childhood is one of the best time in our life, Kaya nga siguro namimiss ko na yung mga kaibigan ko nung bata palang ako. Even yung mga ginagawa ko before nung bata pa ako , namimiss ko . syempre pati yung bestfriend ko
before anything else , I am Zark Blyke Morales , my friends calls me Zark. 16 yearls old. Grade 11 student in St. Cecilia academy in Quezon city.
pinanganak ako at lumaki sa Pampanga , pero nung 10 years old ako, nagdecide si Mama na lumipat kami sa Manila kasi sabi ni Papa mas maganda daw if sa Manila na lang kami tumira. syempre nung una ayaw ko pero wala naman ako magagawa.
Sa Pampanga may bestfriend ako, si Nathan. Jonathan Nathan Esguerra yung full name nya. 1 month lang yung pagitan namin, kaya simula baby palang e close na kami.
Yung tipong sa sobrang close nyo, parang tunay na magkapatid yung turingan namin . Parehas kaming only child , then yung parents namin is close rin sa isa't isa kaya siguro ganoon yung pagkakaibigan namin.
Nung bata pa kami, nangako kami sa isa't isa na sabay kami gagraduate, sa isang company mag wowork, ipagpapatuloy namin yung friendship namin . pero may isa kaming promise na hindi talaga dapat ma break , yun yung hindi dapat kami ma iinlove sa iisang babae. We Believe kasi na hindi babae ang sisira sa pagkakaibigan namin.
Naaalala ko dati na Sabay kami minsan maligo sa ilog and sa CR ,hahaha medyo awkward pero okay lang samin kasi bestfriends nga kami.
One day sa plaza, naglalaro kami ni Nathan , bigla akong tinawag ni Mama kasi uuwi na daw kami, Nasa bahay kasi si Papa, minsan lang sya umuwi because may business kami sa manila na restaurants .
"than uwi muna ako, nasa bahay kasi si papa" paalam ko kay Nathan
"sige bukas na lang ulit" sagot nya saakin
maya-maya naka uwi na kami. NIyakap ko Agad si papa kasi almost 2 weeks syang d naka uwi dito sa pampanga
" hi papa" sabi ko kay Papa
" hi baby boy. namiss mo ba ako ?" tanong nya sa akin
" opo" mabilis kong sagot
after nun nag usap si Mama AT si Papa , syempre bata palang ako kaya wala pa akong paki sa mga pinag uusapan nila. mayamaya tinawag ako ni papa
" anak" sabi nya sakin
" po" sabi ko
" pupunta na tayo sa Manila, doon ka na mag-aaral" sabi nya sa akin
" mas maganda doon anak, mas marami kang mga kaibigab" Dagdag ni Mama sa sinabi ni Papa
naiyak lang ako syempre , sa loob ng 10 taong , sa pampanga ako nakatira , umayaw ako pero pinipilit parin nila Mama. Kaya ginawa ko pumunta agad ako sa kwarto ko . hindi ako lumabas ng buong gabing yon.
kinabukasan sinabi ko kay Nathan na lilipat kami sa Manila,
" nathan lilipat na kami sa manila"
"talaga ba . maganda yun. maraming babae dun staka magandang laruan " sagot nya sakin
"paano yan magkakalayo na tayo " bulong ko sakanya
" oo nga, pero ok lang yan dba babalik ka panaman, staka basta huwag mo lang kakalimutan yung promise natin sa isa't isa" sabi nya sakin
umoo lang ako, sabay yakap sakanya.
May 22 2010 lumipat kami, nung araw nayon hindi ko nakita si Nathan kaya medyo nalungkot ako. Hindi man lang ako nakapag paalam .
Bago kami umalis may inabot na sulat si Tita Grace, mama ni Nathan. habang nasa byahe kami binasa ko yung sulat.
dear ZARK,
Sorry kung hindi ako nakipagkita sa yo ngayon , maiiyak lang ako, baka asarin pa tayong bakla, dba lalaki tayo. hahaha ingat ka sa manila , babalik ka panaman dito diba , sasabihin ko kila mama na dyan nalang ako mag college para sabay tayo . Kita nalang tayo soon , ingat ka palagi huwag mo akong kalimutan ah . narinig ko kasi kila mama na baka 2 beses or isang beses lang kayo bumalik dito , kaya yun walang kalimutan ah .. oh eto naglagay pa ako ng picture ko , tapos kumuga ako ng picture sa kwarto mo para d mo ako makalimutan.
hanggang sa muli aking kibigan .
NATHAN ( WITH PANGIT NA SIGNATURE)
Habang binabasa ko yun naiiyak ako, tinanong ko kila Mama kung gaano ba kalayo yung Manila, sabi nila mga 2 oras na layo mula sa lugar namin.
medyo natuwa ako kasi nalaman kong malapit lang pala yun pero alam kong wala akong alam sa mga direksyon kaya yun balik nanaman sa pag eemote.
nakalipas ang ilang oras narating nanamin yung village namin. VILLA AMOR , Fairview Quezon city yung nakalagay sa main gate ng village namin, pag pasok sa village nagulat ako sa ganda ng mga bahay, kaya na excite ako makita yung bahay namin.
nakita ko na 8th street kami, medyo dulo payun ng village . Nagulat ako sa bahay namin, ang ganda , pag pasok namin tinuro agad ni Papa kung saan yung kwarto ko, pag pasok ko bigla kong naalala yung kwarto ko sa Pampanga. napangiti nalang ako .
"salamat po Papa" sabi ko kay Papa
" salamat rin anak" sagot nya saakin
napayakap ako kay papa nun.
mayamya pinaayos na saakin ni Mama yung mga gamit.
" oh Zarkie baby boy, ayusin mo na yung gamit mo para makagpag ayos kana"
" opo mama"