Chpater 4
"What you don't know, won't hurt you."
--
Medyo maaga ako ngayon kasi gusto ko munang umiglip kahit onti sa room. Huhu. Ka-stress. Bat ba kase ako affected kay Marcus? Ay wait, SIR Marcus nga pala. Hindi tuloy ako nakatulog kagabi.
Ibang klase nararamdaman ko. May halong kaba, excitement at ewan. Ngayon pa lang kami magkikita ni Marcus after what happened between us last week. Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng turing ang ipapakita ko sa kanya.
As a student? As a fubu? As a jowabells? Ewan.
Kahit dapat ako umasta bilang isa lamang niyang estudyante, di ko alam kung magagawa ko ng tama. HASSLE. Kase ba naman professor ko pa yung lalaking ubod ng kagwapuhan at ibang level ang pagka-hot, hindi ako matututo nito eh. Pakshet.
Asan ba ko? Hmm.. Andito lang naman ako sa Leondale, papunta na sa nag-iisa kong klase tuwing Monday, ang College Algebra. Saya.
Bago ako pumasok sa room, sinilip ko muna yung maliit na window, bakante pa. Hayy salamat, magkakaroon din ng payapang lugar.
Umupo na ko sa may upuan ko sa likod at akmang ippwesto ko na ang aking ulo para mag power nap.
Eh kaso may narinig akong umuungol.. HA? Ungol? Ganto kaaga? Sa classroom?
Tumayo ako at onti-onting pumunta sa may pinanggalingan ng moan. Sa may likod ng teacher's table na nasa right corner sa harap ata eh.
Little steps lang ginawa ko. Hahahaha. Nakataas pa kamay ko na parang daga. Sinilip ko kung ano meron at...
"AY PECHAY!" napasigaw ako sa gulat. Huhu. Pechay nga nakita ko at si Jiro.. Inaararo yung isang babae na hindi naman namin classmate. Huhu.
Bat ang aga-aga, jusko, eto pa makikita ko?
Agad silang nag-ayos ng kanilang uniform, "Uy, s-sige. Aa-alis na ko." nauutal at nahihiyang sabi nung chix.
"Ge." Yan lang sagot ni Jiro at lumabas na yung babae. Ako naman ay umaktong parang walang nangyari, pabalik na ko ng upuan nang biglang nagsalita si Jiro.
"Home run na sana eh. Epal ka talaga." sabi niya habang inaayos ang kanyan buhok
"Aba. Kasalanan ko ba na ang ingay nung babae? Kung maka-moan akala mo ano na. Sa susunod, hanap din kasi kayo ng tamang lugar." pagtataray ko sa kanya
"Eh yoko. Gastos lang yun. Gusto mo tuloy natin yung ginagawa namin?" poker face niyang sinabi yan
*PAK!*
"Aray! Bat ka nambabatok?!" sigaw niya
"Eh hinayupak kang lalake ka. Iniwan mo na nga ako last week sa may parking, inistorbo mo pa yung umaga ko ngayon tas kapal mo magtanong ng kabastusan?!" naglakad na ko ulit papunta sa may seat ko, "Jusko, bat ba may taong ganto?" sabi ko
"Gantong gaya ko na gwapo, may sex appeal at crush ng bawat babae dito sa Leondale? And correction, ikaw ang umistorbo sa umaga ko." natatawa niyang tanong, "You're lucky kasi hindi kita pinakitaan ng ninja moves ko para lang hindi ka makaupo dito sa tabi ko." sabi niya at umupo na siya sa tabi ko
"Hahahahahahaha. Ninja? Utot mo." di ko na siya pinansin pa dahil may mga nagsipasukan na rin na mga kaklase namin.
The bell rang at saktong pumasok na si Sir Marcus sa room. He looked at me then he smiled. Wait, he smiled?! Baket?
"Good morning class. Dahil suspended class last Monday, we will have two to three topics to be discussed this period. Kaya kung akala niyo puro saya lang ang suspended ang class, well, you thought wrong." he said in a serious tone.
Problema niya? Ngayon ko lang nakita yung gantong kaseryoso na Marcus. Tumalikod na siya at magsusulat na sana nang bigla ulit siya humarap sa klase,
"Oh, Ms. Mendoza, please stay after class. The dean told me that we have something to discuss." sabi niya tas nagsulat na siya
**
Pakingshet. Sumabog utak ko sa diniscuss namin. Pucha. Puro formula. Huhu. Deads.
*riingggg* the bell rang and it's time to talk to Sir Marcus
Onti-onti na silang lumabas. Inayos ko muna mga gamit ko. Tas napansin ko si Jiro nakatingin saken habang nagliligpit ako.
"Baket?!" tanong ko sa kanya.
"Wala." sagot niya and then he smirked. Kinuha niya na yung bag niya at lumabas na ng pinto. Tss. Labo ng taong yun. May pa-smirk pang nalalaman, feeling gwapo pero gwapo naman talaga. Hahaha.
Nung wala nang ibang estudyante sa room, nilapitan ko na si sir. "Umm. Bakit niyo po ko pinagstay, ss-sir?"
He looked at me at inabutan niya ko ng pen and paper. "Isulat mo number mo, address mo, facebook at kung ano pa para makausap at makita kita. I forgot to ask your contact details eh. Also send me your sched." sabi niya
Di ako kumibo ng ilang segundo. "Ha? Bakit? May kailangan ba tayo sa isa't isa? Ayoko matulad sa iba mong babae." continuously kong sagot sa kanya
Kapal din naman niya. Ano akala niya, na porket may nangyari samin eh pwede niya na ko itulad sa mga chix niya?
"Hey, why are you that mad? Una sa lahat, wala ako nung ibang babae. Pangalawa, masama bang gusto kita makita palagi?" tanong niya
"I saw you last week sa Serenitea with another girl. Masyado ka ngang enjoy kaya di mo siguro ako napansin sa labas." sabi ko
"Oh, si Mae ba? She's my cousin who just came back from Singapore. At bakit parang nagseselos ka? Gusto mo ko noh?" pang-aasar niya
Kinuha ko yung papel at ballpen, sinulat ko yung details na hinihingi niya, "Pagusapan na lang natin yan pag wala na tayo sa campus."
Lumabas na ko ng pinto at sakto namang nandun si Jiro. Nakasandal siya sa pader.
"Are you eavesdropping?" I asked
"Nope. I'm just waiting for you." sagot niya
"Bakit?" nagtataka kong tanong
"Samahan mo ko. Bawi ko na 'to sa'yo para sa nagawa ko last week at bawi mo na saken para sa pang-iistorbo mo kanina." sagot niya
Di na ko naka-angal dahil hinila niya na ko agad. Narinig niya kaya yung pinagusapan namin ni Marcus?
OH NOES.
**
Author's note:
Oops. Bitin. :)) Sorry ngayon ko lang na-upload dahil nawalan kami ng net. Huhu. Please vote and comment. :)
BINABASA MO ANG
Stop Seducing Me
RomanceAng kwento ng isang college girl na ang motto sa buhay ay 'go with the flow'. Minsan may pagka-shunga, game kahit san at walang kaarte-arte. Shunga talaga siya, maiinis ka sa pagkashunga niya. Ang kwentong ito ay para kaninuman na magnanais bumasa n...