* yung picture pala ni Amara nasa baba👇👇👇*
King's Pov
Ako nga pala si King Clark Smith ang pinaka pogi sa angkan ng mga Smith, ako lang naman ang kuya ni bailey panget. Isa lang naman ako sa heartthrob ng school, wag nyo na itanong kung bakit pogi ako kasi alam nyo na ang sagot doon matagal ko ng alam yun.
Naglalakad ako palabas ng classroom ko nang napansin ko ang mga istudyante na nagkukupulan naglakad ako palapit sa kanila at agad ko naman hinawi ang mga istudyante.
Nakita ko ang isa sa mga kaibigan no bailey, sinipa niya ang ulo ng lalaki na kaharap nya ito ay walang iba kundi si Stefhane Claire Martinez, sabay suntok ni bailey sa isang lalaki, at pinagsisipa at pinagsasambal naman nung isa pang kaibigan na si Rose Marie Gonzalez. Napansin kong parami ng parami ang tumitingin as kanila at naisip ko na baka maabutan sila ng teacher kaya agad kung tinawag si bailey."Bailey!" Sigaw ko
Agad silang tumigil at tumingin sakin di sila makapaniwala sa ginawa ko.
"Anong nangyayari dito, Bakit nyo inaaway ang kapatid ko!?". Tanong ko
"K-kuya.." mahinang sabi ni bailey
"Bailey bakit ka nakikipagaway!?" Tanong ko.
"Eh kasi kiya nanggugulo sila, nakaupo lang kami dito ng bigla nila kaming guluhin" paliwanag ni bailey
Mga hinayupak na lalaki to pati kapatid ko pinapatulan humanda sila sakin.
"Kayo umalis na kayo dito baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo at ikaw bailey maguusap tayo mamaya" sabi ko.
Tumayo na yung mga lalaki at tumakbo sila ng mabilis. Sinenyasan ko naman yung tatlo na sumama sakin ihahatid ko na sila sa classmaroon nila kaysa naman pabayaan ko silang pinagtitinginan ng mga tao. Habang naglalakad ako hindi ko padin maiwasan na mainis kahit naman inaaway ko yang kapatid ko mahal ko naman sya at nangako ako kay mom na babantayan ko ang kapatid ko.
Nang nasa harap na kami ng classroom nila agad akong humarap sa kanila. Tumingin ako sa kanila agad naman umiwas si amara napansin nya sigurong naiinis na parin ako kaya kanalma ko ang sarili ko at nagsalita.
"Pumasok na kayo sa loob" sabi ko
Nagnod lang silang tatlo at naglakad na papasok, Nang makaupo na sila agad naman akong umalis para hindi ko mashadong maisip ang nangyari.
Pumunta na lang ako sa tambayan namin. Pagpunta ko sa tambayan namin nakaupo lang sila Gerald at Alex habang nakikinig sa music. Nang napansin nila na pumasok nako agad naman silang umayos ng upo at itiningil ang ginagawa nila."Pre anong nangyare sayo?" Tanong ni Alex.
"Wala" sagot ko sa kanya
"Wala daw pero mukha kang sasapak ng tao" sabi ni Gerald
"Oo na merong nangyari, yung kapatid ko kasi makipagaway" sabi ko
"Sino ba yung kapatid mo?" Tanong ni Gerald
"Basta makikilala nyo rin sya" yun na lang ang sinabi ko
"Ano ba naman tong si Clark ang kj mo" sabi ni alex
"Manahimik nga dyan" sabi ko
"Pre labas tayo roronda lang ako" sabi alex.
Tumayo na kami at lumabas. Pagkalabas pa lang namin nagsitilian na ang mga babae. Ayaw ko sa babae yung ipinipilit nila ang sarili nila sa lalaki buhay nga naman. Si Gerald Gray Turner at Alexander Geo Peterson nga pala ang mga kaibigan ko. Kami pala ang isa sa mga heartthrob na grupo. Pero shempre ako ang pinaka pogi sa kanila. Sa totoo lang di lang kami tatlo anim talaga kami kaso nagkahiwalay ang grupo dahil nagkaroon ng problema. Nakakarindi na tong mga babaeng to sasabog na ang tenga ko. Hirap talaga pag pogi ka lagi lang hinahabol
Tutal nandito kami sa tapat ng room nila Amara tumingin ako sa kanya, tahimik lang sya na nakikinig sa teacher hays buti naman.
"Pre hali kana" sabi ni alex
Nagnod lang ako sumunod sa kanila. Nagpunta na kami aa classroom at umupo.
"Pre alis tayo mamaya" sabi ni Gerald
"Game!" Sabi ni Alex
"Hindi muna ako sasama kakausapin ko pa yung kapatid ko" sabi ko sa kanila.
"Ano ba yan bro!, bala ka nga" sabi ni alex
Nang dumating na ang teacher na nahimik na kami at nakinig hanggang maguwian.
**Uwian**
"Sge pwede na kayong umalis" sabi ng teacher
"Bro alis nako" sabi ko sa kanila
Nagnod na lang sila at umalis nako agad. Sumakay nako sa sasakyan ko at agad kung pinaandar. Nagulat ako nang biglang umulan,habang nakasakay ako sa sasakyan may nakita akong babae sa kanto na basang basa kaya agad kung tinabi ang sasakyan at kinuha ang payong ko. Halata mo yung babae dahil maputi sya di ko matatange maganda sya. Lumabas nako sa sasakyan at tumakbo palapit sa kanya binuksan ko ang payong,inabot ko sa kanya at agad akong tumakbo sa sasakyan. Pinandar ko agad ang makina at umalis.
Diko mapigilan ang mapangiti dahil halata mo sa mukha nung babae na nagulat sya sa ginawa ko, sana makita ko sya ulit*Bahay*
Pumasok nako agad, nagpalit na ako ng damit at umupo sa sala hinihintay ko si amara at kakausapin ko pa sya.
Nang may narinig akong naglalakad alam kong si amara na yun."Bailey saan ka pupunta ?" Tanong ko.
"K-kuya" nanginginig na sabi nya
"Bailey wag ka ng makikipagaway ah mamaya kong ano pa ang mangyari sayo tandaan mo bago ka palang sa school na yun" sabi ko sa kanya
"Opo kuya" sagot nya sakin
"Sge umakyat ka na sa kwarto mo" sabi ko
Umakyat na sya ng kwarto nya, nang makapasok na sya sa kwarto nya umakyat na rin ako sa kwarto ko, diko talaga maalis yung babaeng nakita ko kanina diko tuloy maiwasang ngumiti. Magpapahinga na lang muna ako, sana makita ko sya ulit.
AMARA BAILEY SMITH
**Mga bessy sorry ngayon lang ang update ko nawalan kasi ako ng imagination,kaya huminto muna ako at nagpahinga marami kasing problema ngayon kaya ang aking fantastic world ay nawala yun lang, thank you sa support and enjoy reading
-Author 😘
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY Inlove with a BadBoy (On-going)
Novela JuvenilKwento ito tungkol sa isang babaeng Hindi naniniwala sa LOVE simpleng babae lang sya meron syang tatlong Bestfriend na subrang gulo at Meron syang masayang family Maniwala kaya sya sa love pag nakilala na nya si the one? Makahanap pa kaya sya ng m...