It was Saturday morning, kagigising ko lang noon. I was supposed to walk Loki out at mag-jogging narin. I was drinking my coffee when the doorbell buzzed. Sunod sunod yun, na para bang kilala ko kung sino yung nagba-buzz. Hindi siya tumigil sa pagba-buzz. Dahan dahan akong naglakad patungo sa pinto, panay tahol narin ni Loki.
"Sssssh, stay there. Sit and don't bark" sumunod naman ito.
Binuksan ko na nga ang pinto.
"Tito-Daaaaaaad!"
Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung kambal sa harap ng pintuan ko. Napaluhod ako dun. Agad silang yumakap sa akin, andun din si Tita Agnes.
"We missed you Tito-Dad" tugon ni Tep saka humalik sa akin.
"I love you Tito-Dad" saad naman ni Bastie saka ako niyakap. Di ko mapigilang mapaluha noon. Is this real? Kinurot kurot ko yung sarili ko at nakaramdam ako ng sakit – it is real. Mukhang nakatunog si Kayla at agad na pumunta sa bahay. Yumakap ang kambal sa kanya, nang makita niya ako ay inilayo niya muna ang kambal para mag-usap kami ni Tita Agnes.
"What's happening po? I was about to fly to London tomorrow pero andito na pala kayo"
Nagbuntong hininga si Tita Agnes bago magsalita. She aged alot, punong puno siya ng pag-aalala. May mga wrinkles na siya at talaga namang drained na drained na.
"Santi, he went away"
"How?"
After months of therapy ay bumuti naman daw yung kondisyon ni Santi. After 3 months ay nakapag-salita din siya at nagkaroon ng balance. It took him another 4 months para makalakad talaga. Pero wala daw gabi na di ito nagsusumigaw dahil nafru-frustrate siya na walang maalala.
"Anak, he was a blank sheet. Ni isa man lang wala siyang maalala. He didn't recognize me, his kids, he doesn't know his name – nothing. Pinilit ko naman na ipaalala sa kanya, pero the next day wala nanaman. The operation was a success but the outcome is really worst"
Sabi daw ng Doctor ni Santi na mas makabubuti daw para sa pasyente na mabigyan siya ng space. May mga nirecommend daw itong way of healing na matatagpuan sa ibang bansa. Ayaw man ni Tita Agnes daw na payagan si Santi nun to seek himself pero wala na siyang nagawa. Nagsabi naman daw ito noon, na gusto nga niyang hanapin yung sarili niya. Dahil parang ayaw na daw niya mabuhay kung ganun din naman ang nangyayari. Pero di daw ineexpect ni Tita Agnes na ganun ganun nalang mawawala si Santi. Walang pasabi sa kung saan tutungo o kung kelan babalik. Nag-aalala siya na baka daw di na niya makitang muli ang anak.
"Tita babalik yun sayo, at pag-balik nun ok na siya"
"Sana ganun nga kadali Dex. May isa pa sana akong ipapakiusap sayo, kung pwede lang ay sayo muna yang kambal. Babalik din kasi ako sa London next week baka sakaling nandun lang ang anak ko"
BINABASA MO ANG
Little Mix's Tape (boyxboy)
RomansaPaano ba mag-mahal ang mga Millenials? Sasabihin ba nating makabago narin ba ang pamamaraan nila ngayon digitalized na ang lahat. Na sa isang pitik mo lang nakukuha mo na ang hinahanap mo. Mas wild ba ang mga Millenials compared sa mga naunang he...