Mister Nerd (one shot)

6 0 0
                                    

"Jackie!"

I look for the person calling my name and saw Chastine waving her hand as if hindi ko sya nakikita.

"Ano?! Halika na, ikaw nalang wala sa pila, kanina pa kita hinahanap" I said.

"Mamaya na, dito muna tayo, may magbibigay pa sayo ng flowers!"

"Huh? Ay nako, Tara na, pag ikaw nawalan ng pila sa processional bahala ka" I told her. Kasalukuyan kasi kaming nasa quadrangle para sa practice ng processional sa nalalapit naming graduation.

"Ihhhh! Kainis, Tara na nga. Tsk" I held her hand sabay hila papunta sa iba ko pang mga kaklase.

-------

Maghapon kong inisip yung sinabi ni Chastine, sino ba magbibigay sakin ng flowers? Ang late naman, march na kaya. Tsaka ngayon pa sya gagalawan eh patapos na school year, timang talaga mga tao.

"Jackie, punta ka muna sa science building, kakausapin ka daw ni ma'am since ikaw naman daw president"

"Ahh. Sige"

Epal naman yung adviser namin, ayoko ngang nagpupunta sa science building, kaintimidate kaya yung mga science oriented students. Sila na matalino! Sila na talaga! Hys, but I got no choice.

Habang papasok sa science building nauntog ako, ewan sa pinto yata. Dumiretso nalang ako sa paglalakad.

"Hindi ka ba magsosorry?"

Ang gara ng pintong to ah, nagdedemand ng sorry. Kaya Syempre, dinedma ko.

"Hey! I'm talking to you!"

Aba! Aba! Pintuan pa yung galit. Ibang klase rin ah

"Hoy ikaw pint----ouch!" Nauntog na naman ako.

"Tsk. You should really be careful"

Voila! Hindi po pala pinto mga kaibigan! I collided with none other than Mr. Jeremy Kiefer Guiddoti. Most outstanding student of the science oriented curriculum. Ghad! Kill me now

"Ahh...Hehe. Sorry, hindi ko napansin, sorry sorry" at nagbow pa ko nyan mga bes

"K"

Eh? Yun lang yun? Bait naman ni koyah

"Kiefer, come on!" Tawag sakanya nung iba nyang mga kaklase na inaantay pala sya sa may labas ng building.

For sure nakita nila yung nangyari, kakahiya ka talaga Jackie! Tatanga tanga jusko.

---------

Pakalabas ko sa science building dumiretso naman ako sa student's pavilion para irelay sa mga kaklase ko yung mga pinapasabi ng adviser namin.

"Magsibayad na kayo ha? Kutos kayo sakin, kulang yung fund natin, di matutuloy swimming!"

"Yes, Pres!"

"Labyu Pres!"

"Mamatay ka na Pres! Hehe joke lang labyu"

Mga bwiset! Dagdag pa sa sakit ng ulo ko tong mga to, nauntog na nga ko kay Kiefer eh. Tsk, psycho talaga mga tao dun sa science building, crush ko pa man din si Kiefer. I really got this huge knock about boys being tall, serious, handsome and freakingly genius. Full package na rawr!

"Jackie kilala mo si Guiddoti?"

Nagulat naman daw ako sa pagsulpot ni Chastine. Oo mga kaibigan, si Chastine na naman.

"Guiddoti? Si Jeremy Kiefer Guiddoti ba?"

"Tumpak!" Sabi nya at may action pa yan. Eh ano naman ngayon kung kilala ko yun? Lahat naman kilala yung gwap--este lalakeng yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mister Nerd (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon