Chapter 21

1 0 0
                                    


Chapter 21

Nasalubong ko si Andrew. Maghigit isang buwan na ganun pa rin siya, umiiwas sa akin. Lakas siguro ng tama sa akin at ang hirap maka-move on. Sigh. Kaya tinanggap ko na lang kaysa mahihirapan pa lalo ang tao.

Pagliko ko nagulat ako dahil may nabangga akong tao. Sana nakita niyang hindi ako nakatingin siya na lang ang umiwas.

Hi there! masayang bati niya sa akin.

Ikaw na naman? sabi ko.

No other. nakangising sabi niya. So hows school? May problema ka ba? Just tell me.

Hay naku Angelo Sebastian Montero. Ang OA mo na. Hindi ka ba napapagod mag check sa akin dito sa school? walang kapaguran ang isang ito e. Wala namang bayad ang ginagawa niya. Paano niya nahahati ang time niya sa akin at sa girlfriend niya. Kung hindi lang ako kilala ni Sunny, nako laging world war silang dalawa.

Sabi ko naman sayo dib a, I'll check on you, hindi ka pa ba nasasanay. I am your bestfriend, your big brother, your guardian, rolled in to one.

WOW! Sanay na sanay na nga e. Akala nga ng mga kaklase ko boyfriend kita. sabi ko sa kanya na ikinalapad ng ngiti niya.

Hayaan mo na sila para yung gustong po-porma sayo hindi matutuloy. sabi niya. At hindi pa nakontento inakbayan pa ako. Tara sa cafeteria niyo, I'm hungry!

E kumain ka don. May research pa ako. So pwede ba..sssshuuu!

Ay ang sama nito. Gusto mo yata akong pagkaguluhan sa cafeteria nyo ano? Look at those girls eyeing for me. sabi niya at tiningnan ko naman yung mga babaeng kulang na lang maglaway habang nakatitig kay Gello.

Gutom ka ba talaga?

Oo nga.

Kaya wala akong ginawa kundi ang pumunta sa cafeteria.

=====

Wow gutom ka nga! Sa dami ba naman ng orders niya. Bilisan mo ha at marami pa akong gagawin.. I smirked.

Kapag kumakain dapat ninanamnam oi. sabi niya habang may laman ang bibig. Kaya ang ginawa ko ay pinagmasdan ko na lang siya. At ito na naman ako, nag iimagine na si Carlo yung kaharap kong kumakain. I tried to erase it in my head.

Thinkin of my cousin? sabi niya na nanunukso. Ganito to e pag magkasama kami. ALam niya yung iniisip ko.

Umismid ako.

You cant deny. Not in front of me.

Ewan ko sayo.

Ang gwapo talaga ng boyfriend! narinig kong sabi sa malapit na mesa.

Naisip kong tawagan si Sunny.

Hello, Sunshine! PWede ba itali mo nga itong si Gello sa tabi mo ng hindi na umaaligid ditto sa campus. sabi ko.

Oi huwag ganyan sabi ni Gello at biglang binawi ang cellphone sa akin.

Sunny huwag kang makinig sa kanya. We already talk about this okay. Sige sige ingat ka I love you too..

Binalik ni Gello ang phone. Huwag kang sumimangot, lalo kang gumaganda! sabi sabay wink. Pakurot nga sa pisngi. umiwas naman ako sa gagawin niya, masakit kaya.

Tigilan mo ako Gello. Pero kahit paano Masaya ako na nandito si Gello. Masaya ako pag dinadalaw niya ako sa campus, yung effort niya hindi matatawaran. Yung pagpapasaya niya sa akin sa paraang alam niya. Wala akong permanenteng kaibigan dito. Iba na talaga pag nasa college ka.

Nang sumunod na araw nakita ko si Andrew na may kasamang babae. She looks simply beautiful. One time, magkasalubong kami ay ngumiti siya sa akin na para bang may alam siya. Nakita ko rin si Andrew na bahagyang nakatingin sa akin, for now maaliwalas na ang titig niya. At nakikita kong Masaya siya kung ano mang meron sila ng babaeng yun.

Lumipas ang mga araw buwan at taon na same routing lang ako. Skwela, bahay, gala with old friends. Naging maayos naman ang takbo ng buhay college ko. Mas mabuting hindi masyadong attach sa mga tao sa paligid. Para kung may aalis hindi ka masyadong malulungkot. My goal is to finish my studies and to have a job. Nangingiti din ako pag naiisip ko na magkaroon ng sariling cake shop someday.

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon