Airport Boy (One Shot)

14 2 1
                                    

"Airport Boy" (One Shot)

after christmas, i have to go back to Manila for my work. i'm from Cebu City at ang pangalan ko ay Mickey. sa Cebu nakatira nanay ko at ang tatay ko naman ay taga Manila. sa Manila naman ako nagtatrabaho, sa kompanya ng kapatid ng tatay ko.

eto na, pagkakuha ko ng ticket nag-aantay ako ng oras pero while waiting, i saw a guy na sobrang pogi sa paningin ko. haha

he is wearing a fit long sleeve na kulay gray tapos nakablack jeans at yung hair niya parang korean style pero infairness bagay sa kanya. at may earrings din siya sa right ear niya.

nang makita ko siya parang napaOMG! ako sa kapogian niya. sinundan ko talaga sa paningin ko ang poging yun hanggang sa nawala siya.

"syet! na-star struck ako sa kanya." sabi ko na pahina.

after few mins of waiting, pasakay na ako ng eroplano at siya pah rin ang nasa isip ko.

pagkarating ko sa Manila, parang gusto ko bumalik sa Cebu just to see him and i'm kinda excited.

after a month, bumalik ulit ako sa Cebu at na-excite akong makita siya. pagkababa ko sa eroplano, nagmamadali akong pumunta sa lobby baka sa kaling makita ko siya. hinahanap ko siya at ayun! nakita ko nga siya. abot tenga ang ngiti ko at kinikilig ako.

papalabas ako ng airport nang makasalubong ko si pinsan.

"kamusta naman ang byahe mo, pangga?" tanong naman ng pinsan kong babae na sobrang close ko at sabay kuha sa pasalubong ko.

kahit na nakalabas na ako, hinahanap ko pah rin siya at kahit salita ng salita ang pinsan ko, iniisip ko pah rin siya.

"hoy!" binatokan ako ni Ashley.

"aray ko naman..." sabi ko sabay hipo sa ulo ko. :(

"hindi ka nakikinig. at parang may hinahanap ka noh?" tanong niya.

"umh... " sabi ko habang sabay labas dila at iniisip si crush.

"aba... alam ko na yan pangga." sabi niya.

"nakita ko kasi ulit si crush." at ang laki ng ngiti ko ng sinabi ko kay Ashley.

natawa naman siya.

"talaga? pakita mo sa akin!"

napaisip na ako tuloy kung ano siya sa airport.

***

ilang beses na akong pabalik balik sa airport para makita ko siya. ilang beses ko na rin siyang nakikita sa tuwing uuwi ako ng Cebu at sasakay papuntang Manila. hindi ko alam kong tagasaan siya o ano ba siya.

isang araw nang bumalik ulit ako sa Cebu dahil binisita ko si lola at inimbitahan ako ni Ashely na sumama sa birthday ng kaibigan niya.

nang makarating kami ng bahay ng kaibigan ni Ashley, napanganga ako sa ganda ng bahay nila at sobrang yaman at ang bait nito. maraming bisita ang dumalo sa bahay ni Nina.

"uyy Ashley, Mick, doon tayo sa kwarto para solo ko kayo..." sabi ni Nina.

habang papunta kami sa kwarto, sa isang drawer, may nakita akong picture ni Nina na may kasamang lalaki. Napatingin ako sa sobrang kapogian.

habang nakita ko ito, napangiti ako na gusto kong tumalon sa tuwa dahil nga kakilala ni Nina ang lalaking yun na crush ko. hindi ko rin naisip na baka boyfriend ni Nina yun.

siniko ko ng pahina si Ashley.

"bakit?" tanong niya.

"siya yun." sabi ko ng pahina na boses at sabay turo sa picture frame ni Nina.

"talaga? ang pogi nga!" aniya.

"bakit? ano meron?" tanong ni Nina.

"umh... matanong ko lang friend, kaano ano mo ba yang lalaki na yan? ang pogi ah?" tanong ni Ashley.

"ahh... si Lance." sabi niya.

LANCE!

sabi ng isip ko.

"siya yung close na close na close na sooobrang bait kong pinsan."

nakahinga ako ng maluwag at nakangiti ako sabay titig sa picture niya.

"pupunta ba siya ngayon dito?" tanong ni Ashley.

"sana... " sagot naman nito na parang nalulungkot.

"sana?" sabi ni Ashley.

"oo. sana." sabi ni Nina na parang tutulo ang luha niya. "sana buhay pah siya para makapunta ngayon dito sa birthday ko."

nagulat ako sa sinabi niya at ganun rin si Ashley.

nang nasabi yun ni Nina, parang gusto ko tumakbo paalis sa bahay nila at umiyak ng umiyak. sobrang nasaktan ako sa sinabi niya. para bang hindi ako makahinga nang gabing iyun.

hindi ko naisip na isang multo ang nakikita ko. hindi ko naisip na magkakagusto ako sa isang multo.

"umh Nina... matanong ko lang..." sabi ko na parang napilitan akong magsalita. "kelan lang siya namatay at ano ikinamatay niya?"

"last year lang noong nagkaroon ng hostage sa airport at dahil sa sobrang bait niya, sinalo niya ang bala na tatama sana sa matandang lalaki."

nagulat ako sa sinabi niya. kaya naman pala nasa airport ko siya laging nakikita.

***

pagkatapos ng gabing yun. parang gusto ko ng bumalik ulit sa Manila at hindi na babalik pah sa Cebu. sobrang lungkot ko ng malaman ko yun.

at that moment, hindi ko na maisip na makikita ko ulit si Lance sa airport.

***

nasa lobby na naman ulit ako para maghintay na bubukas ang gate. may biglang tumabi sa akin.

"miss, para saan ka?" tanong ng isang lalaki.

napalingon ako sa kanya at nagulat ulit ako sa nakita ko.

OMG! ang laki ulit ng ngiti ko. ang pogi naman ng katabi ko. napatitig ako sa kanya.

"umh... miss... okay ka lang ba?" tanong niya.

"umh... oo..."

napakaputi niya at ang kinis ng balat niya. kulay brown naman ang buhok niya at kapareho ng hair style kay Lance. mataas ang ilong. shape heart naman ang bibig niya at pinkish. may dalang headphones at nakashorts naman ito at nakawhite tshirt.

"saan pala ang byahe mo?" tanong niya ulit.

"sa Manila." sagot ko at nahiya naman ako sa kanya.

"ahh... ako rin... pwede sabay nalang tayo?" tanong niya.

"oo naman."

"ako nga pala si Charles." sabi niya.

"Mickey." :)

at simula noon, nagkaroon ulit ng kulay ang mundo ko. hindi ko rin iisipin na multo siya dahil nahawakan ko siya. HAHAHA!

the end... :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Airport Boy (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon