Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Baby

Hindi pa ako bumabangon at nakatutok lang ako sa kisame habang iniisip kung papasok pa ba ako sa klase ko ngayon. Finals na next week pero di pa rin ako nakapag desisyon kung tatapusin ko ba ang sem na ito. Sayang naman kung hindi ko tatapusin, ilang araw nalang naman ito. Tumayo ako inaalala ang possibleng mangyari kapag pumasok ako. Una, makikita ko si Calvin. Pangalawa, masasaktan ako kapag makita ko ang hinayupak na yun! Pero pag di naman ako pumasok at di tapusin ang sem na ito, babalik na naman ako sa second sem. Hayyyy buhay! Bakit ba kasi nagpadala ako sa Calvin na yon! Lecheng pag ibig!

Dumiretso na ako sa banyo para makaligo pero tuwing pumipikit ako, naaalala ko yung mga sinabi si Troy. May luha na naman na naglalandas sa aking pisngi, kung kayat tinuloy ko ang pagligo at hindi na lamang inisip iyon. Nagbihis na ako naglagay ng kaonting concealer para naman matakpan ang aking eyebugs. Kagabi pa ako iyak ng iyak kahit noong isang araw pa nangyari yung kahindikhindik na pangyayari sa tanang buhay ko. Walang oras na hindi ko pinagsisisihan kung bakit minahal ko ang lalaking iyon!

Pumara na ako ng taxi at papasok na talaga ako sa klase ko. Bahala na si batman kung anong mangyari pero pinapanalangin ko na sana hindi magtatagpo ang landas naming dalawa. Crossed fingers.

Nakarating ako sa unang klase ko na hindi nakikita ang anino ni "He-Who-Must-Not-Be-Named". Lima ang subjects ko sa araw na ito at laking pasalamat ko na sabado pala ngayon at sa lunes na ang exam ko! Meaning, hinding hindi ko na talaga makikita ang lalaking iyon.

"Girl, totoo ba ang chismis?" Si Sofia, iyong classmate kong chikadora.

Nilingon naman kami ng iba kong kaklase at kanya kanya na silang nagbubulungan. I don't know kung ano ang pinag uusapan nila pero biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Don't tell me...

"See? We warned you beforehand our dear Avery na hindi nagseseryoso si Calvin. Look what happened?" Sabat ng kaklase kong si Mia.

Sumang ayon naman ang iba kong mga kaklase at nagtatawanan pa ito

"Yan kasi, assumera. Ginamit lang pala ni Calvin."

"Parausan it is girl!"

Hindi ka dapat magpaapekto sa mga sinasabi nila Avery, wag kang umiyak. Chant ko sa aking sarili para kumalma ang aking sistema. Alam ko, kasalanan ko kung bakit ako nagpadala sa mga sweet gestures ng lalaking yun! Sino ba naman ako para seryosohin ng isang kagaya niyang gwapo, football captain ng university, mayaman at lahat nalang siguro nasa kanya na. Bakit ba kasi ako nagpakagaga!

Masakit, oo. Sobrang sakit kasi akala ko totoo akala ko mahal niya talaga ako, pero sa totoo, ako lang ang nagmahal. Nagpakatanga, ayun binigay ko pa sa kanya ang bataan! Buhay nga naman oh! Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria para kumain, lunch break na namin ngayon.

"See who's here dude" boses ni Troy ang narinig ko sa aking likuran. Wag kang lumingon Avery, wag kang lumingon.

"Babe, magkano ba ang pustahan niyo nila ni Josh, nanalo ka ba?" Malanding tugon naman ni Alessandra na kasama sa group of friends ng lokong yun!

"50k para sa virginity ng isang babae" at narinig ko ang pagtatawanan nilang magkakaibigan.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi umiyak. Dali dali kong nilisan ang lugar na iyon at nagtungo ako sa banyo para doon umiyak. Nasa loob ako ng cubicle nung may pumasok na grupo ng mga babae.

"Did you heard the news? Avery got laid by Calvin for 50k! I thought seryoso talaga sa kanya si Calvin e."

"What?! That is so ridiculous! Kawawa naman si Avery. She doesn't deserve that."

