Chapter 3 : Finally I found you!

57 0 0
                                    

Misaki POV

                Minulat ko ang mata ko at hindi ko alam kung asan ako.. ang natatandaan ko na sa rooftop ako kasama si Jirou at umiiyak ako tapos nawalan ako ng malay.. bumangon ako at naramdaman kong sobrang sakit ng ulo ko.. bigla naman may lumapit kung saan ako nakahiga at nakita ko siya.. yung pagtitig niya sakin ayun na naman yung mata ni rou ganon siya tumitig sakin ngayon..

                “Hey? Are you ok?” – Jirou

                Nag nod na lang ako at tatayo na dapat ako ng natumba ako..shit! ano bang nangyayari sakin buti na lang naalalayan ako ni jirou kundi baka sa sahig ang bagsak ko..

                “I think your not totally ok” – jirou

                “Im fine” yun na lang sinabi ko at dahan dahan akong naglakad ramdam ko masakit ang ulo ko at parang umiikot ang paligid ko.. kailangan kong magdahan dahan tsk! Papalabas na ako ng Clinic oo alam ko na nasa clinic ako kasi nabasa ko dun sa dingding kanina.. ayun na nga papalabas na ako ng bumungad sakin yung mga minions na kaibigan nitong si Jirou..

                “Oh ms. Patay kamusta ka na?” – takihiro

                “Oo nga ms. Isnabera sabi ni jirou nahimatay ka daw” – ryu

                “kanina naman ok ka ah bakit kay jirou nahimatay ka?” – shouta

                “Mukhang hindi lang ako hindi mo pinansin hahaha” –shin

                “Tigilan niyo siya..halika na Misaki alam kong pinipilit mo lang maglakad..ihahatid na kita pauwi sainyo..ituro mo lang sakin ang daan” – Jirou

                “No, I can manage” at naglakad na lang ako ulit pero natutumba talaga ako buti na lang nasalo ako agad ni jirou..

                “Tsk! Wag ka na nga makulit, sige una na ako babalik ako after ko ihatid si Misaki” – jirou

                At binuhat na niya ako ng pa bridal style..wala na ako nagawa kundi sumama at magpahatid kay jirou..

Takihiro POV

                Nagulat kami sa mga nangyayari..kanina kasi tumawag samin si Jirou at na sa clinic nga daw siya kasama yung babaeng ano nga pangalan nun? Ah misaki.. yun nga kasama daw niya kasi nahimatay daw kanina kaya ayun dinala daw niya sa clinic..aba himala yun huh si Jirou na walang pakialam sa ibang tao bigla na lang nagmalasakit sa iba hahaha..agad naman kami nag punta sa clinic at nakita nga naming si Misaki na gegewang gewang haha akala mo lasing lang eh noh..

                “Oh ms. Patay kamusta ka na?” sabi ko naman sakanya..

                “Oo nga ms. Isnabera sabi ni jirou nahimatay ka daw” – ryu

                “kanina naman ok ka ah bakit kay jirou nahimatay ka?” – shouta

                “Mukhang hindi lang ako hindi mo pinansin hahaha” –shin

                Tignan mo tong mga to mapang asar din eh noh hahaha.. kasunod pala ni Misaki si Jirou nagulat na naman kami sa sinabi niya..

                “Tigilan niyo siya..halika na Misaki alam kong pinipilit mo lang maglakad..ihahatid na kita pauwi sainyo..ituro mo lang sakin ang daan” – Jirou

                Aba nilalagnat ata to huh..naku may dapat ata kaming imbestigahan sa mga nangyayari..nagkatinginan kaming apat sa inaasta ni Jirou.. ito naman si misaki nagmamatigas pa.. ayaw pa magpahatid eh halata naman na hindi niya kaya.. bigla na naman matutumba si Misaki sasaluhin ko na dapat kaso naunahan ako ni Jirou..wala eh tinamaan ata dito kay ms. Patay hahaha..

White Blood Prince's and Ms. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon