A/N: Hey everyone! This is my first ever one-shot story here on Watty. So please, comment lang kayo. Mapa-negative man o positive, tatanggapin ko at maa-appreciate ko talaga. :))
Btw, this is a true to life story. Pag umabot ng 40 votes and comments, dun ko sasabihin kung kanino talaga story 'to at ang buong detalye. Kase mejo kulang kulang pa 'to. Hahahaha. So yun, please support, like, vote, be a fan, and comment! Mwahugs! ♥
12:51 - sheeragara
Kita tayo mamaya. Text mo ko kung san ka. May sasabihin ako.
Kasalukuyan akong nakikinig ng valedictory speech nang tinext niya sa'kin 'to.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko dahil ang lalaking nagtext sa'kin niyan ay ang taong nagpatunay sa'kin kung gaano kasarap ang feeling ng ma-inlove..
At kung gaano rin kasakit pag nalaman mo na pagkukunwari lang pala ang lahat ng ginawa at sinabi niya sayo.
2 seats away ay ang bestfriend ko. Pinakita ko sa kanya yung text na sinend sakin ni JP. (Itatago ko na lang ho siya sa pangalang JP. Haha.)
Tinanong ko sa kanya kung dapat ba na kausapin ko siya for the last time dahil malaki ang possibility na huling pagkikita na namin ngayon, o kung kalimutan ko na lang ang lahat.
Kalimutan ko na lang na minsan eh minahal ko siya at kalimutan ko na lang na sinaktan niya ko.
Pero pano ko siya makakalimutan kung siya ang dahilan kung bakit isa akong man-hater ngayon at bawat lalaking makikita ko ay iniisip kong kagaya niya na manloloko at paasa?
"Kausapin mo na. Wala namang mawawala sayo. Last na rin naman yan. Hindi na kayo magkikita."
Napaisip ako sa sinabi ng bestfriend ko.
Wala namang mawawala sayo.
Wala nga bang mawawala saken?
Meron.
PRIDE.
Pero wala kasi sa vocabulary ko ang pride na yan. Sa pagkakaalam ko kasi, wala pa namang namatay na tao dahil nabulunan siya sa paglunok ng pride niya. Atsaka sino ba ako para hindi magpatawad? Kung ang Diyos nga nagpapatawad sa bilyong kasalanan ng tao, ako pa kaya?
Matagal ko na siyang napatawad. Para sakin, madali naman kasing magpatawad eh.
Pero mahirap makalimot.
Saktong araw ng Pasko nang malaman ko na pagkukunwari lang pala ang lahat ng ginawa niya para sa'kin, lahat ng sinasabi niya sa'kin. Gusto kong umiyak na lang nun ng umiyak. Pero ni isang patak ng luha, walang tumulo.
Siguro may dahilan kung bakit pati luha ko, ayaw mahulog.
Dahil hindi naman siya deserving.
Sinubukan kong kalimutan ang lahat. Lahat ng ginawa at sinabi niya. Binura ko yung number niya sa contacts ko. Inerase ko siya sa friends ko sa Facebook. Kung dati, gumagawa ako ng paraan para dumaan sa building nila pag nasa school kame kahit mapalayo pa ako lalo sa pupuntahan ko, ngayon gumagawa rin ako ng kung anu-anong paraan, pero para hindi na makadaan dun.
Sinubukan kong kalimutan siya. Mahirap.
Sobra.
Nagpaka-busy ako, para hindi ko na siya maalala. Pero kahit anong gawin ko, dumarating pa rin yung mga oras na bigla na lang siyang manggugulo sa isip ko. Nakakaasar.
After 2 or 3 weeks, may nagtext sakin na unknown number.
Alam kong walang magagawa ang sorry, pero sorry parin.