"Anong hindi? Kampi ka ba sa babaeng yun Martha? Mabuti nga't nangyari sa kanya yun. Lalo na't kalat na sa buong university ang nangyari sa kanila ni Calvin"

Mas lalo akong napahagulgol sa narinig pero pinigilan kong makagawa ng konting ingay dahil baka marinig ako. At ilang sandali pa ang lumipas nung lumabas na ang mga babae at siya namang nakaramdam ako ng pagbabaliktad ng aking tiyan! Oh my gosh! This can't be. Mas lalo akong napahagulgol kung ano ang napagtanto ko. Hindi gumanit ng proteksyon si Calvin.

No. This can't be happening. Baby kung andyan ka man, wala akong papa na maihaharap sa iyo. Sorry baby, at wala na akong nagawa kundi ang umiyak.

Lumabas na ako sa cubicle at laking gulat ko nalang na nandoon pa si Martha! Gulat din si Martha ng makita ako.

"Avery? Kanina ka pa ba jan?" concerned was laced on her voice.

Tumango ako at pumunta sa sink para makapaghilamos. Namumugto ang aking mga mata habang tinitingnan ko ang sarili sa salamin. Nakita ko rin ang pag aalala sa mukha ni Martha.

"Are you okay? I heard you, vomitting Avery."

Lumapit siya sa akin at hinahagod ang likod ko, naiiyak na naman ako. I dont know if she's a friend or what, pero base sa narinig ko kanina, naawa siya sa akin. I dont need pity pero it only shows that she cares for me. O kung tama ba ang iniisip ko.

"Yes, I'm okay. Thank you. Nahilo lang ako."

"But you're crying. Is this because of what happened?" Nag aalalang tanong ni Martha.

"Of course not. Gawa lang to sa pagsuka ko. Sige una na ako ha?"

But before ako makalabas sa cr, napalingon ako sa sinabi ni Martha.

"I'm a friend okay? Kung ano man ang sinabi ng kaibigan ko na narinig mo, sorry in behalf of May, alam mo naman attitude non diba? But really, I hope you are fine. And about sa nagkakalat na issue, I hope it don't affect you." Sincere na pagkasabi ni Martha.

I nodded and tuluyan ng lumabas ng cr. Maaga akong umuwi kasi wala nang lectures pa ang mga prof namin dahil naibigay na ito last week. Pagkarating ko sa apartment na inuupahan ko, nakita ko si Calvin na nakasandal sa kanyang Mercedez. Dali dali akong pumasok pero bigla niyang nahawakan ang aking braso. Pilit kong kinukuha ito pero malakas si Calvin.

"Ave. Listen to me." He wasn't pleading. He was demanding.

Nakita ko ang seryosong mga titig niya na tagos sa kaloob looban ko. I looked away. Hindi ko kayang tingnan ang kanyang mga matang dahilan kung bakit nahulog ako ng husto sa kanya. His manly scent that filled my nose kung kayat gustong gusto ko nang pumasok na sa loob. Hindi ko kayang maalala ang gabing pinagsaluhin namin. Ayaw kong maalala ang gabing binuhos ko ang pagmamahal ko sakanya. I hate that smell!

"Please Calvin, nakuha mo naman na ang gusto mo diba? Ano pa ba ang gusto mo? Kasi walang wala nang natitira sa sarili ko mula nung gabing yun! Kaya bitiwan mo na ako!" sobrang pagpipigil ng luha ang ginawa ko para maipakita lang sa kanya na wala lang iyon sa akin. Na hinding hindi ako naaapektuhan.

Inilapit niya ako sa kanya para mayakap pero nagpumiglas ako. Malakas si Calvin kung kaya't nakulong na ako sa kanyang mga bisig.

"I love you, okay? Maniwala ka sakin Ave. Yung pustahan, totoo yun pero nahulog na ako sayo Avery! Believe me!" May diin ang bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon.

Umiling iling ako dahil ayaw kong maniwala. Sapat na yung binigay ko sakanya nung gabing iyon! Bago pa bumuhos ang aking mga luha kumawala na ako sa kanyang mga bisig at hinarap siya.

"You don't need to cover things up by saying you love me Calvin. Nung nangyari satin nung gabing yun? It was good. I didn't know na magaling ka pala sa kama. I enjoyed it, dont worry. Pang experience na din yun. Thanks ah?"

Gulat at nakaawang ang bibig ang nakarehistro sa gwapong mukha ni Calvin nung pumasok ako sa loob. At doon, binuhos ko lahat ng sakit na aking nadarama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the MourningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon