Chapter 1

38 0 0
                                    

It’s been 15 years mula ng huli kaming magkita. Kumusta na kaya sya? Naaalala pa ba kaya nya ako? Sana naman. Kasi ako hanggang ngayon, hindi dumadaan ang isang araw na hindi ko sya naaalala. Naging isang mahalagang parte din sya ng buhay ko, ng childhood days ko, ng masasayang araw ng kamusmusan ko.

“Kumusta ka na ba Stephen?”

Habang hawak ko ang kupas na litrato ng isang batang lalaki na may katabing batang babae. Ako yun. Si Stephen yung lalaki. Masaya kami. Yung ngiti naming dalawa… ngiti ng batang walang kahit na anong problema. Ngiti ng dalawang bata na walang alam kung ano man ang mangyayari sa future nila.

Ako nga pala si Brianne Angelique Monsod. Pero Bri ang tawag sakin ng mga friends ko. 25 years old and feels like at the verge of being an old maiden. Bata pa naman ako, alam ko. Pero may pangarap kasi ako eh... may pangako noon na mukhang imposible ng matupad ngayon.

Kahit may mga pangarap ako noon na hindi ko na matutupad ngayon ay natupad naman ang pangarap ko na maging isang successful nurse. Nagtatrabaho ako bilang isang head nurse sa isa sa pinakasikat na private hospitals dito sa Pilipinas.

“Tulala ka na naman jan. Hehe! Bri. Paki-check naman nung pasyente sa Room 501.”

“Yes Doc.”

Paalis na sana ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

“Ahhh.. Bri. JC na lang. Magkaibigan naman tayo diba?”

“O-ok JC. Uhm. Please let go of my hand. Madaming patients ang naghihintay sakin.”

Binitawan naman nya ang kamay ko pero alam ko na hindi pa din nya inaalis ang tingin sakin habang papalayo ako.

Sya si Dr. JC De Guzman. Isa sa mga pinakabatang successful doctor dito sa hospital. Same age kami. Actually, same school kami since elementary. Hindi ko naman masasabi na noon pa lang close na kami. Ngayon pa lang nung naging colleagues na kami. Naging maliit na din kasi ang mundo para samin dalawa. Let’s just say na no choice kami kundi pakisamahan at gawing kaibigan ang isa’t-isa.

Andito na ako sa harap ng room 501. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko agad ang isang pasyente na lalaki. Wala pa rin syang malay. Naaksidente sya noong nakaraang araw. May bali sya sa kanang paa. Sa totoo lang, hindi ko alam ang rason kung bakit nilagyan ng benda ang mukha nya kahit halata naman na wala man lang sugat doon kasi wala namang stain ng dugo sa benda nya.

Tsinek ko sya at pinalitan yung dextrose nya. Hindi ko alam kung anung meron pero parang nakaramdam ako ng urge na umupo sa tabi nya. Kahit nakapikit sya at may benda ang mukha nya, hindi maiitago na gwapo sya. Mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, curvy ang mapupula nyang labi.

“Gwapo ka din pala. Bakit hindi ka pa din gumigising? Sayang ang 3 araw na nilalagi mo dito sa Earth kung hihilata ka lang jan.”

Biglang bumukas ang pinto.

“Bri. Andito ka pala. Na-check ko na lahat ng patients dito sa floor na ‘to.”

Si Lou lang pala. Co-Nurse ko sya dito. Actually, under ko sya pero kahit ganun, magkaibigan din kami. Halos lahat naman dito kaibigan ko eh. Naniniwala kasi ako na kung hindi mo kaaway eh di kaibigan mo. ^^

“Good! Pero anong ginagawa mo dito? Hindi naman sya naka-assign sayo diba, Lou?”

“Ahh. Eh. Gusto ko lang sana i-check kung nagkamalay na sya. Hehe. Napansin ko kanina, nakatitig ka sa kanya ha? Gwapo nya no?Hehehe!”

“Ha? Ah eh. Nagtataka lang ako. Hindi naman ganun kagrabe yung aksidente at mga injuries na natanggap nya pero pang 3rd day na nya at hindi pa din sya nagigising.”

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon