ikaw

28 3 0
                                    

warning; this scenario is quite disturbing, lol kung di kaya ng sikmura mo ang gantong klase ng scenario ay maaari mo ng lisanin ito. salamat. Be aware that my story may contain grammatical and typographical errors, thank you.




Matagal tagal na rin, simula nung araw na umamin ako sa’yong gusto kita. Mabuti at hindi mo ‘ko iniwasan kahit na may rason kang gawin ‘yon. Palagi akong naka-bantay sa’yo nun, more like naka-buntot ako sa’yo palagi. Kahit na saan ka magpunta, lagi kitang sinusundan. Ewan ko na lang kung napapansin mo ‘ko o ano pero wala naman akong pake kahit na malaman mo. Gusto ko lang naman kasing maka-sigurong walang pwedeng umagaw sa’yo. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin kapag nahulog ka sa ibang babae. Gusto kong, sa’kin ka lang mahulog. Okay lang kahit matagal pa ‘yun mangyari, handa akong maghintay at sisiguraduhin ko sa’yong hindi ako susuko. Alam kong kapag may nakaalam nang mga pinag-gagawa ko ay masasabihan akong ‘creepy’. Sino ba naman kasing babae ang gagawa nang ganito diba? Walang iba kundi ako lang naman. Pero wala eh, desperado akong mapa-sakin ka. Desperado akong mahalin mo.

Lumipas ang ilang buwan, ganun parin ang ginagawa ko. Ilang ulit mo na akong nahuhuling naka-buntot sa’yo pero tumatawa ka lang at pinapabayaan ako sa ginagawa ko bagay na ikinatuwa nang puso ko dahil sa pag-aakalang unti unti mo na rin akong nagugustuhan.

Ilang buwan ulit ang nakalipas at hindi kita magawang bantayan dahil na rin sa lagnat ko. Masyadong mataas ang lagnat ko kaya’t hindi ako makakalabas ng bahay. Ang tanging hinihingan ko na lang ng update ay ang kapatid kong babae. Kinuwento ko sa kanya ang lahat, simula sa kung pa’no tayo nagkakilala sa isang coffee shop kung ‘san ka nagtatrabaho ngunit part time job lamang ito dahil nag-aaral ka pa. Kinuwento ko rin sa kapatid ko ang dahilan kung bakit ka nagt-trabaho dun. Ito’y dahil ayaw mong umasa na lang ng umasa sa mga magulang mo kaya’t nagsusumikap ka para sa huli ay hindi ka mahirapan at ang mga magulang mo naman ang siyang pagsisilbihan mo. Sinabi ko sa kapatid ko na dahil dun sa kinuwento mo sa’kin ay nagustuhan kita. Hanga ako sa’yo. Habang kinukwento ko sa kapatid ko ang mga pinag-gagawa ko sa buhay ay ‘di ko mapigilang mapangiti. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhayan ng pag-asa sa pag-ibig. Tumatawa ang kapatid ko sa kinuwentong kong ‘yon sa kanya at sinabing babantayan niya ang lalaking pinakamamahal ko.

Hindi ko aakalaing dahil sa pag-utos ko sakanyang ‘yon ay kayo pala ang magkakatuluyang dalawa. Hindi ko inaakalang kaya akong traydorin ng sarili kong kapatid. She betrayed me and chose you instead of her own sister! Hindi ko mapapalampas ang kagagahan nang sarili kong kapatid kaya pinagplanuhan ko lahat. Lahat ng gagawin ko sa inyong dal’wa. Akala niyo magiging masaya kayo hanggang sa huli? Punyeta, hindi hanggang sa huli saya parin ang pwede niyong maramdaman. Pa’no naman ako?! Hindi na nga minahal nang lalaking pinakamamahal ko, tinraydor pa nang sarili kong kapatid! How fucking ironic.

I prepared the things I’m going to use later on. Yes, I’m planning to kill the both of you. Okay lang naman ‘yun diba? You can live happily but not here in this world. Dun kayo, kay Satanas mga punyetang traydor.

Inilabas ko sa lalagyan ang isang nail gun. I grinned after seeing the fear on my sister’s face. ‘Nyeta mo, kundi dahil sa’yo, ako sana ang mamahalin nang lalaking mahal ko.’ wika ko sa sarili ko at tiningnan ng naka-ngisi ang kapatid kong balot na balot ng takot.

Inilipat ko ang tingin sa’yo at nginitian ka ng napakatamis. Aw, kahit kailan ang pogi mo parin talaga. Sayang ka talaga, kung ako na lang sana ang pinili mo—hindi magkakaganito ang lahat.

“Hay nako y/n, kung ako na lang sana ang pinili mong mahalin, hindi sana kayo hahantong sa gan’to.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na ‘to kaya pinili ko na lamang na ibaling ang atensyon ko sa nail gun na kanina ko pa hawak.

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon