Dumating ang araw na pupunta na ng japan si aiah para doon mag aral pero bago pa man sila umalis ng bahay ay nag punta si aiah sa tagpuan nila ni vince at nakita nya ang bulaklak na dinala ni vince, mabilis nalaman ni aiah na si vince ang nag iwan nun doon dahil may nalagay doong sulat at nakalagay ang kanyang pangalan. Kinuha ni aiah ang sulat at dinala nya ito bago mag tungo sa bahay dahil maya maya lang ay aalis na sila. Pag uwi ni aiah ay sinalubong agad sya ng kanyang mommy, " San ka nanaman galing aiah ? Kanina pa kita hinahanap. Ilang oras na lang at lilipad na eroplano natin, halika na sa sasakyan" Hindi na nag salita si aiah at pumasok agad sya sa sasakyan. Habang nasa byahe sila aiah ay tahimik syang naka upo sa bandang likod ng sasakyan, pinakikinggan nya ang mga paborito nilang kanta ni vince na dati ay sabay pa nilang inaawit, pinag mamasdan din nya ang mga larawan nilang dalawa na. Dahan dahang tumulo ang mga luha sa mata ni aiah dahil hindi nya naman talaga gusto na makipag hiwalay kay vince pero kaylangan nyang gawin yun dahil kaylangan nya na ring mag focus sa pag aaral.
Nalaman ni vince na nasa byahe na sila aiah papunta airport at agad agad syang umalis ng bahay dahil nag babakasakali syang maaabutan nya pa si aiah. Nang maka rating sila aiah ay dumeretso agad sa loob ng airport, hindi ganun kabilis ang pag punta nila aiah at ng kanyang mommy sa arrival area dahil masyadong maraming tao ang naka pila. Ilang minuto pa ang naka lipas naka rating din sa wakas si vince sa airport at hinanap nya agad sila aiah sa labas, natanaw nya mula sa labas ng airport sila aiah at mommy nya na papunta na sa arrival area, mabilis na tumakbo si vince ngunit hindi sya naka pasok sa airport dahil hinarang sya ng mga guard. Nag sisisigaw si vince ng malakas dahilan para marinig sya ni aiah at mapalingon ito. " BABY ! AIAH ! Wag mo naman akong iwan ohh, mahal na mahal kita baby !! Please baby wag mokong iwan!! " Biglang tumulo ang luha ni aiah nang makita nya ang kalagayan ni vince, nais nyang tumakbo papunta kay vince ngunit hindi nya magawa dahil pinigilan sya ng mommy nya. Ilang minuto ang lumipas pero nandun parin si vince naka luhod,tumutulo ang luha, tinatanong nya sa sarili kung bakit ganito ang nangyare sa kanila, hindi alam ni vince kung ano ang gagawin nya dahil feeling nya ay walang wala na sya ngayong iniwan na sya ng taong nag papasaya at kumukumpleto ng araw nya dati.
Habang nag aantay sila aiah sa flight nila ay tumutulo ang luha neto sa nangyare hanggang sa dumating ang oras na sasakay na sila ng eroplano. Habang nag lalakad sila ay nag text sya kay vince "Vince, Baby?? Sorry kung wala akong nagawa, sorry kung nakipag hiwalay ako sayo, hindi ko naman ginusto to eh pero para to sa future ko. Kaylangan din nating mag focus sa pag aaral natin dahil college na tayo, hindi na tayo high school na pa chill chill lang. Sana maintindihan moko vince, mahal na mahal kita pero kaylangan nating gawin to. Salamat sa lahat vince, Patawad" Hindi na napigilan ni aiah ang pag tulo ng kanyang mga luha dahilan para makita sya ng kanyang mommy. "Okay lang yan anak, kaylangan nyo rin tong ginagawa ko para sa kinabukasan mo. Makakalimutan mo rin sya ☺ ". Niyakap ni aiah ang kanyang ina at sinabing " Opo ma naiintindihan ko po kayo, ginagawa nyo naman to para sakin ". Naka sakay na sila ng eroplano at inaantay na lang na maka lipad ito habang si vince naman at matamlay na nag lalakad papunta sa gilid ng airport para pagmasdan ang pag lipad ng bawat eroplano. Habang inaantay ni vince ang pag lipad ng eroplanong paandar pa lang ay tumutulo ang luha nya at sinabi na " Mag aantay ako para sayo aiah, tutuparin ko mga pangako natin sa isa't-isa. Hinding hindi kita ipag papalit" .
BINABASA MO ANG
Shower of Memories
RomanceMakakamove-on na sana si *girl* nang sa 'di sinasadyang pagkakataon ay napunta siya sa lugar kung saan sila madalas noon ng ex niya. Saksi ang lugar na iyon sa lahat ng pangako, pagmamahalan, at kahit pa tampuhan nila ni *boy*. Sa isang iglap ay mas...