"Pagdilat.. Ikaw agad ang hinahanap... sa umaga.." - Sponge Cola
Yan ang unang linya ng paboritong kanta ng mga mejo di pa katandaang OFW na tulad ko.. (Di ko naman sinasabing me katandaan na yun mga favorite pa e si Rey Valera.. Yun "Kay tagal din nateng di nagkita.. Ako;y nasasabik na sayo..... Ahaha, Ahaha, Lala!!!: Hehe!)
Hmmm... Actually, bagong OFW pa lang ako e, 7 months and counting.. Kaya kakadanas ko pa lang nga mga unang hapdi na malayo sa pamilya..
1. "Unang Pasko.. na malayo ka..." Iba pala talaga ang lasa ng Noche Buena sa PInas pag kasalo mo sa hapag ang pamilya mo..
2. Unang beses na magkasakit ng di ka man lang maalagaan ng asawa mo.. Dyun mo maapreciate na ansarap pala kahit punas punas lang n asawa mo pag me lagnat ka.. haha!
3. Unang bday ng anak ko na di ko sya nakasama... Nakow, iyak2 ka na lang, mas malaki na nga Cake nya at mas madame sya handa pag di ka kasama.. Pero parang kung papipiliin sila.. Mas gusto siguro nilang andun ka pag nagblow sila ng Candle.. kahit simpleng handa lang kaya ng budget mo pag sa PInas ka nagwork...
Kahit pano, sa mga unang buwan, ok pa naman magconnect sa family mo dahil sa Skype... (Laking improvement na to, kumapara sa mga old school na nakakasama ko ditto - kwento nila, nung unang panahon bago ang Skype e sulat, Long DIstance calls at Casette Tape lang ang tanging chance na makausap nila family nila).
Mejo badtrip lang talaga pag malayo ka sa family e. Dito ko lang narealize na sobrang totoo pala mga iniisip kong kadramahan lang sa mga OFW movies tulag nd "Dubai" (starring Aga, John Lloyd, Claudine), "Milan" (Starring Papa Piolo), etc, etc...
Hirap pala matulog mag-isa sa kwarto kahit de AIr-Con kwarto at ang lake ng kama mo.... Sa Pinas Electric Fan ka lang.. pero himbing ng tulog mo kayakap ang asawa at paminsan - minsan mga anak mo... :)
Minsan naiisip ko tuloy.. Tama pa ba tong pinag gagagawa ko?! Tama ba tong desisyon ko?!
Pag umiiyak Misis ko, sinasabi ko na lang.. Masasanay din tayo.. Pero, ok lang ba masanay kame magkalayo.. na Total of 49 Days lang kame magkasama kada isang taon?!?!
Na masanay mga anak ko na sa Laptop lang nila kausap tatay nila.. (Ni di man lang nila mayakap at makalaro)...
Na masanay akong nabubuhay ako araw2 at Skype o tawag lang kumustahan namen sa isa't - isa...
Di sa jinujusify ko a.. (Di pa naman ako nagloloko, sana wag matukso.. hehe!) Pero pag dating ko ditto, mejo naintindihan ko yun mga lumalabas na nagkakandalokoloko buhay dahil sa me "kulakadidang" at "kulakadidong" kahit me mga asawa sa Pinas..
Iba kasi pala talaga magpahina ang lungkot... Iba magpahina ang loneliness... At madalas, sa comfort ng kababayan ka lang nakakahanap ng magpupuno... Oo, MALING MALI, pero imbes na galit or judgement, awa na nararamdaman ko sa mga taong tulad ng mga kaibigan ko dito na ganyan.
TO be continued.... :)