A week with Andrea

9 2 0
                                    

"Mag hiwalay na tayo" tandang tanda ko pa yung araw na yun. Yung araw na sinaktan ko siya.

May girlfriend ako. Si andrea, simple lang siyang babae. Malayong malayo sa mga naging ex girlfriend ko. Matagal na kaming nag sasama, mahigit dalawang taon na din.

Pero habang tumatagal, parang nagsasawa ako. Sa mga away at bati namin, paulit-ulit nalang. Hindi na ako masaya, wala na yung pananabik ko na makita siya. Unti unti ng nawawala ang pag mamahal ko sa kanya.

Nag ta-trabaho ako sa isang opisina. Dahil sa sobrang busy, I forgot andrea. I started ignoring her calls, and texts. Minsan, siya pa yung napag babalingan ko ng inis dahil sa trabaho, hindi ko na siya malambing, nag-iba na ang pakikitungo ko sa kanya.

Hanggang sa dumating sa storya ko si Chloe. Ka officemate ko. She's pretty, intelligent, kind— I can say that she's almost perfect. Palagi ko siyang nakakasama, sa work, tuwing mag la-lunch. Nag simula na ding ma-develop ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong mali to, hindi dapat, pero hindi ko mapigilan.

Palihim kaming nagkikita ni Chloe. Alam kong mali, tawagin nyo na akong gago, manloloko— pero mahal ko na si Chloe.

Napagkasunduan namin ni Chloe na makikipag hiwalay na ako kay Andrea.

Sa hindi sinasadyang araw, natapat pa na 26th monthsary namin, hindi na ako makapag hintay, kailangan ko ng sabihin kay andrea ang lahat. Dahil ayoko ng lokohin at saktan pa siya.

Nakipag kita ako sa kanya. Sa paborito naming tagpuan. Nasa malayo palang siya, natatanaw ko na ang mukha niya. Masaya siya, at may dala dalang kahon na kulay itim. Medyo magulo ang buhok niya, hindi kasi siya mahilig mag ayos. Tapos simpleng dress ang suot niya.

Kumain muna kami. Hindi ako umiimik.

"May problema ka ba Mahal?" Tanong niya sakin.
"Wala." Tipid kong sagot.
"Mabuti naman. Kumain ka ng marami ha, pagkatapos natin kumain, magpapatimbang tayo!" Masaya niyang sabi.

Every month kasi, nagpapatimbang kami. Pabigatan. Gusto niya kasi, palagi akong malusog. At ganun din ang gusto ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain, pumunta ulit kami sa favorite place namin. Naupo kami dun. Tapos pinapikit niya ako.

"Happy 26th monthsary mahal!" Sabi niya.

Pagkamulat ko, nakita ko yung kahon, nakalahad sa kamay niya. Tumingin ako sa mukha niya.

"Andrea"
"Bakit mahal? Gift ko sayo oh" inabot niya yung box.
"Maghiwalay na tayo" sabi ko.
Natulala lang siya at pagkalipas ng ilang segundo, tumawa siya.
"Hoy christian! Ang galing mong mag joke! Baka gusto mong sapakin kita dyan hahahaha" tumawa siya.
"Seryoso ako andrea"
Tumigil siya sa pag tawa. Ako naman, sinabi lahat sa kanya. Yung tungkol samin ni Chloe. Pero hindi tulad ng inasahan ko, hindi niya ako sinampal. Hindi niya ako binato ng sapatos.

Ngumiti siya at may luhang pumatak sa mata niya "Mahal, papalayain kita..."

"Sa isang kondisyon" dugtong pa niya.

"Andrea, im sorry—"

"Bukas ng umaga, pumunta ka sa bahay. Sasabihin ko sayo yung kondisyon, bago kita palayain" pinipigilan niya ang pag hagulgol niya.
Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya.

Pagkatapos namin mag-usap, niyakap ko siya ng mahigpit, at hinalikan sa noo. Niyakapag niya ako ng mas mahigpit. "Christian, alam kong may mahal ka ng iba. Alam kong wala na akong lugar dyan sa puso mo, wag mo ng sabihin sakin, pagkatapos mong magawa ang kondisyon ko, palalayain na kita, christian" sabi niya, tapos humagulgol na siya.

Pagkatapos nung araw na yun, pumunta ako sa bahay nila andrea.
Binati ako ng magulang niya, mukang hindi pa nila alam ang nangyari samin ni Andrea. Nakita ko si Andrea, nakasuot siya ng magandang damit, at nakaayos ang buhok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A week with Andrea (ONE SHOT)Where stories live. Discover now