Part 4

0 0 0
                                    

Gabrielle's POV
Ipinunta ko muna si Archer sa garden. Maybe this would help her refresh her mind and think for her own good. Hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya. Siguro nga nasaktan siya ng todo. Sa pagkakataong ito ko lang siya nakitang ganyan kalungkot. Dati naman pag nandito na kami sa garden, di na siya iiyak kasi ang gaan daw ng feeling niya pag andito na siya. Pero ngayon, hindi pa rin humihinto eh. Baka ganun talaga siya nasaktan.

"Gab, kung ikaw ako, anong gagawin mo? Iiyak ka din ba kagaya ko?"

"Archer, hindi sa lahat ng sakit at pagkakataon kailangan mong umiyak. Minsan kailangan mo din maging bukas para sa mga bagay na maaaring mangyayari, para siyempre di ka masasaktan sa huli. At hindi mo din pwedeng ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal. Kasi, what will happen to you pag ipinilit mo yang sarili mo sakanya? Masasaktan ka lang diba? You just need to grow up Archer. Buksan mo ang mga mata mo para sa mga taong andyan lang, nagaantay na sila naman ang mapansin mo. Kasi the more na ipipilit mo ang sarili mo kay Raffy, ikaw lang ang masasaktan at syempre ako na din. You're my bestfriend and I will do anything for you. To take away every pain in your heart. What ever the cause is."

"Thank you Gab ah. Pati tuloy kita naaabala na sa kagagahan ko kay Raf. Pero mahal ko kasi talaga siya eh. And I promise na I will help myself to move on na. Napapagod na din siguro ako. Nasasaktan na din siguro ako masyado. Di man ganun kadali pero kakayanin ko para sa ikabubuti ng buhay ko. Hindi man agad agad mawawala, pero unti unti. Tutulungan mo naman ako diba?"

"Oo naman Archer. Kailan pa ba ako nawala sa tabi mo? Kailan pa ba kita pinabayaan? At pag nakamove on ka na, ako naman ang tutulungan mo. Okay ba?"

"The best ka talaga Gab!"

"Kaya tama na ang drama. Tignan mo yang mukha mo oh. Ang pangit ng tignan."

Archer's POV

Nagtawanan lang kami at pinunasan naman ni Gab yung mga luha ko. Lakad na din kami pabalik sa building. Isang daanan lang naman ang papasok at palabas ng garden eh. Medyo malayo nga lang ito sa opening nung garden. Pero habang naglalakad kami ay nakita namin si Kennedy at Raffy. Anong ginagawa nila dito? Gusto kong malaman. Kaya agad kong hinila si Gab at nagtago kami sa likod ng kahoy. Rinig na rinig namin sila. Klaro bawat salitang binibigkas nila.

"Bakit mo ba ako pinagtatabuyan? Mahal na mahal naman kita ah! Kulang pa ba yung para maramdaman mong seryoso ako sayo? Buksan mo yang mga mata mo. Hindi yung nabubuhay ka para mapabuti ang buhay ng iba. Kahit minsan din naman sana bigyan mo yung sarili mong maging masaya at hindi maging sunod sunuran sa gusto ng iba."

"Hindi ako sunod sunuran Raf. Mahal ko ang pinsan ko! Kadugo ko yun! Pano ko magagawang saktan ang pinsan ko! Sabihin mo! Hindi ikaw ang nasa posisyon ko Raf. Kaya sana naman pabayaan mo na ako. Hindi lahat ng gusto ko, kailangan makuha ko. Hindi lahat ng gusto mo, mapapasayo. At hindi lahat ng inakala mong magpapasaya sayo, pasasayahin ka. Dahil may mga taong darating para guluhin ka. At para ibahin ang mundong nakasanayan mo ng tirahan. At ikaw yun! Ikaw yung taong guguluhin lang ang buhay ko. Masaya na ako. Kaya tama na."

"Tama. Hindi ako yung taong kailangan mo sa buhay. Pero sana naman maisip mo din na ako, kailangan kita. Mahal kita. At hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mahalin ang iba dahil hindi ko kaya. Ikaw lang Kennedy. Ikaw lang ang mahal ko. Pleaseee. Give me a chance."

Parang naguunahan na naman ang mga luha ko sa mga narinig ko mula sa kanilang dalawa. Ang sakit. Hindi ko din alam na gusto siya ng pinsan ko. All I know is that hindi magugustuhan ng pinsan ko ang taong mamahalin ko. And masyado akong nagtiwala. Pareho kaming nagulat ni Gab sa mga sinabi nila at sa mga sumunod na pangyayari kaya hindi ko na napiligan at lumabas na ako sa pinagtataguhan namin. Pipigilan pa sana ako ni Gab pero too late.

"Kennedy"
"Raffy"

Napatingin naman silang pareho na para silang nakakita ng multo. Kiss. They kissed.

"Archer.............."

May mga sinabi pa si Kennedy pero di ko na narinig dahil tumakbo na lang ako palabas ng garden. Ang sakit na ng paa ko. Pakiramdam ko, dumudugo na ito dahil sa heels ko. Kaya huminto ako para tanggalin ang mga sandals ko. Nahihilo na ako. Siguro dahil sa pagod, gutom at sakit na din siguro. Para na akong mawawalan ng malay. Kaya ng matanggal ko ang sandals ko. Dali dali akong lumabas ng campus.

Sa sobrang pagmamadali ko. Tinakbo ako yung highway kahit na delikado. Habang tumatakbo ako ay nakita ko ang parating natruck  at SUV sa magkabilang lane ng kalsada. Diniretso ko pa rin ang takbo kahit na alanganin na at mahahagip na ako ng SUV. Naramdaman ko ang paglipad ng katawan ko kasabay ng mga busina ng mga sasakyan at sigaw ng mga tao.

"Archeeeeeeeeerrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!"

Naririnig ko ang boses ni Gab. Sobrang lakas. Naramdaman ko ding may bumuhat sakin at niyakap.

"Nagkamali ako, dahil hinayaan kitang mahulog ang loob mo sa isang taong hindi naman karapat dapat para sayo. Rest now, my love"

Hindi ko malaman kung kanino ang boses. Pero alam kong nakasalamuha ko na ito. Nararamdaman ko ang sobrang sakit ng ulo ko. Mga likidong dumadaloy sa mukha ko. At parang nabugbog ang aking katawan ng sobra. Mga bubog sa katawan mula sa SUV.  Pero pahina na ng pahina yung boses. Pumipikit na ang aking mga mata. Hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Mess With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon