Chapter 08: Welcome to Mafia World

2.9K 114 14
                                    

Chapter 08: Welcome to Mafia World

Koreen's POV
Agad na akong umalis sa Cafe Shoppe na iyon. Kailangan na naming makabalik agad sa America.

Habang nagda-drive ako ay biglang may tumawag sa cp ko. No. Ko ito dito sa Pilipinas. Nung makita ko kung sino yun ay agad akong gumamit ng voice changer.

"What?" Tanong ko.
(Boss, may nakuha po kaming impormasyon. May nagmamanman po dito sa atin at nahuli na p--"

"Wag niyong papakawalan. Pupunta ako diyan mamaya. At gusto kong magpadagdag pa kayo ng mga tauhan para wala ng nagmamanman sa atin" sabi ko.

"Copy that, Boss" sabi niya.

Agad ko ng pinatay iyon. Anu nanaman kayang magandang impormasyon ang nahagip nila.

Matagal na din simula ng huli ko silang makausap. Siguro nga'y sobrang busy ako sa mga kompanyang hinahawakan ko.

Agad na akong bumalik ng resort. Pagkadating ko, nakita ko sina Renren na nakatulog sa sofa. Mukhang inantay nila ako.

Ako na iyong nag-ayos ng kanilang mga gamit. Mukhang pagod sila eh kaya ng matapos na ako ay agad ko na silang ginising.

"Wake up. Aalis na tayo" sabi ko.
"Mommy, Im sleepy pa po" sabi ni Winwin.

"Sa kotse na lang kayo magsleep ulit. Kailangan na nating umalis" sabi ko. Agad naman na silang nag-ayos atsaka umalis na kami.

Nang makadating na kami dito sa bahay ay hindi ko na sila ginising pa. Binuhat na sila nung driver namin dito.

Agad akong nagpalit ng damit bilang si BlackWeak.

May pinag-iba lang. Ganoon pa din yung damit pero parang naging lalaki na ako.

Simula kasi nung malaman ko na may gumamit ng pangalan ko, pinaimbestigahan ko ang tungkol doon and then I found out na si Xander pala yun. Madaming nakakaalam na babae si BlackWeak pero nagulat sila ng Lalaki ang nagpakita.

Kaya simula nun, nagpanggap na ako bilang lalaki. Kaya boss din ang tawag nila sa akin.

Nasabi ko na ba sa inyo na yung kinabibilangan kong grupo? Kung hindi pa, sasabihin ko.

Kabilang lang naman kami sa isang Mafia Organization. Kaya't nakasama at nakilala ko yung ibang mga tao sa Mafia World.

(A/N: Mafia Organization?  According to Google, Mafia is a type of organize crime syndicate)

Astig ba? Siguro! Pero hindi ganun kadali dahil mahirap ang buhay sa Underground siciety. Ang pakikisama sa isang Mafia Group ay hindi magandang biro dahil isang maling galaw mo lang, buhay mo na ang kapalit.

Mas mahirap makasama sa isang Mafia Group kesa sa mga Gangster dahil natural na ang gangster sa ating mundo pero ang Mafia ay pinagbabawal.

Nung nalaman namin ni Kuya Drew na ang Black Organization ay nakipagkumpiyansa sa Bratva Group ay agad akong bumuo ng sarili kong grupo.

Bratva ang tawag sa grupo ng mga Russian Mafia.  Nakikompiyansa sina Tita Miranda sa kanila. At ngayon, isa sila sa mga kalaban at kaaway namin.

Mafiusu ang tawag sa aming mga kasapi ng Mafia. Bumuo ako ng sarili kong Mafia Group at pinangalanang BWE Sicily Mafia. Sicilian Mafia ang tawag sa amin.

(A/N: The word Mafia derives from the Sicilian adjective "Mafiusu" which means "swagger")

Yung isa namang grupo na kakampi namin ay Yakuza Mafia. Tawag sa grupo ng Japanese Mafia. Sila yung nagpresinta sa amin na pagsamahin ang aming grupo na pabagsakin ang Bratva.

Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon