Chapter 15 ( Problem )
( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key of Fortune )
Written by: Sab_kitty
= Third Person's Pov =
" Ayoko ngang sabihin sainyo! Nagbago na isip ko! Ano! Di makaintindi? " bulyaw ni Phire kay Tyrah na ngayo'y nakaluhod sa harap ni Phire at nagmamakaawa.
" Kainis ka naman Phire eh! Pupunta ka dito sa bahay dahil sabi mo may good news kang sasabihin samin tas ngayon bibitinin mo pa kami! Hoy Amphere! Tulungan mo nga ako dito! Alam ko naman na intresado ka ring marinig yung sasabihin ni Phire-- Teyka diary ko ba yang hawak mo? " lalong nanlaki yung mata ni Tyrah nang makita niyang diary niya nga yung binabasa ni Amphere.
" Nakita ka ni Jive na walang saplot? How does it feel? " walang kaemosyong sabi ni Amphere saka tiningnan si Tyrah at dahil sa sinabi ni Amphere ay napatili si Tyrah at agad na tumakbo papunta kay Amphere para kunin yung diary nito.
" Bakit ba basta-basta ka nalang nambabasa ng diary na hindi naman sayo! How does is feels? Feeling ko hindi na ako virgin! Letshe! Yung manyak na yun bigla nalang pumasok sa kwarto ko kaya nangyari yun! "
" Tyrahhhh!! " natahimik sila nang marinig nito yung sigaw ni Vim sa baba.
" Oo na! Tatahimik na kami! " sigaw rin ni Tyrah pabalik sa kapatid nito at binalik yung tingin kay Phire saka niya ito pinanlakihan ng mata.
" Ano? Hindi ka talaga magsasalita? Sasabihin ko kay kuya na gusto mo siyang makita. "
" Go on! Sasabihin ko rin sa kanila yung nabasa ni Amphere tungkol sa diary mo. " mayabang pa na sabi ni Phire kaya padabog na umupo si Tyrah sa kama katabi si Phire.
Biglang tumahimik si Tyrah kaya nagtaka si Phire pero kinabahan ito nang mapansin niyang huminga ito ng malalim.
" Wait Tyrah! Stop that. " sa ilang taong pagsasama nila alam na ni Phire kung paano magalit si Tyrah at kahit may pagkasaltik ito ay aminado siyang nakakatakot ito pag nagalit.
" Get out. " mahinang sabi ni Tyrah na halatang nagpipigil sa galit.
" Okay, I'll tell you. " hindi mapakaling sabi ni Phire at sinubukang pakalmahin ito.
" I SAID-- "
" Zyres still alive! "
Natigilan si Tyrah at tiningnan niya si Phire ganun rin si Amphere.
" And? " sabi ni Tyrah habang hinihintay ang kasunod na sasabihin nito.
" She's alive. " ulit ni Tyrah
" I know. " matabang na sabi ni Tyrah
" Alam niyo naman pala bakit hindi niyo sinabi sakin? "
" Bakit pa? Nakita mo bang may bangkay ni Zyres ang ibinurol nong araw ng libing niya? "
" No "
" Matalino ka naman pala eh edi hindi pa siya patay. "
" Its not that what I mean! I saw her at hindi lang yun! Nagpunta pa siya sa bahay namin kausap yung Dad ko. " paliwanag ni Phire saka nagtanong si Amphere.
" Anong kailangan niya sa Dad mo? "
" Aish! I don't want to say this but alam kung malalaman niyo rin. " huminga ng malalim si Phire saka sumeryoso yung mukha niya.
" I'm becoming a Mafia. No, I mean.. I am now a Mafia. "
Nabigla yung dalawa sa narinig nila kasabay non ay ang pagkahulog ng librong hawak ni Amphere.
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
ActionBook 2 of In Behalf Of the Mafia