Chapter 09: Spin The Bottle
Jian's POV
Agad kaming umalis nung hatinggabi pero nakita kami ni Xander."Saan kayo pupunta?"Tanong niya.
"Ah...eh... magpapalamig lang kami sa labas" sabi ni Jake.
"Magpapalamig? Tapos sabay-sabay kayo?" Tanong niya na parang nawe-weirduhan sa amin."Oo, hindi kasi kami makatulog eh. Kaya napag-isipan namin na mag spin the bottle dun sa may tabing dagat. Tapos gagawa din kami ng maliit na bon fire" pagsang-ayon ni Skyler.
"Gusto mo bang sumama?" Tanong ko.
"Sige ba. Kuha lang ako ng jacket " sabi niya."Bukas na natin isagawa iyon. Baka makahalata si Xander" sabi ko.
"Sige na" sabi nila.
Kumuha na din ako ng jacket ko. Nakita ko silang nag-ayos na doon. Gumawa na din sila ng bonfire.
Bumuo kami ng bilog.
"Kung nandito lang sana si Kyrille..." agad kaming natahimik sa sinabi ni Sky.
"Oh bakit? May nasabi ba akong mali?" tanong niya.
"Oo, binanggit mo si Kyrille" sabi ni Dharren.
"Eh ano namang masama dun? Namimiss ko lang naman siya. Bakit, di niyo ba siya nami-miss?... Siguro kung kasama natin siya ngayon dito, mas masaya tayo"Wala pa ring umiimik sa amin.
"Naalala niyo pa ba nung nagvaction tayo sa Palawan noon? Yung yung time na nagkaayos tayong lahat. Yun yung time na nabuo yung friendship nating lahat" sabi niya at bumuntong hininga.
"Sana hindi na lang siya nawala... Sana kasama pa rin natin siya ngayon..."
"Tingnan niyo yung buwan oh. Bilog na bilog tapos ang liwanag. Diba sabi niya, pag malayo siya sa atin, tumingin lang daw tayo sa buwan para maalala natin siya" sabi ni Khionne.
Napatingin ako kay Xander. Nakayuko lang siya. Tss.
"Sinong mauuna?" Pag-iiba ko ng usapan sabay bigay nung bote.
"Ako na lang" sabi ni Khionne.Ini-spin niya na yung bottle. Tumapat kay Dharren.
"Mmh~ nagkabalikan na ba kayo ni Carla?" Tanong niya. Nakita ko yung paglungkot ng mukha niya.
Nag break kasi sila 3 years ago na. Di ko alam kung bakit. Tapos kamakailan lang, bumalik siya dito tapos nakikita namin silang magkasama.
Umiling lang siya. Agad namang nagsalin ng alak si Travis. Tapos pinainum yun kay Dharren.
Inikot na ulit nila yung bote. Tumapat kay Claine.
"Napansin ko kasi na kung minsan ang saya mo pag kasama mo si Jian tapos kapag may nakadikit o kasama siyang babae, parang malungkot ka. Ngayon, may lihim ka ba na pagtingin kay Jian?" Tanong niya.
Nakita kong bigla siyang napatigil. Napatingin pa siya sa akin.
"Natural lang yon. Nagseselos ako syempre. Kasi may kasama siyang ibang babae atsaka masaya ako pag kasama ko siya kasi masaya siyang kasama. Hindi boring!! Atsaka Bestfriend ko yan eh, kilala ko yan. Talagang pinapasaya niya ako pag malungkot ako" sabi niya.
"Bestfriend?" Sabi ko.
Hindi ko alam kung nabigkas ko ba iyon o sadyang bulong ko lang.
Hanggang bestfriend na lang ba talaga tayo? Hindi na ba iyon kaya pang lumevel-ul?
"Huyyyy! May sinasabi ka?" Tanong ni Skyler sa tabi ko. Umiling lang ako.
Sunod naman ay si Trey. Si Claine yung nagtanong.
BINABASA MO ANG
Book II: Love The Way You Die #YourChoice2018
Storie d'amoreHighest Rank #19 in Action/June-06-17 This is the Book 2 of The Gangster Heiress/ Love The Way You Lie. On-Hold po muna itong story due to some reasons and privacy concerns. tsaka focus muna ako sa study ko. Salamat sa lahat ng sumuporta.