Dear Ex

20 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba noong sinabi mo na gusto mo ako noong second year high school tayo? Tinanong mo ako kung pwede ka bang manligaw sa akin pero binasted kita kasi unang una takot ako na masira ang friendship natin kasi bestfriend na ang turing ko sayo, we've been together since kinder, pangalawa hindi kita gusto. Iniisip ko na baka infatuation lang ang nararamdaman mo at mawawala rin yung feelings mo. Hindi ka nagalit sa naging desisyon ko at di nagtagal nagkagirlfriend ka, naging masaya ako para sayo.

Third year nang magkahiwalay tayo, hindi na tayo magkaparehas ng section, at hindi mo na rin ako kinakausap,ewan ko ba pero namimiss kita. Noong nalaman ko na girlfriend mo yung kaibigan ko masaya ako pero nung nagmonthsary kayo at binigyan mo siya ng regalo ewan ko ba pero nalungkot ako, hindi ko alam kung ano yung dahilan, pinagsawalang bahala ko na lamang yun at tinuon ang pansin sa iba. Isang araw, tanghali at tirik na tirik ang araw nang naglalakad ako pauwi, nakita ko kayong dalawa,magkasukob sa iisang payong, ang perfect niyong tingnan at nasasaktan ako habang nakikita ko kayong ganon, sigurado naman ako na hindi kita gusto noong panahon na yun. Araw araw sa tuwing umaga inaamin ko madalas nakatingin ako sa classroom niyo o kaya sa labas nag aabang sa pagpasok mo, umaasa na sana pansinin mo na ako, kasi bestfriend mo ko eee. Isang araw nabalitaan ko na naghiwalay kayo ng kaibigan ko, tinanong ko ang klasmeyt mo kung ano ang dahilan, pero hindi niya rin alam. Nilapitan ako ng close friend kong babae which is klasmeyt mo at may sinabi sa akin, "Bhe, iniiwasan ka niya kasi mahal ka pa rin niya, sinubukan niyang ibaling ang atensyon sa iba pero ikaw pa rin talaga" noong narinig ko yun inaamin ko masaya ako, nasabi ko rin sa sarili ko na "Hindi ko yata mapapanindigan yung sinabi ko na mas mahalaga ang friendship" siguro nga crush na kita, simula noong palihim kitang sinusubaybayan, di naman kasi maikakaila na gwapo ka, matangkad ka, and with your, pinkish lips, long eyelashes, beautiful eyes, matangos na ilong, slightly thick eyebrows, and fair skin complexion sinong hindi magkakagusto sayo?

Nagkaroon ng kasiyahan sa paaralan bago mgtapos ang School Year, niyaya mo akong sumayaw, at sa gitna ng dance floor sinabi mo yung feelings mo para sakin and you asked me kung pwede kang manligaw at pumayag ako, inaamin ko gusto kita pero hindi pa ako hulog na hulog sayo, hindi pa kita mahal noong panahon na yun pero willing ako na matutunan kang mahalin.

Hindi ko pinatagal ang panliligaw mo sakin at sinagot na kita, kasi naniniwala ako na relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw, at simula noong araw na yun pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga sayo, kung gaano mo ako kamahal habang ako naman ay pinagpapatuloy ang pag aralan kang mahalin.

Fourth year naging mag classmate tayo and I was happy kasi magkasama tayo, pero hindi ako ganoon kasanay na masyadong attached sayo, hindi ako ganoon ka clingy na girlfriend, hindi ganoon kahigpit and ayoko noong masyadong intimate pag kasama ka. Hindi rin uso sa akin ang public display of affection kaya madalas hindi tayo napagkakamalan na in a relationship ng mga tao sa paligid natin. Hindi tayo ang madalas magkasama, Okay lang naman sa akin yun, kasi yun naman talaga ang gusto ko. Naging responsable kang boyfriend, maalaga at maaalalahanin. Lagi kang may time sa akin kahit Madalas ay mga kaibigan ko ang mas nakakasama ko kaysa sayo at ganon ka rin.  After four months nagdecide ako na makipagbreak sayo kasi nakokonsensya na ako, naisip ko na bakit kita tinali sa isang relasyon kung saan ikaw lang ang nagmamahal, nakita ko kung paano ka nasaktan, nakita ko noong umiyak ka, at nakita ko ang pagbabago mo, naging pasaway ka, late pumasok sa school o kaya naman ay mas pinipili ang gumala kasama ang barkada. Kinausap ako ng mga kaibigan ko na bigyan ka ng chance kung sakaling himingi ka ulit ng chance, pinag isipan ko yun ng mabuti and napagdesisyonan ko na bigyan pa ng pagkakataon ang sarili ko at ikaw. Noong 6th monthsary natin doon ko na naamin sa sarili ko na mahal na kita at simula rin ng maamin ko yun sa sarili ko nagsimula na rin akong maging selosa at doon na nagsimula ang madalas na pag aaway natin. Pag aaway na dulot ng pagkukulang natin ng oras sa isa't isa dahil sa mga kaibigan natin. Hindi nsgtagal naging legal rin tayo at tanggap ka ng mga magulang ko.

This Is Everything I Want To SayWhere stories live. Discover now