12. You Found Me

1.1K 35 6
                                    

 -;-;-;-;-;-;-

Love Game

-;-;-;-;-;-;-

"Lost and insecure, you found me, you found me

Lying on the floor surrounded, surrounded

Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?

Just a little late, you found me, you found me..."

[Daniel]

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako kinibo ni Kath pagkatapos ng nangyari kanina. Sobra siguro siyang natakot nung hinarang kami. Bakit ba kasi pilit bumabalik ng nakaraan? Gusto ko ng kalimutan iyon.

Bumuntong-hininga ako.

"Are you that scared kaya hindi mo ko kinikibo?" tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin siya nagsasalita at tumingin lang sa labas ng bintana ng kotse ko.

"I'm sorry if it scared you Kath. Pero hindi ka naman dapat matakot because I will protect you even if it costs me my life," sabi ko sa kanya. "Ganun ka kaimportante sa akin, Kath."

Umayos ng upo si Kath at tumingin sa akin. "Pwede mo bang ihinto ang kotse sa gilid? Gusto lang kita makausap ng matino."

Tiningnan ko muna siya bago tumango at ihinto ang kotse sa gilid. Humugot ako ng malalim na hininga at tinanggal ang seat belt para tumingin sa kanya.

Ganun din ang ginagawa niya nung lumingon ako sa gawi niya. Pagkatapos ay tinitigan niya ako.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya at marahang inilagay sa magkabilang pisngi ko. Ipinikit niya ang mga mata niya at ginawaran ako ng isang halik sa labi.

Agad kong hinapit ang bewang niya at inilagay ang isang kamay sa batok niya.

Idiniin ko ang halikan naming dalawa. Hindi ko namalayan na binuhat ko na pala siya at inilagay sa kandungan ko. Itinagilid ko ang aking ulo para mas lalong madaling halikan siya.

Hinahabol na kami ng hininga ng huminto kami.

Pero hindi pa rin ako kuntento kaya hinigit ko ulit ang kanyang mukha para halikan pa siya. Ini-adjust ko ang upuan ko sa sasakyan para makahiga kaming dalawa. Pinagpalit ko ang posisyon namin at siya na ngayon ang nasa baba.

Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang sasabog na ako.

"I love you Kath," sabi ko sa pagitan ng mga halikan namin. Hindi ko lang siya gusto, mahal ko na siya.

Parang nagulat siya sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya. "Hindi ko naman ini-expect na sabihin mo yun agad sa akin. Gusto ko lang na malaman mong mahal na kita at lahat gagawin ko para mapaibig lang din kita."

Pumungay ang mga mata niya at hinalikan ako ng mabilisan sa labi.

"Dj..." tawag niya sa akin. "I love you too. At dahil mahal kita. Tanggap ko kung ano ka. Kung sino ka sa ngayon, kung ano ka sa hinaharap at ano ka sa nakaraan."

Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"I heard Dj. I heard about you dealing with drugs. I'm sorry. I didn't mean to eavesdrop. Ginawa ko lang iyon dahil akala ko kailangan mo ng back-up..." wika niya sa akin.

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon