Chapter 18
"Ma'am..." Nagising ako dun sa lalakeng nakatayo sa my tabi ng kama at niyuyugyog si Aileen.
"Ano yun?" Tumayo at lumapit sa kanya. Agad itong bumaling sa akin at bahagyang yumuko.
"Dinala ko lang po itong mga pinakuha niyang gamit. Saka my pasok pa po si Ma'am ng 9 eh" Paliwanag nito at napakamot nalang ng ulo.
Kinuha ko nalang yung mga dala niya. "Sige. Ako na bahala dito, ako na din gigising sa kanya." Tumanggo ito at tumalikod na para umalis.
"Wait lang pala, nag agahan na ba kayo?" Tanong ko dito pero hindi siya sumagot.
Siguro hindi pa kaya hindi din sumasagot kaya binigyan ko siya ng pera pang kain, nakakahiya naman dahil pati siya naabala ko. "Kain ka na lang muna, saka pabili na rin ng pag kain ng Ma'am mo. You can bring it after mo nalang kumain." Utos ko dito at hindi din naman siya tumanggi.
Pag kalabas niya ay sinubukan kong gisingin si Aileen. Almost 7 na din pala at kung matagal siya gumayak eh baka hindi siya makaabot sa klase niya. "Hey, wake up." Bahagya kong inalog ang braso niya.
"Hmm?" tanging sagot niya at lalo pang bumaluktot ito.
Mukhang mahirap gisingin ang isang ito ah. Inalog alog ko pa ito hanggang sa makulitan siya at bumangon na din.
"Ano ba Rence? Natutulog yung tao eh, ang kulit kulit mo" Sigaw pa nito.
Ang aga aga sumisigaw na, kakagising lang niya ang lakas lakas na ng boses niya. Nakakastress talaga itong babaeng ito, pero minsan naman ok siya eh. Pero ewan ko ba minsan naiirita ako sa kanya minsan naman hindi.
"Sabi nung driver mo my pasok ka daw ng 9. past 7 na kaya." Paliwanag ko dito.
Mukhang nabigla naman ito at dali daling pumunta sa bathroom nitong hospital room ko. Kita mo yan, ayaw pa mag pagising tapos ngayon nag mamadali siya. Babalik na sana ako sa pag upo ng maalala ko yung paper bag na inabot ng driver niya.
"Hoy yung mga gamit mo." Sigaw ko dito mula sa labas ng banyo.
"Iwan mo nalang dyan sa labas." Sagot nito at nagpatuloy na sa paliligo.
Gaya ng sabi niya iniwan ko nalang sa labas yung gamit niya at humiga na sa kama, sumakit din katawan ko sa pag tulog sa sofa noh. Isama mo pa yung pag buhat ko sa kanya nung nakatulog siya sa sofa kagabi, mabigat din pala ang isang yun.
Habang iniinda ko pa ang sakit ng katawan ko bigla naman tumunog ang phone ko, as I check it si Gwen lang pala. Ang aga naman ata niya magising? Sinagot ko agad ito dahil mag iingay nanaman yun pag natagalan ko itong sagutin.
"Hey, bakit?" bungad ko dito.
"Anong bakit? Asan ka ba? Saka sinong nasa hospital?" sunod sunod na tanong nito.
"Isa isa lang pwede?" Saka ko tiningnan yung mga tatak ng bedsheet para malaman kung nasang hospital ako. "Ako. I'm at Metro East Medical Center"
"What happen to you?" Mas kalmadong tanong nito.
"Beaten up by some ammature gangs, I'll tell you the details mamaya. Punta kayo dito around 10am"
"Ammature? Pero ikaw nasa hospital? Tss.. Ok, be there then." At binabaan na niya ako ng phone.
Sa kanya ko yan natutunan, nakakaganda daw yan eh. Madaming alam yan, pati yung mga late entrance and early exit sa mga events and parties gawain din niya eh. Sakto naman dumating na din yung driver niya pag kababa ko ng phone.