Kabanata 29
"HEY!" pagkapasok ko pa lang ng kwarto ay naabutan ko na si Iñigo na nakahiga sa kama at tulog na tulog pa rin. Nakadapa siya at walang pang-itaas kaya kitang-kita ko ang likod niya mula sa pwesto ko. Nakakumot din siya sa pang-ibaba at gulong-gulo pa ang buhok niya.
Inilapag ko ang pagkain niya sa may gilid ng kama, well, tinulungan ako ni Manang magluto. Sort of, 'di ko lang alam kung magugustuhan niya ang lasa nito. Sinilip ko ang mukha niya at nakita ko na bahagyang nakaawang ang labi niya. Ang buhok niya ay natatabunan ang isang bahagi ng mata niya kaya napangiti ako.
Lumuhod ako sa gilid ng kama para titigan ang mukha niya.
"Baby," I whispered as I touched his cheeks. Hindi naman siya gumalaw man lang kaya lumapit ako at humalik sa noo niya.
"Hmm?" he hummed at nagmulat siya ng mata. "Why? Tulog pa tayo," bulong niya bago pumikit na naman.
"Pagod ka?" I teased at sinilip pa ang mukha niya. Iminulat niya ang isang mata niya para silipin ako bago tumango ata ngumuso sa akin.
"Hmm, pinagod mo 'ko."
I scoffed.
"Wow, huh! Ako pa talaga ang pumagod sa 'yo?" I can't believe what I'm hearing! Natawa pa ako nang ngumisi siya habang nakapikit.
"You were so insatiable last night," he said huskily. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya napahawak ako rito.
"Iñigo naman!" inarte ko. He laughed, nagulat ako nang bigla siya tumagilid at tinapik ang tabi niya.
"Lie down here, baby."
"Kakain tayo."
"Hmm, later, please, tabi ka muna sa akin," napangiti ako sa lambing ng boses niya kaya dahan-dahan akong umakyat sa kama para tumabi sa kanya. He immediately caught my waist when he reached me. Niyakap niya ang baywang ko at humalik sa noo ko.
"Kumain ka na?" Tanong niya at hinanap ang mata ko.
"Hmm, inubos ko lang 'yong donut sa baba tapos uminom ako ng gatas."
"You're really fond of eating that, anong ipapangalan natin sa baby natin niyan?"
"Uh, Bavarian?" bumusangot ang mukha niya kaya napatawa ako at yumakap sa kanya. "Joke lang!" tawa ko at tinitigan ang mata niya. "Ikaw, ano bang gusto mo?"
"Hmm, any name would be fine. As long as she's healthy then I'm good."
"She? You like it to be a girl?"
Tumango siya at inilipat sa pisngi ko ang kamay niya. "I want her to look like you."
"Bakit kamukha ko?"
"Nothing, I just want to see a little version of you," aniya. "You know, Thallia-liit?" he grinned.
"Sure?" my lips protruded. "Let me remind you, baby. I don't repeat clothes. Kapag may Thallia-liit, kumusta ang wallet mo?"
He chuckled huskily, his eyes twinkling.
"I'd work hard, then," he mumbled. "I won't mind spending much if it's for my wife and her mini-me."
Itinaas ko naman ang kamay ko papunta sa may malapit sa mata niya.
"A boy or a girl will be very fine with me, I just want them to get your eyes," pumikit siya nang haplusin ko ang mata niya.
"You like my eyes?"
I hummed. "It's just that, everytime I am looking at your eyes, I felt like I'm drowning. Drowning into a deep sea that I can't be saved anymore." Kunwari'y makata kong sinabi.
BINABASA MO ANG
Tempting The Heiress
RomanceSandejas Siblings First Installment (2023 EDITION) I Ñ I G O "The best way to not get burned is to never play with fire..." Thallia Josephine Raymundo has only one mission, which is to find the evidence of the crime her father has committed, she has...