Masakit mang isipin na Senior High School nako ngayon, marami na dapat baguhin sa sarili marami naring pag babago ang dapat mangyari.Bakit ganon? May kulang lahat naman ng bagay meron ako pero bakit ganun? May pag kukulang parin akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano yun?
Sa tingin ko mahahanap ko rin balang araw kung ano mang bagay iyon.
"Sam!? Sam!?"
Bakit kasi kung ano ano ang naiisip ko, imbes na dapat hinahanap ko ang mga kaklase ko.
"Sam Sanchez!!?"
Napalingon ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko,
Ahhh si Third lang pala, Si Third Velasco nga pala best friend ko nung high school kami, siya lang ang kaybigan Kong lalaki dahil matino siya, Mabait ,Matalino , Matangkad ,Moreno tapos color pink yung lips niya hindi pa bulakbol at sino ba namang babae ang hindi mag kakagusto sakanya.
Marami ngang naasar sakin sa Campus namin dahil lagi niya akong kasama actually siya rin ang nag tuturo sakin sa ibang lesson na hindi ko naiintindihan mag kaklase kami ng 4 years nakakalungkot mang isipin na ngayon hindi na.
"Oh? Ikaw pala Third wala kabang klase?,"
Umupo siya sa tabi ko at may inabot na Sandwich.
"Kanina pa kita tinatawag parang ang lalim naman yata niyang iniisip mo,"
"Ahhh wala, Ano to?" Bakit binigyan niya ako ng sandwich? Kahit kelan talaga napaka Gentleman nito ni Third.
"Baka kasi di ka pa nag tatanghalian kainin mo muna yan pag samantala, Wag kang mag alala kabibili ko lang niyan hindi naman kita lalasunin no,"
"Hahahaha, Nag abala ka pa pero salamat, Pero di mo pa sinasagot yung tanong ko wala ka bang klase?"
"Papunta ako sa Canteen at nakita kita dito sa park nakaupo at mukhang maraming iniisip kaya naisipan kong bumili ng tinapay dahil muka kang na lugi,"
"Ang sama mo talaga, Pero salamat ulit hinahanap ko kasi yung mga kaklase ko kanina pa kaya naisipan kong umupo muna napagod kasi ako,"
"Sige, Sam mag kita naman tayo mamayang uwian I tetext nalang kita, Pareho naman tayo ng schedule diba?"
"Hindi ko alam baka mag overtime kami ngayon sa major ko pero sige susubukan ko mag kita nalang tayo sa gate mamaya." Bakit parang mas naging pogi si Third ngayon.
"Sige salamat, Uuna na ako wag kang mag papagutom ahh, ingat" Nag madali na siyang umalis at nag paalam.
Bakit ganon napaka sweet niya sakin hindi ko tuloy lubos mapigilang kiligin.
Ahh Baka may kaylangan siya sakin kaya mag kikita kami mamaya.
Si Third kasi at ako nag sasabihan kami ng mga sikreto katulad ng Family Problems at sa iba pang bagay, kaya malaki ang tiwala namin sa isat isa.
Napatingin ako sa May Building ng High school department at nakita ko doon ang mga ka klase ko kaya pinuntahan ko sila.
"Hi Ma'am!" Nakangiting bati ko sa teacher na kausap nila.
"May, kanina ko pa kayo hinahanap kung san san nako nag libot-libot,"
"Kasalanan mo kung saan san ka napapadpad halika na may pinapagawa si Ma'am Venus satin."
"Ahhh Alam ko na hulaan ko? Mag lilinis nanaman tayo sa Center no?"
"Ehh ano pa ba," sarcastic niyang sinabi.
Si Loraine nga pala Bagong kaybigan ko at Alam kong makakapag katiwalaan siya dahil halata mahiyain siya dati pero ngayon Alam niyo na, makapal na ang mukha Hahahahaha mabait naman siya at Alam ko naman yung mga taong kaylangan mong pag katiwalaan.
Nakarating kami sa Center at kinuha ko muna yung Attendance sa may Drawer at ibinalik ito.
"Tapos?" tanong ko kay Loraine.
"Uupo nalang tayo para di tayo mapagod diba?" Sabay upo sa may Sofa
"Wow naman ang ganda naman ng Idea mo, Bes subukan ko kayang mag sumbong tumayo kana Jan mag linis na tayo kahit konti"
Kinuha ko yung pang alikabok at ipinang kiliti ko sakanya.
"Hindi... Kapa talaga mag lilinis huh... Umhh ayan..."
"Ano ba!.... Sam tama na malakas kiliti ko Jan!!...."
Napatigil kaming dalawa ng May biglang pumasok sa pintuan.
"Oy!! Sam dito pa hindi mo pa naalikabukan..." pasimpleng sabi nito.
"Talaga lang huh?..." pinipigil ko lang ang tawa ko.
Nakita namin na pumasok si Mark Gomez isang Varsity player sa loob ng Center sikat siya dito sa campus namin dahil parang katulad ni Third Matangkad , Matalino, Gwapo at Maputi yun ngalang yun ang malaking diperensya niya kay Third "Maputi"
"Hi? Pwedeng mag tanong nakita niyo ba si Ma'am Venus may pinapaabot kasing sulat ang Guidance Council.
Napatulala ako ng kinausap niya ako.
"Ahhh ehh.. Ano? Ako?" Sabay turo sa sarili ko.
"Yes you -_-" Cold niyang sinabi
"Ehmm... Hindi hindi ko siya napansin ako nalang mag aabot ng sulat Teacher ko siya sa Major mag kikita kami after naming mag ayos dito,"
"Okey, mukhang mapag kakatiwalaan ka naman di tulad ng iba jan.." Sabay ngisi at pag abot ng sulat sakin ay umalis kaagad.
"Nakakakaba naman siyang kausap" sabay tingin ko kay Loraine.
"Oh? Bakit natahimik ka..?" Tanong ko.
"Kasalanan ko ang lahat, masama ba akong tao? mapag kakatiwalaan ba ako? Pinag sisisihan ko naman ang lahat eh bakit hindi niya ako mapatawad?!!." Sabay iyak nito.
"Huyy!! Anong ngyari sayo? Anong pinag sasabi mo jan? Laking gulat ko nalang ng bigla siyang umiyak
"Uuna na muna ako Sam...!" Nag madali itong Tumakbo at kinuha ang Kanyang bag
Bakit ba siya umiiyak? May nagawa ba akong kasalanan. Oh?... 0_0

BINABASA MO ANG
Ano ba ako sayo? (On Going)
HumorAno nga ba ako sayo? May karapatan nga ba ako? Bakit ganito nakakalito? pero bakit may namuong pagibig sating dalawa ngunit ako lang pala ang nag pasya.