Chapter Introduction: TOKYO

12.9K 231 20
                                    


Hinawakan ko ang makapal kong pink na medyo cute na jacket.

"Ang lameg dito sa Tokyo, Japan."

"OMG."

"Ang tagal naman ni Shuto-san."

Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa malayong ferris wheel. Currently iniimagine ko nasana sumakay kami ni Shuto doon. Hehehe... Muka kasing sweet eh tapos biglang iki-kiss niya ko di ba? Mas sweet? Yung parang sa mga drama na scene?

Napatawa yung ibang Japanese nadumadaan sa akin. Nakanguso kasi ako habang nag-iimahinasyon.

"Ay kakahiya naman ako." Nasabe ko ng mahina.

Mula sa malayo nakikita ko ang itsura ko sa reflection ng mga glass door shops.

Ahem, medyo slim ang body ko, mahabang black ang buhok, sakto lang ang color tone ng skin(pinay skin) at medyo inosente ang muka ko na mukang 23 though 27 na ako.

Tinignan ko ang malaking orasan sa isang building at 7:00 pm na pala.

Ang tagal naman ni Shuto-san. Darating pa kaya siya?

Napangiti ako habang naglalakad ng paunti-unti sa street na di ko alam ang pangalan.

Sa totoo lang first time kong pumunta dito sa Tokyo kaya baka maligaw ako.

Ang pakay ko talaga dito aydinadalaw ko lang si Shuto-san. Sa Yokohama talaga ako nakadestino at nagwowork ngayun bilang Safety Engineer nila sa wiring factory ng Torisetsu. Nakachat ko kasi siya sa FB 5 days ago at iniinvite nya ako sa kanila.Gusto na niya akong makita after 4 years ago.

English pa ang pagkakasabe niya sa akin with exclamation point!

Sabe niya...

"SYOTA –SAN, SINCE YOU ARE HERE IN JAPAN, KINDLY ON OCTOBER 9, 2019 LET US HAVE COFFEE & I WILL STROLL YOU IN TOKYO! I MISS YOU!"

Ehem, ang hilig talaga non sa exclamation point. Kaya di ko magets kung galit siya o hindi sa mga message niya sa FB sa akin.

Napaupo ako sa bench at inabot na ng 8:00 pm na kung saan kung ano-ano na ang mga pinagkakain ko. Halos lahat ng type ng takoyaking crispy tinikman ko na. Parang buntis na nga ako sa busog eh.

Minemessage na nga ako ni Yaku-san, katrabaho kong Japanese na 30 years old, susunduin daw ako dito kasi ayaw niya akong mag-isa. Nag-aalala kasi siya sa akin. Pero tumanggi ako kasi hihintayin ko si Shuto-san kahit umabot pa ako ng 10:00pm.

Sabe niya kasi dadating siya kaya alam kong dadating siya though medyo nakakasakit ng loob kung nakalimutan na niya ako at papaasahin lang.

After 5 minutes, medyo madami padin ang tao at busy ang mga tao dito sa daan. Parang Manila lang din.

Napatingin ako sa isang lalaking Japanese na pogi na parang kasing edad ko at may kasamang bata na 4 years old din ata. Umupo ito sa tabe ko at nilalaro pa siya ng bata.

Ala, anak niya ata iyun. Tinititigan ko ng paunti-unti.

Napahawak ako sa bibig ko at napaisip na baka....baka si Shuto-san ay kasal na at may anak na.

"Hindi maari..."

"OMG."

Nakalimutan ko na noon napakita niya na may girlfriend siya sa Japan na mukang pinay.

Baka nga pedeng kinasal na sila though magkasing edad kami na 27. Malamang sa edad na ganito ay may anak na siya.

Napatayo ako at napaisip na dapat na siguro akong bumalik sa Yokohama at sumakay ng bullet train.

Baka saktan ko lang ang sarili ko. Sa loob ng 4 na taon gusto ko padin si Shuto-san kahit saglit ko lang siya nakasama ng personal na para bang matagal ko na siyang kilala at walang nagbago sa aking nararamdaman sa kanya. Para kasi sa akin kapag ang isang tao ay nag-iwan ng kakaibang pakiramdam sa akin ay di ko na nakakalimutan pati yung naramdaman kong pagmamahal sa loob ng saglit na panahon ay nananatili padin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nalungkot.

Matanda na ako kaya dapat ko ng iwasan ang pagiging tanga pagdating sa pag-ibig.

"Shuto-san..." Nasabe ko ng mahina habang nakatingin sa malaking orasan dahil nagbabalak na akong umalis.

Tumayo na ako at aalis na dahil 9:30 pm na ng bigalang may narinig akong nagsalita sa likuran ko.

"Syota..."

Japanese yung boses pero di ako lumingon.

"Are you my Syota."

Abay narinig ko ulit at nag-English pa kaya napatingin ako.

Nakakagulat. Si Shuto na pala iyun.

Lumaki ang dalawa kong mata at napahawak sa buhok kong konting kulot.

"Shuto-san, yes, I'm your Syota." Sinabe ko ng nakangiti na magkaharap kami.

Sobrang ngiti ni Shuto ng makita na ako nga si Syota.

Medyo nakakakilig kasi iba ang pakiramdam na makita naming ulit ang isa't-isa.

Tumakbo ako malapit sa kanya at sabay yakap na mahigpit niya sa akin na nakangiti kaming dalawa.

Ang pogi parin ni Shuto at 5'8 parin ang tangkad. Sa lahat ng Japanese guy siya ang mukang Amerikanong Japanese na amoy mabango. Sa araw din an ito ay nakaformal attire si Shuto na malamang galing siya sa opisina or trabaho.

Ahem, amoy Sakura siya. Kakainlove padin.Pero mukang nagmature na siya at humusay sa English speaking.

Oo nga pala. Ako si Syosa Tabina, 27 year old at Pinay na graduate ng Electronics Engineering.

Medyo nakakalito kasi Syota ang tawag niya sa akin at iyun ang ikukwento ko ngayun.

Currently ngayon nagtitigan kaming dalawa na para bang inlove sa isa't isa pero bago ko idugtong ang kasunod nito balik muna tayo sa aming nakaraan na tungkol sa simula ng lahat.

"Shuto, I'm Your Syota" TAGALOG NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon