Chapter 3

32K 724 35
                                    

Christine's POV

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Parang nakabawi ako ng tulog ngayong araw.

Wala rin akong narinig na panggigising ni Aling Leng kaya himala. Mukhang umalis ata ang mag-ina.

Nagstretching pa ako. Ang lambot ng higaan ko, ang bango ng unan at kumot ko para akong nasa isang hotel.

'No! Para akong nasa isang 5 star hotel.'

"Hotel? Nasa hotel ako. Shit!" Napabalikwas ako ng higa ng marealized ko ang mga nangyari kagabi.

'Bakit ako nasa hotel? May nagtangka bang gumalaw sakin? Yung lalaking gwapo! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito! Magbabayad siya! Kinuha niya ang pinakaiingatan ko!'

Kinapa ko muna ang buo kong katawan. Wala naman pinagbago. Wala ring masakit sakin, tapos yung damit na suot ko kagabi yun parin ang suot ko.

Bigla may nagbukas ng pinto kaya napatingin ako dito.

"You're awake."

"Huh? Yes I-i'm awake. A-anong ginagawa ko dito? Bakit mo ko dinala dito?" Nauutal na sabi ko. Para kasing umurong yung dila ko dahil sa kakatitig ko sa katawan niya.

Nakasuot kasi siya ng white shirt at naka boxer short lang na fit.

Titig na titig ako sa kanya mula ulo hanggang sa----

"Ay bakat." Bigla kong sabi. Bakat kasi ang junjun niya.

"What?"

"W-wala. Ang ganda ng hotel na to noh?" Pilit kung pinapakalma ang aking sarili. Yung bibig ko talaga hindi makapagpigil.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wag mong baguhin yung usapan. I know what are you talking about. My 'bakat' down there." Ngumuso pa siya sa junjun niya.

"H-hindi... a-ano---" Nauutal na sabi ko ulit. Bakit ba kasi ako nauutal?

"You know what? You're not a good liar. Lahat ng sinasabi mo nakikita ko sa mata mo." Lumapit siya sakin at tinitigan ang mata ko. "You have a beautiful eyes." Hinaplos niya ang mukha ko.

Mas dumoble ang tibok ng puso ko ng hinaplos niya ang mukha ko. Sinamahan pa ng ngiting nakakaloko.

"Maganda ka sana, kaya lang mapupuno na ng muta ang mata mo." natatawang sabi niya kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Agad akong yumuko at tinanggal ang sinasabi niyang muta sa mata ko.

Ngayon ko lang narinig ang tawa niya at napakasarap sa tenga.

Tiningnan ko siya para akong isang clown kung makatawa siya, napangiti narin ako dahil sa halakhak niya. Para kasi siyang baboy kung makatawa. Gwapong baboy.

"Why are you smiling? You're such a weirdo."

"Ha? Eh... ikaw kasi tumatawa eh kaya napangiti narin ako. Ang cute mo pala." Biglang sumeryoso ang mukha niya na tila may mali akong nasabi.

Billionaire Own's Me (PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon