Chapter 28

2 1 0
                                    


Chapter 28

Aray naman ang sakit ng ulo ko.

Napahawak ako sa ulo ko. Anong oras na ba?

Pag tingin ko sa wall clock. Oh my gosh! 10:00 AM

Naku! Agad akong bumangon, natataranta nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ms Amora na may dalang tray ng pagkain. Hmmmm ang bango naman, nakakagutom.

Pero nawala yun nang Makita kung sino ang kasunod niya. Si Carlo na nakapagbihis na. Juiceko sabog ako ngayon. At ang damit ko kahapon ito. Naamoy ko pa ang alcoholic drinks na ininom - - - oh my gosh! Paano ako nakauwi.

Napatalikod ako sa sobrang hiya.

Breakfast in bed. sabi ni Ms Amora at nilagay ang tray na may pagkain sa ibabaw ng side table.

Good morning. isang napakagaan na boses ang narinig ko. For the first na dumating ako dito ito ang unang pagkakataon na binati niya ako.

Sige maiwan ko muna kayo ha. sabi ni Ms Amora. Narinig ko pang naghu-hum ito.

What to do? What to do? Pagkarinig ko ng pagkasara ng pinto ay tinakbo ko na ang banyo. Nakasandal ako sa pinto-an at sa harap non ay salamin. Kulang na lang mag sign of the cross ako sa nakikita ko. Sabog na sabog ang buhok ko. Nagkalat ang lipstick at eyeshadow ko. OH my gosh!

Lumapit ako sa sink at nanghilamos. Inayos ko na rin ang sabog kong buhok.

Biglang bumukas ang pinto.

Hey! H- .... a nawawalan ako ng words. Kaya lumabas ako ng banyo.

Hindi ko alam kong babalik ako sa higaan at magtalukbong ng kumot.

Uminom ka muna ng mainit na sabaw. sabi niya na naamuse sa nakikita niya. Tiningnan ko siya. May sapi ba siya kaya siya ngayon nakikipag usap sa akin. Kumurap kurap ako. Tinatampal ko rin ang mukha ko, baka magising ako.

Panaginip lang to! Gumising ka Jessie. sabi ko pa habang nakapikit. Natigil lamang ako nang may pumigil sa mga kamay ko. Pagmulat ko si Carlo titig na titig sa akin.

You're not dreaming. sabi niya na may pagkahalong saya at pananabik. Then he hugged me. Hindi pa nakontento binuhat pa ako at dinala malapit sa side table.

Tinakpan ko ang bibig ko. Baka mabaho hininga ko. Magkalapit pa naman ang mga mukha namin.

Sa gitna n gaming titigan dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko.

Kumain ka muna. sabi niya at kinuha ang kutsra para ibigay sa akin.

Eat well.

Until now I can't believe this is all happening. Nakakapanibago.

Natatakam ay kumain na rin ako. Nakakasiwa lang kasi panay ang titig niya sa akin. at kapag may takas na buhok naman sa mukha ko ay nilalagay iya sa likod ng taenga ko.

Nakita ko rin na ngumuingiti siya.A genuine smile na hindi ko pa nakikita mula ng dumating ako rito.

NA- . . hindi ko matuloy ang sasabhin baka magalit. Remember hindi na siya ang dating Carlo na kilala ko.

Go on. sabi niya.

Nababaliw ka na ba? Anong nakain mo at ang bait mo ngayon. At himala na kinakausap mo ako.

Natatawa siya sa sinasabi ko.

I miss this feeling. I miss us. bigla niyang sabi while looking through my eyes smiling.

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon