The dorm is chaotic; The dress, accessories, make-up, curlers, irons, shoes and frantic people are scattered around our dorm. Mamayang gabi kasi yung launch ng UAAP magazine and we are all expected to be there.
"Ara, buhay ka pa dyan?" sigaw ni Mika habang kinakatok yung pintuan ng banyo.
Ng matapos kong mapunasan ang buhok ko at katawan ay agad ko ng tinapis ito sa katawan ko.
"Akala ko aabutin ka pa ng hanggang bukas dyan e! Tabi na" bungad saakin ni Mika ng mabuksan ko ang pinto at hinila nya ako palabas ng banyo at sinara ng mairiin ang pintuan.
Pagpasok ko ng kwarto namin ay nandun si ate Mowky at Cyd na inaayusan ang rookies namin.
"Hala ka Ara ngayon ka pa lang natapos maligo, anong oras na?" sita saakin ni Ate Mowky na ngayon ay abala sa buhok ni Kianna.
"Sorry po ate hehehe" nag peace sign nalang ako at dumiretso sa likod ng divider namin para magbihis.
Ng makabihis ako ay naupo ako sa kama ko at binuksan ang isang mababang electric fan at pinatuyo ang buhok ko para masimulan na din akong ayusan.
"Ara,tignan mo nga kung okay na ba tong kilay ko?" Tanong saakin ni Ate Mowky habang hawak hawak ang isang pencil.
"Okay na yan ate Moks, maganda ka na dyan" sabi ko at inaayos ko pa ng kaunti ang kilay nya.
"Daughter F! Asan ka na!!" Rinig kong umalingawngaw ang boses ni Ate Aby mula sa baba ng dorm namin.
Dumungaw ako sa may hagdan para tignan si Ate Aby "Ano po yun, Mother?"
"Anong oras na. Bumababa ka na dyan at ng maayusan na kita dito"
"Sige po kunin ko lang yung gamit ko" bumalik akong muli sa kwarto namin at kinuha ang mga damit na susuotin ko para mamaya at bumaba na.
Habang naglalakad pababa ay napansin kong parang parlor na ang sala ng dorm namin at dumapo naman ang atensyon ko kay Kim na inaayusan ni Ate Illa.
"Bilib na talaga ako sa kamay mo ate Illa. Iba ka!" sabi ko at pinipigilan ang tawa ng tignan ako ng masama ng negra.
"Naku puro ka nanaman kalokohan Ara. Maupo ka na nga dito at ng masimulan ka ng maayusan. Asan na pala si Yeye?" hinila na ako ni Mother F pababa ng hagdanan at inupo dun sa isang upuan.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumakad na pababa si Mika na balot pa ng towel ang buhok.
"Oh Ye, magmadali ka na at anong oras na!" Sabi sa kanya ni Ate Illa na ngayon ay patapos na kay Imi.
"Paano ba naman ate yang si Victonara ang ligo pang isang bwan ang tagal!" Sabi nya habang pinapatuyo nya yung buhok nya ng blower. Sus if I know mas matagal pa syang maliligo kung sya nauna saakin.
"Sobra ka naman daks!" Sabi ko nalang at nagfocus sa nag me-make up saakin.
Buti nalang at dumating ang super seniors namin para ayusan kami kung hindi mababaliw si Ate Mowky at Cyd sa dami naming aayusan.
Ala sais ng matapos kaming lahat sa pag-aayos and we all look sophisticated young ladies who is about to get the time of their lives.
Well the launch of the magazine isn't a big thing, really, for me but, for the sake of anything related to socialism, this launch is hella big thing. Today athletes like me isn't viewed only as your typical athlete way back then; we are viewed like stars, where we are put into the limelight.
"Girls, gather together please ng mapicturan ko na kayo!" Sa gilid ni Mother F at Ate Illa ay ang nakahelerang cellphone namin. A realization hit me while we are smiling for the pictures, this team isn't only about dominating the sports that we love, more than that we are a one big family that helps each other grow and I am proud to be on this family.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
What if ThomAra happened?
FanfictionPag-ibig na pala isipan, sa kanta nalang idadaan ThomAra one shots.