?" -Raffy

"Raf. Please. Umalis ka na. Mula ngayon, ayaw na kitang nakikita at sana bigyan mo din ng pansin yung pinsan ko."

"Bakit mo ba ako pinagtatabuyan? Mahal na mahal naman kita ah! Kulang pa ba yung para maramdaman mong seryoso ako sayo? Buksan mo yang mga mata mo. Hindi yung nabubuhay ka para mapabuti ang buhay ng iba. Kahit minsan din naman sana bigyan mo yung sarili mong maging masaya at hindi maging sunod sunuran sa gusto ng iba."

"Hindi ako sunod sunuran Raf. Mahal ko ang pinsan ko! Kadugo ko yun! Pano ko magagawang saktan ang pinsan ko! Sabihin mo! Hindi ikaw ang nasa posisyon ko Raf. Kaya sana naman pabayaan mo na ako. Hindi lahat ng gusto ko, kailangan makuha ko. Hindi lahat ng gusto mo, mapapasayo. At hindi lahat ng inakala mong magpapasaya sayo, pasasayahin ka. Dahil may mga taong darating para guluhin ka. At para ibahin ang mundong nakasanayan mo ng tirahan. At ikaw yun! Ikaw yung taong guguluhin lang ang buhay ko. Masaya na ako. Kaya tama na."

"Tama. Hindi ako yung taong kailangan mo sa buhay. Pero sana naman maisip mo din na ako, kailangan kita. Mahal kita. At hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mahalin ang iba dahil hindi ko kaya. Ikaw lang Kennedy. Ikaw lang ang mahal ko. Pleaseee. Give me a chance."

Tinulungan naman niya ako sa pagtayo.

"No. Get out of my life and be with my cousin instead."

Tinalikuran ko na siya. Kahit na walang tigil pa rin yung luha ko sa pagpatak. Hanggang sa hinila niya ako at hinalikan.....sa labi. This is my first kiss. Stolen by the man I love. Stolen pa ba ang tawag dito? Dahil parang nagugustuhan ko na rin at di ko napigilan at bumawi na din ako ng halik. Kahit alam kong mali at alam kong may masasaktan ako. Sige pa rin. Mahal ko siya eh. Mahal ko ang taong to. Napatigil na lang kami dahil sa isang pamilyar na boses ang aming narinig.

"Kennedy"
"Raffy"

Nakita ko ang mga matang makukulay na biglang naglaho at napalitan ng sakit. At Sabay sabay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Isa ito sa mga bagay na pilit kong iniiwasan. Ang makasakit ng ibang tao. Lalo na ang mga taong itinuring kong kapamilya. Madami akong pangaral sa pinsan ko. Pero mas madami siyang naitulong sakin.

Would this night turn into a tragic moment of our lives? Would it be? Could it be?

Mess With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon