Prologue

2 0 0
                                    

"Caliber pwede ka bang makausap?" tanong ko sa asawa ko ngunit tiningnan nya lang ang kamay kong nakakapit sa braso nya kaya binitawan ko ito.

"Spill it." tanging sabi nya kaya napangiti naman ako sa loob loob ko.

"Caliber nami-miss ko na yung dating tayo." Pag amin ko sakanya at napaluha na lang.

"Pwede bang ibalik natin yun?" Tiningnan ko kung anong reaksyon nya ngunit isang ngisi lang ang binigay nya sakin.

"Ibalik? Wala na tayong ibabalik." Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ulit sakanya.

"Isang daang araw lang Caliber." mukha naman syang naguluhan sa sinasabi ko kaya dinugtungan ko ito.

"Isang daang araw lang Caliber maging totoong asawa ulit kita, bumalik ulit tayo sa dati Caliber."

Mukhang nagulat sya sa sinabi ko ngunit kalaunan ay nag laro ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Ano namang makukuha kong kapalit kapag pumayag ako sa gusto mo?"

"Pag katapos ng 100 days na yun, malaya ka na. Gawin mo na lahat ng gusto mo. Hindi nako mangingialam. Pero sana sa loob ng 100 days ibalik natin yung dati, yung mga panahong masaya pa tayo at sana iwasan mo na ang babae please lang. Caliber sige na pumayag ka na. Pangako ko pagkatapos nun tapos na rin tayo, malaya ka na." Pinilit kong ngumiti sakanya pag katapos kong sabihin iyon.

"O sige." sabi nya ng nakangiti

"H-ha?" Nauutal kong tanong. Para akong nabingi sa sinabi nya.

"Deal payag ako asawa ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being My Real Husband For 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon