Bigla nalang akong nagising sa ingay. Medyo makirot pa ang ulo ko dala ng hang over. Ang lakas naman kasi uminom ni Leticia kaya napasabay ako. At naiinis ako dahil nag lalandian sila ni Luther sa harap ko.
"Where's Sasha?" Rinig kong sigaw mula sa labas ng room ko dito kila Luther. Dumilat ako ng dahan dahan kasabay ng pagpikit ng mata dahil sa tirik na tirik na araw. Wala na si Maggie sa tabi ko. Asan siya?
"Sasha!" I heard growling voice outside. Napakunot ang noo ko. Boses kasi ni Darton iyon, e.. Ano naman ang ginagawa non dito?
Inayos ko nalang basta ang buhok ko at dumiretso sa banyo para maghilamos at sepilyo. Ngumiwi pa ako ng may dumaan na kirot sa ulo ko. Nang maayos na ako ay halos mapalundag ako ng basta nalang pumasok si Darton kasama si Draco. Nanliit pa ang mga mata ko ng may kasama silang dalawang babae na hindi ko kilala. Nasaan na si Joyce?
"Ngaun ka lang nagising?" Bungad ni Draco sabay akbay sa kasama niyang babae. Umirap muna ako sa kanya at umupo sa sopa sa gilid. " Obvious ba?" Sagot ko.
Nilibot ko pa ang mga mata ko ng biglang nahagip si Luther na topless habang prenteng nakatayo sa pinto ng kwarto habang nakataas ang kilay.
Napaiwas ako agad ng tingin at napalunok. Kailangan bang ibalandra ang maganda niyang katawan? Given naman talaga na maganda ang katawan niya, e. Bakit kailangan pa niyang ipagsigawan? Ugh! Nagutom tuloy ako bigla.
"Lunch na," salita ni Luther. Hindi pa din ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko pa ay nag iinit ang pisngi ko. Sanay naman ako sa hubad na lalaki, e. Pero bakit nailang ako sa kanya?
"We drove two hours just to get here, Sasha! gutom na gutom na kami.." maktol ni Darton. Napatingin ako sa kanya ng masama. "Bakit sakin ka nagrereklamo? Nasa akin ba plato?" Iritableng sagot ko. Narinig ko ang pagtawa ng kasama nilang babae kaya napairap si Darton.
"Eh, kasi, ayaw kaming pakainin ni Luther hanggat di kapa gising.." patuloy na maktol ni Darton. Agad akong napatingin kay Luther. Okay, baliwala muna ang naghuhumiyaw na 'hotness' niya.
"Anong meron? Bat di mo pinkain ang mga hampaslupa na 'to?" Salita ko sa kanya. Natawa naman bigla si Luther kaya sabay na nagpakawala ng mura si Darton at Draco.
"Hampaslupa agad?" Draco murmured.
"Nagluto ako para seyo, Sasha.. hindi para sa kanila." Natatawang sagot ni Luther. Teka-- nagluto siya? Marunong siya magluto? At para sa akin? Ayan na naman ang puso ko na kumakawala na yata sa dibdib ko. Kakagising ko lang landian na agad?
"Mean.." salita ni Draco.
"Tangina mo po, Luther!" Salita naman ni Darton.
Hindi iyon ininda ni Luther. Lumakad siya palapit sa akin. " C'mon. I'm starving." Walang sabi ay hinila niya ako patayo. Panay pa ang salita ni Darton dahil sa hindi pagpapakain ni Luther sa kanila.
Nang nasa dining kami ay lalong kumalam ang tyan ko. Nagasuot na ng puting tshirt si Luther sabay upo sa kabilang dulo. Teka lang-- bakit nagdamit na siya? Akala ko pa naman pwede ko siyang iulam. Hay nako, Sasha! Maligo ka muna bago maglandi, huh?
Naiiling akong umupo sa tabi ni Luther habang ang dalawang pinsan ko ay magkaharap katabi ang mga babaeng hindi ko alam kung saan nila nakuha.
"Didn't know you know how to cook." Salita ko ng hindi tinitignan si Luther. Ang kasama naman namin sa lamesa ay nawala na yata sa sarili dahil sa sunod sunod na pagsubo. Umirap ako, now tell me na hindi sila patay gutom?
"You didn't know anything about me, Sasha.." sagot ni Luther kaya napatingin ako sa kanya. Umiinom siya ng tubig habang ang mga mata niya ay tutok na tutok sa akin. Saglit akong natigilan at nag iwas ng tingin. What was that?
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Fiksi Umum(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..