Earth Hour
written by: Highschoollover 13
Author's Note: Dahil sa sobrang bored ako nung earth hour, bigla na lng pumasok sa pinakadulo ng ugat ng utak ko na gumawa ng isang storya. Kaya earth hour ang title, kasi ginawa ko ito habang nagaganap ang earth hour XD Ngayon ko nga lng siya napost XD
VOTE and COMMENT pag nagustuhan XD
"Hon, alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong ko kay Lenard habang naglalakad kami sa park na puno ng cherry blossoms
"Sabado ngayon hon. Bakit mo naitanong?"
Bigla akong nagtaka sa sagot nya kasi hindi nya dapat makalimutan itong napakahalagang araw na to.
"Except na Sabado ngayon, wala ka pa bang naaalala kung anong meron ngayon?" muli kong tanong sa kanya
"hmmm…ano pa bang meron ngayon?" at hinawakan nya ang baba nya ung parang si Ninoy sa lumang 500 peso bill
"Ah! Earth hour nga pala ngaun hon." tumingin siya sa relo nya. "Malapit na pala mag 8:30 ng gabi. Halika ka na hon, papatayin na nila mamaya ang mga ilaw kaya madilim na dito" at hinawakan nya ang aking kamay na nagyayaya na nga syang umalis dito
Nakaramdam ako ng lungkot at disappointment sa mga sagot nya. Kaya binitawan ko ang kanyang kamay ng padabog at tumakbo papalayo sa kanya.
"Lea!!! Saan ka pupunta??? Teka hintayin mo ako!!! Lea!!!" naririnig kong sigaw ni Lenard mula sa likod. Pero tumakbo ako ng mabilis dahil ayokong maabutan nya ako.
"Lea…" napatigil ako sa pagtakbo dahil may biglang humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko si Lenard
"Lea may problema ba??? Bakit bigla ka na lng tumakbo? May nasabi ba akong ikinasama ng loob mo???"
*PAK!!!!!!!*
Sinampal ko sya dahil naiinis ako sa kanya.
"Para saan yun??? Lea anong ginawa ko sayo???" tanong sakin ni Lenard habang hawak hawak nya ako sa braso ko.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi umiyak kasi nalulungkot na naiinis na nasasaktan na ewan!!!
"Bakit ka naiyak? Hon sagutin mo ako"
"Bitawan mo ako at wag mo akong tatawaging hon" seryoso kong sabi sa kanya
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sakin kung bakit ka umiiyak"
"Bitawan mo nga ako!!!!!" tinulak ko siya ng malakas kaya napabitaw siya sakin. Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya para hindi na nya ako maabutan.
Habang natakbo ako, hindi ko mapigilang mapaluha dahil naiinis na nasasaktan na ewan! Hindi ko madetermine ang nararamdaman ko
Sa kakatakbo ko hindi ko na namalayan na namatay na pala ang lahat ng ilaw dito sa parke. Tumingin ako sa paligid ko at mukhang wala ng mga tao. Umupo na lng ako sa isang bench na malapit sa puno at doon na lng nagmukmok.
Ngayong March 31 kasi ang 1st anniversary namin ni Lenard. For the past 11 months hindi naman nya ako nakakalimutang batiin ng "happy monthsary" pero bakit ganun? Kung kelan 1st anniversary namin tsaka pa nya makakalimutan? Dba ang sakit nun? Nag eexpect ka sa taong mahal mo na magbabatian kayo sa isa't isa ng "Happy 1st anniversary hon!" tapos pagnagkita kayo BOOM!!! Parang wala lang. Nakailang tanong naman ako sa kanya kung may naaalala ba siya ngayon araw na to pero ang mga sago nya "Sabado ngayon, earth hour ngayon" anong klaseng sagot yan??? Dba nakakadisappoint na nakakainis??? Kasi ang gusto mo marinig mula sa kanya ay "1st anniversary natin ngayon hon". Tapos ang mga sagot nya ganun lang? Buti pa ang earth hour naalala niya. Pero ang 1st anniversary namin hindi. Sana naging earth hour na lang ako
Halos isang oras din akong umiyak. Nakakalungkot lang talaga. Kasi eto yung pinakaespesyal na araw para saakin eh. Ang magkaroon ng boyfriend na tatagal hangang isang taon. Yun nga isang taon na nga kami tsaka naman kami humantong sa ganito.
Nagulat na lng ako ng biglang lumiwanag ang paligid at nakita ko na puno ng mga balloons na hugis puso ang paligid ko. Tumayo ako sa bench at nakita ko na may mga maliliit na ilaw sa dadaanan ko. Sinundan ko ang mga kumikislap na maliliit na ilaw hangang sa makarating ako sa puno.
Nagtaka ako dahil bumalik ako dun sa puno kung saan ako umupo at nagmumok kanina. Pero nagulat ako sa nakita ko, dahil yung puno ay puno ng christmas lights at bigla itong lumiwanag. Sobrang naamaze ako sa nakita ko. At napansin ko na may nakaukit sa katawan ng puno. Binasa ko ito "turn around??? Ano ba to? Kanta???" tanong ko sa sarili ko XD
Pagkatalikod ko, nakita ko na may taong nakatalikod sakin.
"Lenard?" tanong ko sa kanya
Lumingon siya saakin at ngumiti
"Happy 1st anniversary Lea!!!" lumapit siya sakin at iniabot nya saakin ang isang bouquet ng roses
Sobrang nagulat ako at syempre kinilig din dahil hindi ko ineexpect na gagawin nya to. Kinuha ko yung bouquet ng flowers at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Akala ko tuluyan mo ng nakalimutan"
"haha pwede ba yun? Hinding hindi ko makakalimutan itong araw na to kasi espesyal to saating dalawa. Sadyang plinano ko na kunwari hindi ko maaalala kung anong araw ngayon. Eh nagkataon na earth hour ngayon, kaya plinano ko na lagyan ang buong paligid ng ilaw at binuksan ito pagnatapos na ang isang oras."
"haha akala ko talaga hindi mo na maaalala na anniversary natin ngayon."
"Pero Lea may tanong ako sayo"
"Ano yun?"
"Pwede na ba kita uli tawaging hon?"
Napatawa ako sa tanong nya at sinabi ko na "oo naman"
Niyakap nya uli ako pero this time binuhat niya ako at biglang siyang umikot habang buha't buhat nya ako
"Teka lng hon, itigil mo muna yan. Nahihilo ako eh" inawat ko na sya sa pag ikot kasi talagang nahihilo ako na ako
"haha sorry hon" -Lenard
"Ok lang yun hon" -ako
"I love you hon!!!" - Lenard
"I love you too hon!!!" -ako
After ko sinabi yun, dahan dahan niyang inilapit ang labi nya sa labi ko hangang sa magdampi na ang mga labi namin. He gently kissed my lips and I gave back the kisses. Napakamagical nitong gabing ito. Pakiramdam ko isa akong prinsensa at si Lenard ang prinsipe (ok ako na ang malakas ang imagination XD) pero ito lang ang masasabi ko sa araw na ito, ito ang pinakamasayang naging parte ng buhay ko.
THE END.
BINABASA MO ANG
Earth Hour
RomanceNote: HINDI po ito horror story. Kaya earth hour ang title nito dahil nagkataon lang na naisipan kong gumawa ng isang short story nung nagaganap ang earth hour XD Genre: Romance, Short Story