LESTER'S POV.
"Anaaaak!" Mama ni Judy. Tapos umiyak siya ng napakalakas. Akala mo naman my pake siya. Kunwari pa.
Kinausap ko siya in Private.
"Bakit po kayo umiiyak?" -Ako
"Sino ka ba? Tanga ka? Anak ko yan. Syempre iiyak ako." -Siya
"Sino ako? Ako po ang Boyfriend ng anak ninyo."
"Walang boyfriend ang anak ko." Pasigaw niyang sinabi.
"Wala? E sino po ako ngayon? Please lang ate. Wag na po kayo mag maangmaangan na my pake kayo sa anak ninyo. Sinisi niyo siya sa pagkamatay ng kapatid niya. Kaya hindi niya naranasan ang kasayahan at kagandahan ng mundo." -Mainahon na sinabi ko.
"Wala kang alam." Pagtataray ng nanay ni Judy.
"I'm sorry ma'am. Pero hindi kami papayag na kayo ang mag palibing sakanya. Kami ang mag papalibing. At kami ang gagastos. Kung wala man po akong alam, Siguro nga. Pero sa Isang Araw na pag sasama namin, Nalaman ko at naramdaman ko na minsan lang siya makaranas ng Totoong ligaya. Mahal niya ako. At mahal ko siya. Sorry ma'am." Mainahon na pagsasalita ko.
"No! Ako ang nanay niya. Wala kang karapatan!" Pasigaw na sagot ni mama niya.
"Walang karapatan? E ikaw po? Mawalang galang lang ma'am. Kung tutuusin, Hindi na dapat kayo tawagin nanay. Dahil pinabayaan niyo siya. Hindi mo nga po alam na my sakit na siya diba? Ako ang pinili niya makasama sa Huling Araw ng Buhay niya. Kung sino man ang walang karapatan dito. Kayo po yun" -Mainahon na pag sasalita ko.
Hindi na kumibo ang nanay niya. Kaya nag paalam nako umalis. Pero pinigilan niya ako.
"Ma'am. Aalis na po ako. Thank you. Bye" -Ako
Habang hindi pa ako medyo nakakalayo. Tinawag niya ako.
"Lester..." Sigaw niya.
Lumapit ako sakanya.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Salamat Lester. Alam kong my sakit siya nuon pa. Gusto ko na nga siya mamatay. Dahil siya ang sinisisi ko sa pagkamatay ng kapatid niya. Pero ang laking gulat ko, Na dapat patay na siya dati pa, Pero lumaban siya. Lumaban siya dahil sayo Lester. Matagal na kitang kilala. At alam kong mabait ka. Pinag sisihan ko din ang ginawa ko sa anak ko. Ngayon, wala na si judy. Wala na akong anak. Mag isa na lang ako. Maraming salamat Lester. And sorry." Speech niya sakin. Alam niya? Pero hindi siya naawa?
"Alam niyo na my sakit po siya? Pero hindi kayo naawa?" -Ako
"Isang gabi. Lalapit na sana ako sa kwarto niya para alagaan at humingi ng sorry sakanya. Pero ng makita ko siyang nakatingin sa bintana at tinitignan ka, Mukhang hindi ata ako ang kailangan niya. Ikaw Lester. Pero simula nung araw na yun. Hindi na ako nag taray o nainis sakanya." Kwento ng nanay niya.
Ako ang dahilan kung bakit siya lumalaban. Pero bakit nung huling araw niya, Hindi niya nagawang lumaban kung kailan kasama na niya ako.
"Lester... Eto ang Diary niya. Yan ang lagi niyang sinusulatan simula nung mag kagusto siya sayo. Basahin mo Lester. Aalis na ako. Kayo na bahala sakanya ha? Maraming salamat" Niyakap niya ako. At niyakap ko din siya
Pero hindi ko muna binasa ang Diary. Hinintay ko muna matapos ang libing niya.
*Sa Libing Niya*
"Tol Sino siya?"Katsumi.
"Girlfriend mo?" Daniel
"Saan mo nakilala?" Jc
"Ano pangalan bro?" Seth
"Girlfriend ko. Si Judy. Kaso 1 Day lang kami." Ako
"Bakit 1 Day lang?" Katsumi
Kinwento ko sakanila ang lahat ng nangyare. Pagkatapos nun, Lahat sila cinomfort ako.
"Salamat mga bro." Ako
"Wala yun" Sila.
"Judy?" Nagtaka ako sa nagsalita. Sino to?
"Anak. Judy. Bakit mo kami iniwan? Kung nandun lang sana ako sa tabi mo. Hindi ka mag kakaganyan." Tatay niya pala. Walang nakwento sakin si Judy tungkol sa Tatay niya. Kaya ako na ang nagtanong tungkol sakanya.
"Hello po. Tatay po ba kayo ni Judy?" Ako
"Oo ako ang tatay niya. Sino kayo?" Siya
"Ako po ang Boyfriend ng anak ninyo." Ako
"Kung ganun. Nasaan ang nanay ni Judy? Bakit kayo lang ang nandito?" Siya
"Hindi niya daw po kayang makita si Judy." Ako.
Tapos kinwento ko lahat ng nangyare samin ni Judy, at sa pag uusap namin ng kanyang nanay.
"Maraming Salamat Lester." Pagpapasalamat niya saakin.
"Wala po yun. Kahit isang araw lang yun. Minahal ko siya." -Ako
"Alam kong mahal mo siya. Sige. Magpapaalam na din ako. Babalik ako bukas Maraming salamat. Ikaw na bahala." Siya.
"Opo sir." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Friends with Hidden Affair
Teen FictionPag ang pagmamahal humingi ng kapalit, Masasaktan ka higit pa sa salitang Sobra. Mahirap mag mahal ng taong iba naman ang mahal. At ang pinaka masakit? Ang nalaman mong hangang kaibigan lang talaga ang tingin niya sayo.